Alhena Bernabe “Sigurado akong matutuwa si Gavin at sina Lola ‘pag nalaman nila ito,” na e-excite kong wika sa kanya nang kumalas sa kami sa pagkakayakap. “Excited na rin akong ibalita sa kanila,” na e-excite rin niyang tugon. Ilang minuto pa kaming nanatili sa resorts dahil nag-aya pa itong mag-ikot pumayag naman ako dahil maaga pa naman at hindi pa naman nag text sa akin si Lola. Habang naglalakad kami sa dalampasigan ay napagpasyahan kong bukas na lang sabihin kina Lola ang tungkol sa pag propose niya. Gusto ko kasi kompleto kaming lahat kapag sinabi ko iyon hindi pa kasi makakauwi ngayon si Mike dahil straight ang duty nito sa hospital at bukas pa ito makakauwi sa bahay. “Walang problema, tawagan din natin mamaya si Dad para ipa alam sa kanya,” tugon naman nito sa akin pagkatapo

