Alhena Bernabe Dumaan pa muna kami sa isang fast food upang mag drive thru dahil gusto niyang bilhan ng pagkain ang mga tao sa bahay. Tumanggi ako nung una dahil nakakahiya naman sa kanya pero sadyang mapilit din siya kaya hiniyaan ko na lang. Pagkatapos naming mag drive thru ay dumeritso na agad kami sa bahay. Pagdating namin ay nadatnan agad namin si Gavin na, nakikipaglaro kay Dina sa loob ng bahay namin. “Mommy, Daddy!” tawag agad sa amin ni Gavin nang makita niya kami. “Slowly, Gavin,” suway ko sa kanya dahil tumatakbo ito papunta sa amin. Agad naman siyang binuhat ni Gael. “Daddy dito ka ba ulit matutulog?” nakangiting tanong agad ni Gavin kay Gael. “Gusto mo ba?” tanong naman ni Gael sa kanya. “Yes, Daddy gustong-gusto po,” masayang tugon naman ng amin. “Ayyiiehh, happy

