Chapter 3

1004 Words
Naunang naglakad si Jerven sa kanya ni hindi siya nilingon nito. “Huy Jervey na magandang dyosa hintayin mo nga ako! ito naman Huy! anong problema mo nag-iiwan ka bigla ah.” “Hintay - hintay din pag may time ang bilis maglakad.” saad ng dalaga kahit anong paandar nya hindi talaga siya nilingon at hinintay ng lalaki. Nang malapit na sila ay sinubukang kausapin ni Jazz si Jerven ngunit hindi siya pinansin tuloy-tuloy lang ang lakad nito at padabog na sinirado ang pintuan ng condo unit niya. “Problema non?” saad ng dalaga sa sarili galit agad ano bang sinabi ko ? Dalawang lingo ang nakalipas hindi nagparamdam si Jazz kay Jerven. Kahit kapitbahay lang sila ay hindi magawang bumisita ni Jazz sa kaibigan. Naging abala siya sa pakikipag-date kay mark. Aliw na aliw ang dalaga pag kasama niya si mark kahit papaano ay nakakalimutan niya minsan ang nararamdaman niya sa kaibigan kahit na alam niya sa sarili na mahal niya na si Jerven. Sa kabilang banda nagtaka si Jerven kung bakit hindi nambulabog ang kaibigan. Noon kasi araw-araw pumupunta ang dalaga sa kanyang condo upang doon kumain ng umagahan bago siya pumunta sa Restaurant at sa boutique nito. "Nakakapanibago naman, walang jazz na nangugulo,”saad ni jerven sa sarili habang pinapaikot ang inuupoan niyang swivel chair sa kanyang opisina. Kinuha niya ang kanyang Cellphone at tiningnan kung may text galing sa kaibigan. "Ni hindi man lang nag-text ang gaga." nadidismaya niyang saad kaya minabuti niyang e-text ito. To Magandang Gaga Ghurl nasaan ka? Ilang minuto ang nakalipas walang syang taganggap na reply, kaya pinuntahan niya ito sa condo. Tok! tok! tok! Kanyang kinatok ang pintuan, hindi naman siya nabigo kasi binuksan ito ni Jazz habang may kausap sa telepono. Sininyasan siya na pumasok. "Kaya naman pala hindi nag reply may ka tawag ang gaga," mahinang bulong ni Jerven sa sarili at presenting umupo sa Sofa. "Ahmm yess! e Hung-up ko muna ha. Nako naman Mark, maghunos dili ka nga hahaha! ang manyak nito,"sabay tawa nya tsaka sinirado ang pintuan. "Oh napadalaw ka? " tanong ng dalaga saka umupo sa katapat na sofa. "Gusto ko lang, wala ka bang work ngayon?” "Wala bakit date tayo? Ayettttt,” Nakangiti na saad ni Jazz. "hindi no, Buhay ka pa pala? Ghurl naman hindi ka nagparamdam ng dalawang linggo ah anong nangyari sayo?" Ngumiti ng napakalapad si Jaz. "Pake mo ba? na miss mo ako nuhhh? HAHAHA! Umamin ka na kasi ayett nakakakilig kung ganon." Saad niya at tumawa ng malakas. “Hindi nuhhh, wow feeling ka masyado ghurl. Gumising ka nga parang natutulog ka na nman ah." saad niya na umupo sa tumabi ng kaibigan at saka yumakap dito. "Hindi pala ah, Kung makayakap ka naman para kang tuko kung makadikit sus. Ayaw pang umamin ah." Hindi siya sinagot ng kaibigan pumikit lang ito. "May sasabihin nga pala ako sis." "Hmm what?" "Kami na ni Mark," kinikilig niyang sinabi. "Ano? Sinagot mo na agad? (Bumangon) gaga ka ba ha! ilang weeks lang nanligaw yung lalaking yon sinagot mo agad? Huy gaga ka talagang babae ka! Kahit kalian talaga padalos- dalos sa desisyon.” "Ang oa mo naman. Maging masaya ka na nga kasi hindi na ako bubuntot sayo nuh, finally may boyfriend na ako ang diba saya non?" "Ako ba telege ang oa gurl? Kilalanin mo ng maigi ang lalaking iyan, sa oras na malaman kung sinasaktan ka nya gurl patay sa akin yan." "Hahaha! bumalik na ba iyang pagiging lalaki mo? Naku sayang naman may bf na ako.” (Kinurot nya sa pisngi ang kaibigan.) "Boylet laos hahaha! at SHUT UP! girla ako nuhh I'm Jerveyyyy ang pinakamagandang dyosa sa lupa” (flip ng imaginary hair) "Akala ko pa naman babalik ka na sa dati. Ano ba talaga ang nagyari ha? Simula noong naghiwalay ang mommy at daddy mo naging bakla ka na," Seryoso niyang sabi sa kaibigan. "Wag na nating pag-usapan yan, tapos na yan nakakabadtrip, babalik na ako sa opisina ko.” Nagbago si Jerven simula noong naghiwalay ang kanyang mga magulang walong Taon na ang nakalipas pero hindi niya parin nalimutan ang nagyari noong gabing nagaway ang kanyang magulang FLASHBACK "Ano ba Rey! Mahiya ka naman!” Nagising si Jerven sa ingay ng kanyang mga magulang nagsisigawan at parang may nababasag na mga gamit. "Bakit ba Nicole? Duda ka ng duda sa akin nakakasawa na kaya tinutuo ko na lng! bintang ka ng bintang na may babae ako!” "Totoo naman kasi na meron si ashey ba ha? diba siya ? siya ang babae mo ! sumagot ka!!!!!! "Oo siya nga siya lang naman ang babeng mahal ko! kung hindi ka lang nabuntis hindi kita papakasalan! Nagulat si Jerven sa narinig niya kaya umiyak siya nasa labas siya ng kwarto ng mga magulang niya "Napilitan lang naman akong pakasalan ka! Nakakasawa ka na!” saad nito at kinuha ang maleta. “Rey! Rey tika lang, Rey wag mo kaming ewan please lang mahal kita," umiiyak na saad ng ginang. Nang buksan ng daddy ni Jerven ang pintuaan nagulat siya ng makita ang anak na umiiyak. "Ga-Ganon ba dad? Kung H-Hindi dahil sa akin hindi mo Pa-papakasalan si mommy?" umiiyak niyang sabi. "Teka lang anak, Magpapaliwanag ang daddy." nataranta ang kanyang ama na pilit na hinahawakan ang kanyang kamay pero winaksi nya ito. “Para san pa dad? Na-Narinig ko ang lahat Hu-Huwag ka ng magsinungaling!” "Anak, naman pakinggan mo muna ang sasabihin ng daddy anak," nasasaktan ang ama ni Jerven dahil parang ayaw na nito sa kanya. "No need na dad, i hate you!" Umalis si Jerven at padabog na sinirado ang pintuan sa kanyang kwarto. Simula noon nagbago siya ginagawa niya ang lahat para magalit ang kanyang ama sa kanya. Ginawa niya ang lahat para masaktan ito lalo na noong nalaman nitong Bakla si Jerven. Galit na galit siya sa daddy niya. End Of The Flashback Kinabukasan maagang gumising si Jerven para magluto ng almusal, pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya para puntahan ang kaibigan. Saktong pagbukas niya ng pintuan niya ay lumabas si Jazz sa condo unit niya. “Ohh ghurl, saan ang punta mo teee? Bihis na bihis ka na ang aga-aga pa ah.” Alas Sais pa ng umaga kaya nagtataka siya Kung bakit maagang aalis ang kaibigan kadalasan kasi 8:00 am na kung aalis ang dalaga papunta sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD