Gael Lagdameo Isang linggo na mula no'ng nalaman ko ang tirahan ni Alhena, sa isang condominium siya nakatira. At nalaman ko ngang hindi niya totoong anak si Gavin. Hanggang doon pa lang ang nakuhang impormasyon ng PI, ko. Pero alam ko nang si Gavin ang anak ni Sammuel at handa akong bawiin siya sa Alhenang 'yon. And in order for me to take Gavin easily from her. I will make her fall inlove with me. At wala na akong sinayang pang oras. Agad kong kinausap ang may-ari ng condominium na tinitirahan ni Alhena. I offered him 80 million pesos. Kapalit no'n ay kailangan niyang paalisin ang lahat ng tao sa condominium na 'yon at ipapalabas na lamang niyang nalugi na siya. It may sound impossible but i don't care. Kailangan kong makuha ang pamangkin ko mula kay Alhena. I know i have the right to

