Gael Lagdameo Labis akong nag-alala nang bigla na lang tumakbo si Alhena papuntang banyo pagkatapos naming kausapin ang coordinator sa kasal namin. Tinawag ko pa ito pero hindi na ako nito nilingon bagkus ay mas binilisan pa nito ang kanyang pagtakbo patungo sa banyo. Agad naman akong kinabahan dahil sa kinilos niya wala naman kasi itong sinabi na kahit ano. Agad ko siyang sinundan sa banyo pero sarado ito at naka lock. “Love, love,” nag-aalalang tawag ko sa kanya habang kumakatok pero hindi ito sumasagot. “Excuse me, Sir would you mind if I help?” tanong naman agad sa akin ng isang babae na halatang empleyado rito sa Resorts. “Yes please, pwede niyo bang buksan itong pintuan kailangan nasa loob po kasi ang asawa ko, and I think she’s not fine,” tarantang tugon ko sa kanya at pinag

