Alhena Bernabe Binabagtas ko ngayon ang daan papunta sa hospital, sobra akong napagod ngayong araw dahil dalawang meetings ang dinaluhan ko ngayon at marami rin akong inaprobahang mga proyekto. Ang bigat-bigat na ng mga mata ko at gustong-gusto ko ng matulog kaya medyo binibilisan ko na ngayon ang pagpapatakbo ko ng kotse upang marating ko na agad ang hospital. At makalipas lang nga ang sampung minuto ay nakarating na ako sa hospital, pinark ko lang sandali ang kotse ko at saka tuluyang pumasok sa loob ng hospital. Pahikab-hikab na ako habang tinutungo ang ICU, unti-unti na ring sumasakit ang ulo ko pati ang likod ko ay sumasakit na rin, sa totoo lang ay gustong-gusto ko ng humilata para makapagpahinga naman ako ng tama pero hindi pwede dahil mas kailangan ako ng anak ko. Ngunit ganun n

