Gael Lagdameo
Binabagtas namin ng pinsan kong si Neri ang kompanya kung saan siya na nagtatrabaho.
"Neri, matagal mo na bang kaibigan si Alhena?" tanong ko.
Palaisipan kasi sa'kin ang babeng 'yon. Bukod sa maganda ang pagmumukha nito at hubog ng katawan ay palaisipan din sa akin ang anak nito. Kamukhang-kamukha kasi namin ng kakambal kong si Sammuel ang pagmumukha ni Gavin. Kaya siguro sobrang gaan ng pakiramdam ko sa anak ni Alhena.
"Almost, five years ko na ring kaibigan si Alhena, kuya," tugon ni Neri.
At nang ikwento na sa'kin ni Neri na hindi tunay na anak ni Alhena ang bata. Nakaramdam ako ng saya sa puso ko, It's weird. But what if Gavin is my nephew? Tumakas kasi noon ang nobya ng kakambal kong si Sammuel na si Cindy. Natakot kasi siyang kunin namin ang anak nila ni Sammuel sa kanya. Dahil gusto ng parents kong dalhin ang anak nila sa Canada. Ayaw kasi noon ng parents ko kay Cindy, dahil hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. Naawa ako noon kay Cindy, dahil 'yon lang ang naging basehan sa kanya ng parents namin. Ngunit mas nagalit ako noon kay Cindy noong tumakas siya. My twin brother Sammuel looked for her everywhere. Until Sammuel got into an accident, which leads him into death. Kaya bumalik ako rito sa Pinas para hanapin ang pamangkin ko. At kapag nahanap ko na siya, ako na mismo ang dadala sa kanya sa Canada. And I think I have a clue now. Minuto ang lumipas ay naihatid ko na si Neri sa kanilang kompanya tapos ay dumeritso na rin ako sa kompanya namin. Dahil ako ang CEO, sa kompanya namin dito sa Pinas. Nag-iisa lang ang negosyo at kompanya namin dito sa Pinas. Dahil nasa Canada talaga ang mga negosyo namin. Doon na rin kasi kami nakatira, at tanging ako na lamang ang umuuwi dito sa pinas. Pagpasok ko sa office ko ay agad kong chineck ang kompanya kung saan nagtatrabaho sina Neri at Alhena. Na banggit kasi sa'kin kanina ni Neri na officemate sila. She also mentioned Alhena's full name. I picked up my phone from my coat and I immediately dialed my PI's number.
[Hello, Thomas I want you to investigate someone who named, Alhena Bernabe]
[Copy, Sir]
[Gusto kong alamin mo, kung kaninong anak ba talaga ang anak niyang si Gavin Bernabe. Pero unahin mo munang alamin kung saan sila nakatira]
[Copy, Sir. I'll update you as soon as, malaman ko na ang address niya]
Agad ko ng tinapos ang tawag namin ng PI, ko at bumalik na ako sa pag check ang kompanyang O Corporation. Ang kompanya kung saan nagtatrabaho sina Neri at Alhena. After just a few minutes of checking O Corporation's background. Napag desisyunan kong mag invest sa kompanyang 'yon, kaya agad akong nag pa set ng appointment sa sekretarya ko with Mr O. Desperado na akong makilala si Alhena. I really need to know the truth about her and her son Gavin.
***
Alhena Bernabe
Abala ako sa kakaperma ng mga papelis ngayon sa desk ko. Maya-maya lang kasi ay may kailangan kaming e meet na new investor sa kompanya namin. Maya-maya pa ya may kumatok na sa pintuan ko.
"Pasok," sagot ko sa kumakatok. At agad namang bumukas ang pintuan ko at si Mr. O ang iniluwa rito.
"Good morning po, Mr. O," magalang kong bati. Ngunit hindi ko naman inasahan ang pagpasok ng isang pamilyar na lalaki mula sa pintuan ng opisina ko.
"Ms. Bernabe. I want you to meet our new investor, Mr. Gael Lagdameo," saad ni Mr O.
Ano? Gael Lagdameo ang pangalan ng ama ng anak ko? Nagpalit ba siya ng pangalan? O baka may kakambal ang ama ng anak ko?
"Mr. Gael Lagdameo, she's the CAO of my company," saad pa ni Mr. O, kay Mr. Lagdameo.
"Good afternoon, Ms. Bernabe," nakangiting bati niya sa'kin. Gwapo naman ng binatang 'to.
"Ms. Bernabe?" At napakurap naman ng muli akong tawagin ni Mr. Lagdameo.
"A-ah, sorry po, Sir. Nice to meet you po and welcome to O Corporation," saad ko at isang pilit na ngiti na lamang ang nagawa ko, habang nakikipag-kamayan ako kay Mr. Lagdameo
Pero naghahalo na ang kaba at takot ko ngayon, para sa'min ng anak ko. Dumating na ang araw na kinakatakutan ko.