Chapter 2

1057 Words
"Wag kang tumawa, Mas guma-gwapo ka sa paningin ko sge ka ikaw nalang kaya e-date ko. Huwag nalang nating siputin si Mark total hindi pa ako sigurado sa kanya. Ako nalang mahalin mo at pakasalan hahaha!" kinuha niya ang kanyang cellphone at tila nag ta-type. ‘Huy gaga ka talaga! Weg nemen genyan teee kayo nalng mag-date nuh eww ka naman. Kasal- kasal ka diyan gumising ka sa panaginip mo the masyadong malalim na tulog mo kahit gising ka haha!" Natawang sabi ni Jerven at may pa aksyon pang tila nandidiri. "sge na Jerven, tayo na lang ang mag date love mo naman ako diba? Come on mahulog ka na sa akin oh sasaluin kita. Pagbigyan mo na ako kahit ako pa manligaw sa’yo." “Jervey te, wag Jerven nakakakilabot naman at taska love? Oo naman pero bilang kaibigan nuhh feeling mo naman masyado ghurl hahaha! Okay na sa akin mahulog sa kanal te weg leng sa’yo at kahit isama mo pa ang buong mundo sa panliligaw hindi pa rin ako magkakagusto sayo." "Okay as a friend lang pala sakit sa bones nemen. Straight to the point walang preno sakit non ha," mahina nyang sabi na tila nasasaktan at nadismaya. "Ano’ng sabi mo ghurl? Ano ang binubulong mo dyan para kang bubuyog nko naman." "Huyyy jazz!” kinalabit niya ito ngunit hindi sya pinansin ni jazz nakatingin lang ang dalaga sa labas. At the mall "Daliaan mo na kasi ang bagal-bagal naman maglakad." hinila ni jazz si Jerven "Ikaw nalang kaya Te wag na akitch sumama." "Ang oa mo naman dali na kasi" Ring! RING! RING! (Mark is calling) "Ayan na, tumawag na ang bagal kasi." "Hello Mark, asan ka?" saad ni jazz sabay kurot kai jerven "Nasa second floor ikaw ba?" sagot ng nasa kabilang linya. "Nandito na sa first floor pupuntahan kita diyan. E-end call ko na to ha bye." “Ok sge bye aabangan nalng kita sa labas malapit sa elevator." Nang dahil sa kinilig si Jazz nakurot niya ulit sa tagiliran ang kaibigan "Aray ko! te kung kiligin huwag mangurot masakit kaya nuh. Tara na nga baka kagatin mo pa ako my ged alams na kita tehh." "Sorry naman, nadala lang s**t ang ganda talaga ng boses n’ya” Pumasok sila sa elevator at ng makarating sila sa second floor nakita agad ni Jazz si Mark kumaway ito sa kanya kaya kumaway rin siya. Siya si Mark Perse matipono, matangkad at higit sa lahat gwapo parang may lahing german. "Tengne ang gwapo naman talaga.” Tumitili niyang saad. "Gwapo nga, ang tanong mabait ba? Wag padala sa looks tehhh." Hindi na niya pinansin ang sinabi ni Jerven at dali-daling pinuntahan ang kinaroroonan ng lalaki habang si Jerven sinundan lang si jazz. "Aba! dedma lang hanep ah ganun na lang yun? Baliwala agad ako.” “Hey Mark!” nakangiting sabi ni Jazz. "Hi miss beautiful." akmang yayakapin niya si Jazz ng may humarang sa kanya. "Off limits dude kakikilala niyo lang yakap agad aba swerte mo ata " medyo galit ito. Nagulat naman ang lalaki ng may humarang sa kanya. Sino ba naman hindi magugulat ng may bigla nalang haharang sayo. Si jazz naman ay tila napako sa kinatayuan dahil sa hindi inaasahang ginawa ng kanyang kaibigan. Bariton ang boses ni Jerven at lalaking-lalaki ang dating kaya hindi mahahalata na binabae ito. "Haaaa! Sino ka ba ang angas mo naman pare at bakit ka ba nakiki-alam." “Jerven dude, Best friend ako ni Jazz aangal ka?" nakangisi niyang sabi sa binata. "akala ko kami lang dalawa lang?" tumingin ang lalaki kay jazz saka lang natauhan si Jazz na hindi niya kasi nasabi sa lalaki na may kasama siya. "Ah ehh, Mark sorry hindi kita na inform sinama ko lang naman siya. Wala kasing mag-drive ng kotse ko tinatamad ako tsaka expire na ang drivers licence ko." saad ng dalaga sabay tingin kay Jerven at binigyan tingin na tila sinansabing (makisabay ka kundi lagot ka sa akin.) "Yep tama siya. Gaga kasi hindi nirenew ang driver’s licence." walang ganang niyang saad. "Kung ganon, dapat pala tinawagan mo ako para sinundo nalang kita.” Tinaasan ni Jerven ng kilay si Mark at sinabi niya sa utak niya "Susunduin pala ah, chiksboy naman ang datingan baka kung saan-saan dadalhin si Jazz." "Ano ka ba Mark, okk lang mabait naman yang bestfriend ko tsaka hayaan mo susunod lang sa atin yan hindi naman yan mangugulo so tara na nga." Sa buong paglilibot nila sunod lang ng sunod si Jerven, Sa sinehan, Kahit saang store papasok ang dalawa tila para siyang body guard ng dalawa. Hanggang sa napagdesisyonan nilang kumain sa Restaurant na pagmamay-ari ni Jazz. Naiinip na siya tila para siyang hangin dahil sa hindi siya masyadong pinapansin ng kaibigan. Buong atensyon nito ay kay mark lang. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niyang parang nagseselos sya, dati kasi sa tuwing magkakasama sila nasa kanya lang ang buong atensyon ni Jazz pero iba ngayon, parang malakas ang tama ni Jazz sa lalaki. Hindi ako nagseselos saad ni jerven sa sarili at nailing na lamang napansin ng dalaga ang pag-iling ng kaibigan kaya tinanong niya ito. "Are you okay Jerv?" tanong ng dalaga sa kanya "No, I'm not masakit ang ulo ko." pagdadahilan niya sa dalaga. "Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi? uuwi na tayo?" nag-aalalang tanong ni Jazz. Napailing nalang si Jerven at sinabing. "Wag muna, mukhang nag-e-enjoy ka pa." "Ito naman ang oa talaga, uuwi na tayo. Mark una na kami ha" “ah gagun ba ok sge Jazz chat mo ako ha, Kung nakarating na kayo ha see you next time take care." medyo dismaya ang lalaki dahil gusto niya pa na makasama si Jazz "Yep, bye see you next time.” Nagpaalam si Mark kay Jerven ngunit hindi sya pinansin nito dahil na bad trip siya. Pagkarating nila sa building ng condo unit nila. Oo tama kayo ng nabasa sa Condo unit nila pero hindi sila nagsasama sa iisang bubong, magkapitbahay lang po sila. Napansin ng dalaga ang pagiging matamlay ng binata ibig niya sana itong kausapin ngunit humarap ang binata at sinabihan siyang."Pinasama mo talaga ako nuhh. Eh, para lang akong body guard sunod ng sunod sa inyo. Aba! Madalang mo lang akong pansinin kanina." "eh sorry naman sis nakakatuwa naman kasing kasama si Mark eh. Nakita at na feel mo naman seguro na may sence of humor ang gentlemen pa goshhh. ” Natatawa at tila kinikilig niyang sinabi "Nakakatuwa nga kaya nakalimutan mong kasama ako diba? Hahaha! (sarcastic niyang tawa ) bahala ka sa buhay mo teee. Ayaw ko sa kanya At hindi ako vote don sa lalaking iyon kaya ekis sya sa akin! ”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD