Nasa entrada sila ng kagubatan at doon sila tinagpo ni Pawi, ang espiritung tagabantay ng gubat na iyon. Sa magkabilang gilid niya ay may malaking asong gubat na tila naging maamo ng humarap sa mga panginoon. Sabay-sabay silang lumuhod bilang pagbibigay galang sa mga Diyos ng kalawakan.
“Magandang umaga mga Panginoon. Ako po si Pawi, ang itinalaga ng Bathala upang bantayan ang kagubatang ito. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?”
“Nais kong dalhin mo ako sa kaharian ng mga Tikbalang.” Utos ni Luan.
Nagulat si Pawi ngunit nanatili itong nakayuko. Alam niya na noon pa man ay gawain na ng mga tikbalang ang kumuha ng mga babaeng napupusuan nila, ngunit tuluyan lang nila itong madadala sa kanilang kaharian kung may basbas ito ng kanilang hari. Hindi din lingid sa kaalaman ni Pawi na hindi dapat manghimasok ang mga Diyos sa kung ano man ang ginagawa ng bawat tao o elemento dito sa mundo kaya laking pagtataka niya na utos ni Panginoong Luan sa kanya.
“May tatlong kaharian po ng mga tikbalang sa loob ng kagubatan. Sila po ang tribo ng mga puti, kayumanggi at itim na tikbalang ngunit isa lang po ang kinikilala nilang Hari. Maaari ko po bang malaman kung kaninong kaharian ang nais ninyong puntahan?”
Hindi agad nakasagot si Luan. Tumingin ito sa mga kasama.
“Dalhin mo kami sa kanilang Hari.” ani Sol.
“Masusunod po. Nais ko lang po na ipaalala sa inyo na labis na mapanlinlang ang mga Tikbalang. May mga bantay sila hindi kalayuan dito at sa kaharian ng mga kayumangging tribo, sila ang mapaglarong lahi ng mga tikbalang at sila rin ang salarin sa mga taong naliligaw sa loob ng kagubatan.”
“So baka sila ang kumuha kay Janella?” Sabat ni Santelmo.
“Ano po ang ibig ninyong sabihin, Panginoong Santelmo?”
“Nawawala kasi ang babae ni Luan.” natigilan ito at impit na tumawa, “Ang ibig kong sabihin ay may kasama kaming tao na umakyat dito sa bundok at ngayon ay nawawala sya. Ang sabi ng mga babaylan ay kinuha siya ng tikbalang kagabi at kailangan namin siyang mahanap sa lalong madaling panahon dahil minarkahan siya ni Luan, mabango siya sa lahat ng mga elemento.”
Nagulat si Pawi at tumunghay ngunit yumuko din agad ng makita ang galit na mukha ni Luan.
“Maaalarma po ang buong kagubatan kung malalaman nilang nandito ang mga panginoon. Mahihirapan din po tayong makapasok sa lagusan ng kaharian nila kapag nangyari iyon.” paalala ni Pawi.
“Okay. So we need to calm the f*ck down and hide our powers?” ani Sol
“Madali lang naman yon. Ewan ko lang dito kay Luan.” Ani naman ni Bituin.
“I will cooperate.” tipid niang tugon.
“That’s so nice of you.” pang aasar ni Aine. “But wait! We need to get a bait. Hindi tayo pwedeng maglakad sa kagubatan kahit itago natin ang kapangyarihan natin because they can still smell us miles away.” suhestyon na dagdag nito.
Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Aine. Bumalik sila sa mga tribo ng Agta at nakipag-usap sa kanilang pinuno. Kailangan nila ng magandang dalaga na gagawing bitag at iyon ay ang nag-iisang anak na babae ng pinunong katutubo.
“Pumapayag po ako Ama, alam ko po na hindi ako pababayaan ng mga Diyos. Nais ko din pong matulungan ang mga naging bihag nila lalo na po ang mga nabihag nilang katribo natin.” Ani Mayumi saka niya hinubat ang lahat ng kanyang proteksyon na suot upang madali siyang lapitan ng mga elemento sa kagubatan.
Hating-gabi na nang sila ay bumalik sa kagubatan. Nagsimulang maglakad si Mayumi na para bang naliligaw habang ang mga Diyos at si Pawi ay nagtatago sa mga kakahuyan at lihim na sumusunod sa kanya. Nakabantay naman sa kadiliman ang mga asong gubat ni Pawi kung sakaling may mga mababangis na hayop na sumalakay sa dalaga.
Habang papalapit sila sa kaharian ng mga kayumangging tribo ng mga tikbalang ay nararamdaman na nila ang presensya ng mga ito na papalapit sa dalaga kaya naman naging alerto na sila.
May lumabas na lalaking nakaputi mula sa kung saan. Nag-anyong tao ito ngunit kita ng mga Diyos ang tunay nitong wangis dahil sa mga tao lang naman tumatalab ang kanilang kapangyarihan.
“He looks like Troy.” natatawang bulong ni Aine kay Santelmo. Tukoy nito sa kanyang ka loveteam noon sa isang pelikula.
Pinanood nila ito kung paano ihipnotismo ang dalaga. Mula sa takot na mukha ni Mayumi ay naging tulala ito at sumasang-ayon na lamang bigla sa sabihin ng tikbalang. Lihim nila itong sinundan at ng bumukas ang lagusan ay sabay pang sumugod si Luan at Sol, hawak ang leeg ng kabayong tao.
Hinila naman ni Aine ang dalaga at inalis ang hipnotismo dito. Takot na takot ang dalaga ng bumalik ang kanyang ulirat. Kung hindi pa siya yakapin ni Aine ay baka mahimatay na ito sa takot.
“Bitawan mo ako! Ang lakas ng loob mong sumugod dito.” Angal ng taong kabayo.
“Dalhin mo kami sa Hari nyo.” Utos ni Luan.
Tumawa ang tikbalang ngunit napawi din ito ng higpitan ni Luan ang kapit sa leeg nito.
“Bitawan mo ako! Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin dahil sisiguraduhin ko na pag dudusaan ito ng lahi mo hanggang sampong henerasyon!” Banta nito ngunit hindi man lang natinag si Sol at Luan.
“Eh kung ang lahi mo ang ubusin ko?” gigil na sabi ni Luan. “Inuulit ko, dalhin mo ako sa Hari nyo!”
“Ayoko! At bakit naman ako susunod sa nilalang na kagaya nyo? Hindi pa ako nahihibang!”
“OMG! Just bring us to your king, Horsy!” iritang sabat ni Aine.
“Ayoko!” pagmamatigas nito.
“Ayaw mo?” bulong ni Sol saka umilaw ang mga mata niya ng kulay pula at naglabas ng apoy sa kanyang kabilang kamay.
Nakaramdam ng takot ang tikbalang at ng tumingin siya kay Luan ay nagiba din ang kulay ng mga mata nito. Kasing liwanag na ito ngayon ng buwan. Lumabas mula sa dilim sina Bituin at Santelmo kasunod si Pawi at ang kanyang mga asong gubat. Their eyes are shining and burning.
“S-Sino kayo?” kabadong tanong ng tikbalang.
“Sila ang mga Diyos ng kalawakan.” ani Pawi.
Sa sobrang takot ng tikbalang ay nagpumiglas ito at dagling lumuhod sa harap nina Luan at Sol. Halos humalik ito sa lupa upang humingi ng tawad.
“Paumanhin po sa aking inasal. Hindi ko po kayo nakilala. Patawad po mga panginoon. Pakiusap, huwag nyo po akong paslangin. Huwag nyo pong ubusin ang aking lahi. Hindi ko po sinasadya ang mga binitawan kong salita kanina.” Pagmamakaawa nito.
“May kinuha ba kayong babae kagabi mula sa tribo ng mga Agta?” tanong ni Sol.
“Wala po kaming bihag kagabi. Madalang na pong magkaroon ng dayo sa gubat na ito.”
“Siguraduhin mo na nagsasabi ka ng totoo dahil hindi ako magdadalawang isip na paslangin ka.” pagbabanta naman ni Luan.
“Nagsasabi po ako ng totoo. Wala pong bihag ang aming kaharian at kung magkaroon man po ay inaalay po namin ito sa aming Hari pagkatapos po namin silang paglaruan. Ang balita ko po ay ikakasal ngayon ang aming Hari sa isang mortal nilang bihag.” Kwento nito na tila ba nadulas lang sa sinabi dahil agad napatakip sa bibig.
Binatukan siya ni Sol sa inis.
“Dalhin mo na kami ngayon sa Hari mo bago mo pa maubos ang pasensya namin.” Utos ni Sol.
Dinala niya ang mga ito sa kung nasaan ang kaharian ng hari nila. Nasa harap sila ng malaking puno ng mangga at sa gilid noon ay may napakalaking bato kung saan nakayakap na ang mga ugat ng puno doon. Dahil pinuno ng kayumangging tikbalang ang kasama nila ay madaling nakapasok ang mga ito sa lagusan. Ang sinabi lang niya ay mga alay niya ang kasama niya sa hari bilang regalo sa kanyang kasal.
Nagkagulo ang ibang mga tikbalang ng makita ang mga bihag na alay nito sa kanilang hari, napakagandang nilalang daw ng mga ito at tila namimili pa ang iba kung kanino mapupunta ang mga babaeng bihag. Nakayukong nalakad papasok ang mga Diyos sa loob ng lagusan kasama si Mayumi at Pawi na ngayon ay nag anyong tao habang ang dalawa niyang asong gubat ay nagbabantay sa labas ng lagusan.
Nang tuluyan silang makapasok sa loob ng lagusan ay isa-isang sinalakay ang mga ito hawak ang mga leeg nila bago pa man mahawakan ang mga balat ng mga Diyos.
“Mga lapastangan!” Sigaw ng isa sa tagabantay ng kaharian.
May sumipa ng malakas kay Sol, hindi man siya tinablan ng sipang iyon ay inis na inis niyang nilingon ang tikbalang na sumipa sa kanya. Ayaw na ayaw ni Sol na may taong nananakit sa kanya sa isang malalim na dahilan kaya walang alinlangan na pinaslang niya iyon gamit ang kanyang kapangyarihan.
“Sol!” Sigaw ni Aine sa kanya pero huli na dahil naging pulbos na ang tikbalang na iyon.
Doon lang napagtanto ng mga nandoon na hindi sila tao. Tumigil sila sa pagpalag ng makita ang nag-aapoy na mata ni Sol maging ang buhok niya, hudyat na labis ang galit niya sa nangyari.
“Dalhin nyo kami sa iyong Hari ngayon din!” sigaw ni Sol.
Nagsisikan ang mga taong kabayo sa isang sulok at takot na takot, ni walang naglakas loob na sumunod.
“Ipagpaumanhin po ninyo ngunit kasalukuyan pong ikinakasal ang aming Hari sa kanyang bagong Reyna. Kung mamarapatin nyo ay pagkatapos nalang ng kanilang pag-iisang dibdib.” lakas loob na tugon ng pinunong tagabantay ng kaharian.
“What did you just said?” Iritang tanong ni Luan dahil may hinala siyang si Janella ang bagong Reyna na tinutukoy nito. Ramdam din niya ang kapangyarihan ng kanyang ina sa lugar na iyon.
“Mahigpit po kasing bilin ng aming Hari na huwag gambalain ang kanilang pag-iisang dibdib-”
“Say it one more time. Hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ang kahariang ito kasama kayong lahat!” Sigaw ni Luan saka nagliyab ng kulay asul ang kanyang dalawang palad. “Now, bring me to your King.” Gigil nyang sabi.
Sa takot ay humakbang pauna ang pinunong tikbalang at yumuko sa harap nila.
“Dadalhin ko po kayo sa aming Hari ngunit may isa lamang po akong kahilingan na marapatin ninyong pagbigyan dahil kapalit ng aming gagawin ay ang aming buhay.” Imporma niya.
“Ano iyon?”
“Huwag nyo po kaming ituro sa aming Hari kung sakaling itanong niya kung sino ang nagpapasok sa inyo. Iyon lamang po.”
Pumayag sila at pinagbigyan ang kahilingang ito. Dinala sila ng palihim sa bulwagan kung saan ginaganap ang kasal ng kanilang Hari. Bisita sa kasal ang ibat-ibang uri ng mga elemento sa kagubatan. Nagbibigay ningning sa lugar ang mga diwata na bisita din sa kasal na iyon.
Malayo man sila sa trono ng Hari ay tanaw ni Luan si Janella na nakasuot ng mahabang puting damit at may hawak na duyong mga dahon sa kamay. Ang korona naman nito ay ugat ng puno at tila ba wala sa kanyang sarili si Janella. Nakatulala lang ito sa harap ng Haring Tikbalang.
Nagdilim ang mga mata ni Luan ng makitang akmang hahalikan na ng hari si Janella. Naglaho na parang bula si Luan at ngayon ay hawak na niya ang leeg ng hari at iniangat sa ere habang lumilipad sila sa loob ng malawak na yungib. Naalarma ang lahat ng mga bisitang elemento sa nangyari.
“Lapastangan! Ang lakas ng loob mong kalabanin ako! Sino ka?! Sino ang nagpapasok sa nilalang na ito?!” Galit na sigaw ng hari.
“Let her go!” Utos ni Luan.
Malakas na tumawa ang Hari habang pilit na nagpupumiglas.
“Bakit ko pakakawalan ang aking Reyna? Ang akin ay akin.” Maangas nitong sagot kay Luan. Kahit galit ay nginisihan lang siya ng Diyos ng mga buwan.
“Gusto ko ang huli mong sinabi. Ang akin ay akin. Tama ka… What’s mine is mine, so let her go before it’s too late.”
“Huwag mo akong utusan. Sino ang nagpapasok sayo sa aking kaharian?”
“Pinapasok ko ang aking sarili sa napakabaho at napaka pangit mong kaharian. Nababagay ka nga dito dahil napakasangsang ng amoy mo!” pang uuyam sa kanya ni Luan.
“Lapastangan! Hulihin nyo ang nilalang na ito!” utos niya sa mga kawal niya ngunit ni isa ay walang sumunod nang dahil sa takot. Hirap na din sa pagpiglas ang Hari.
“Bitawan mo ako! Duwag lang ang hindi lumalaban ng patas!”
“Ano ang alam mo sa paglaban ng patas?” lalo itong ikinainis ni Luan.
Habang nagpapalitan ng matatalim na salita si Luan at ang Hari ng mga tikbalang ay pinaikutan naman si Janella ng ibang mga bisita ng Hari. Nagliyab si Sol na parang apoy habang papalapit sa nakakumpol kay Janella. Nanlaki ang mga mata ng mga kawal at bahagyang napaatras.
“Pupulbusin ko ang maglalakas loob na harangan ako.” banta niya
Naglakas loob lumapit ang higante at mabalahibong elemento na may nakakasulasok na amoy. Dagdagan pa ng sigarilyo niyang ikinasusuka ni Aine. Masuka suka silang lahat ng bumuga ito ng usok.
“Hindi ka ba marunong maligo? Yuck! Your nails? Ewww!” maarteng reklamo ni Aine.
Tumawa ng malakas si Garaga. Ang pinunong kapre sa kagubatan.
“Gusto kita, maging ang dalawa mo pang babaeng kasama.” Tukoy nito Kay Bituin at Mayumi.
“No way!” nasusukang reaksyon ni Bituin.
Nagalit ang elementong ito at binugahan pa sila ng usok mula sa tabako. Lumapit kay Garanga ang isa pa niyang kauri na si Adus.
“Ako na ang bahala sa mga pulang nilalang na ito na may matatas na dila.” Tukoy niya kay Sol.
“Eh kung yang dila mo ang tinatabas ko?” asik ni Sol.
Pinagtawanan sila ng dalawa kapre. Natigilan naman ang lahat ng ihagis ni Luan ang Hari ng mga tikbalang at tumalsik ito sa maputik na pader ng yungib. Nagulat ang lahat ng mag ibang anyo si Luan. Normal sa kanila ang makakita ng nag aanyong apoy dahil ganoon minsan ang anyo ng mga diwata ngunit kakaiba ang kay Luan. Maging ang mga Kapre ay hindi makapaniwala sa nakita at mas lalo silang humanga ng nangningning ang mga mata ni Bituin.
“Mga diyos?” Usal ni Adus.
“Ang akala ko ay mga babaylan lamang na malakas ang loob na sumalakay dito.” Sambit naman ni Garaga.
“Umalis na tayo bago pa tayo madamay. Paumanhin mga panginoon.” Ani Adus saka sila tumabi at tuluyang naglaho.
Natakot silang lahat at umatras. Yung ibang elemento na handa na sanang sumugod para tulungan ang kaibigang hari ay sumibat na din para hindi madamay.
“Parang awa nyo na. Tumigil na kayo sa pang gugulo sa aking kaharian. Ano ba ang kailangan nyo?” pag-mamakaawa nitong tanong.
“Let her go.” ulit ni Luan.
“Hingin mo na ang kahit ano, huwag lang ang aking reyna. Kahit ang gintong buhok ko ay ibibigay ko pa sa inyo huwag lang ang aking reyna.”
“I want you to let her go!” gigil na gigil na ulit ni Luan.
“Hindi maaari. Naisalin ko na ang iba kong kapangyarihan sa kanya pagkatapos ng aming pag-iisang dibdib kanina.”
Hindi siya pinakinggan ni Luan. Inapakan niya ang leeg nito at binantaan na uubusin ang salinlahi nkapag hindi pinakawalan si Janella. Hindi niya kaya iyon dahil magiging kahihiyaan niya iyon sa buong nasasakupan niya maging sa mga ibang elemento. Tiyak na pagtatawanan siya ng lahat kaya naman nagmatigas pa din ito kay Luan na hindi niya iyon magagawa.
“Kung ganoon ay mamili ka na kung sino ang bagong papalit sa iyong trono.” Banta ni Luan at nagkaroon ng apoy sa kamay niya na kulay asul.
Muling nagmakaawa ang mga alipin nitong kabayo na huwag paslangin ang kanilang hari. Nakiusap din ang mga ito na isuko na ang kanilang reyna dahil pwede pa silang humanap ng iba.
“What?! So balak ninyong kumuha pa ng iba kapalit ni Janella? Subukan nyo lang dahil ako na mismo ang makakalaban nyo!” Sabat ni Aine. Sa takot nila ay tumango ito kay Aine.
“Marunong sana kayong sumunod sa kasunduan dahil iba siya magalit. Ako na ang nagsasabi.” Ani Santelmo at ngumisi.
Tumango ang lahat habang nanatiling mga nakaluhod sa lupa.
“Maaalis ko lang ang kapangyarihan ko sa aking reyna sa pamamagitan ng aking unang halik sa kanya.” sabi ng kanilang Hari.
Uminit pa lalo ang ulo ni Luan ng marinig niya ito. Isa pa ay hindi siya naniniwala dahil kitang kita niya kanina na akma na sana nitong hahalikan si Janella. Tuso nga talaga ang kanilang lahi.
“No way! Alam kong may iba pang paraan.” asik ni Sol.
“Oo nga. Ano pa ang ibang paraan maliban sa kamanyakan mo?” sabat ni Santelmo?
“Maaalis lang ang gintong singsing niya kung hahalikan ko siya. Wala ng ibang paraan.” giit ng Hari. Ipinakita pa ng Hari ang kaparehong gintong singsing na suot niya.
Nawalan ng pasensya si Luan at walang imik niyang pinutol ang palasinsingan ng Hari. Umalingawngaw ang hiyaw ng haring tikbalang dahil sa matinding sakit.
Pagkatapos noon ay nawalan ng malay si Janella at parang alikabok na naglaho ang gintong singsing ni Janella sa daliri. Maagap naman na sinalo siya ni Sol at binuhat.
“Nasaan pa iba ninyong bihag?” tanong niya. Naiiyak na lumuhod ang kanang kamay ng Hari upang damayan ang Hari sa sakit na nadarama saka niya itinuro kay Luan ang bilangguan ng iba pang bihag.
Nagtungo sila sa kulungan ng mga tao kasama ang ibang kawal. Umiiyak ang mga ito at humihingi ng tulong nang makita sila. Binatukan naman agad ni Santy ang pinunong kawal sa sobrang inis.
“Kukunin nyo tapos ikukulong nyo lang din naman. Anong kabobohan yan?!”
“Paumanhin. Ginagawa namin silang libangan sa tuwing mababagot kami.” paliwanag nito. Mas lalong napikon ang mga ito at binantaan na susunugin ang buong kaharian nila kapag inulit ito.
Pinakawalan nila ang mga bihag saka bumalik si Luan sa hari nila na hanggang ngayon ay umiiyak sa putol niyang daliri. Takot na takot siya ng lapitan ito ni Luan, akala niya ay sasaktan na naman siya. Kumuha ito ng ilang pirasong gintong buhok ng hari saka ngumisi at umalis.
Tutal ay nasa pusod na din naman sila ng kagubatan ay tinungo na din nila ang yungib kung nasaan nakatago ang mga sinaunang instrumento na kailangan nila. Marami silang nakasalubong na ibat ibang elemento at agad na silang nakilala dahil mabilis kumalat ang balita. Ang iba ay natakot ngunit ang iba naman ay masaya lalo na ang mga mabubuting diwata.
Madilim sa yungib kaya naman lumikha ng liwanag sina Santelmo at Sol, nagbigay galang din sila sa altar ng mga Agta na pinangunahan ni Mayumi at ng mga bihag na kasama nila.
“Maraming maraming salamat po Diyos Bathala sa pagkakataon na pinagkaloob ninyo sa aming tribo na makasama at makisalamuha ang inyong mga anak na Diyos. Maraming salamat din po dahil nakalaya na ang mga bihag na matagal ng nawawala.” Panimulang dasal ni Mayumi. Nag iyakan ang mga bihag at paulit ulit na nagpasalamat.
Lumabas sila sa Yungib bitbit ang mga sinaunang instrumento. Paglabas nila ay may ilan pang bihag ang isinuko ng mga elementong nakatira sa gubat. Ang iba doon ay kaluluwa na kaya naman binigayan sila ng basbas ng mga Diyos at malayang nakatawid sa kabilang buhay. Pinangakuan sila ng mga Diyos ng maganda at saganang buhay sa kanilang susunod na magiging buhay.
Bumalik sila sa tribo, laking pasasalamat ng lahat ng makabalik ang mga nawawalang nilang anak. Ang ibang turista naman ay inalisan nila ng memorya at pinabalik sa syudad sa tulong ni Santy na nag teleport.
Nagkaroon ng pagdiriwang ang tribo bilang pasasalamat, gamit nila ang sinaunang instrumento at tinugtog ang kaninag katutubong tugtugin at awitin. Nirecord naman ito ni Janella sa kanyang cellphone dahil natuwa siya kakaibang experience na nasaksihan.
“Maraming maraming salamat sa inyong lahat dahil hindi ninyo ako pinabayaan. Salamat dahil iniligtas nyo ako. Muntik na akong maging reyna ng hindi ko namamalayan.” basag ni Janella sa katahimikan.
Ngumiti sila at tumingin kay Luan.
“Anything for you, Janella.” Sabi ni Sol.
Tumikhim naman si Santelmo at lihim na tumingin kay Luan dahil tahimik lang itong nakatingin sa mga babaylan na tumutogtog ng sinaunang instrumento.
“Luto na daw yung kakanin. Let’s go Santy.” Excited na sabi ni Aine dahil kanina pa itong nag aabang sa minatamis na kakanin.
“I want it too. Sama ako.” ani Bituin saka niya hinila si Sol.
“Wait. Ayoko ng matamis.” angal ni Sol pero wala na syang nagawa at sumama na kay Bituin.
Tumayo si Janella at lumipat ng upuan sa tabi ni Luan.
"Luan," bulong niya, ang kanyang tinig ay may halo ng pagsamba at pagiging tapat, "Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan… Pero Salamat." nahihiya nitong sabi habang nanatili ang mga mata sa mga tribong nagsasayawan. Ganoon din naman si Luan.
“Salamat dahil iniligtas mo kami. Alam ko na labag sa banal na utos ang ginawa mong pagpapakawala sa mga bihag ng mga tikbalang pero nagpapasalamat ako dahil mas pinili mo ang makatarungan at alam mong tama. Nilagay mo sa panganib ang lahat para sa mga taong hindi mo pa lubos na kilala, at kaya naman sobrang thank you.” patuloy ni Janella.
Tumingin sa kanya si Luan habang patuloy na nanonood si Janella sa mga babaylan. Pinagmasdan lang niya ang maganda at maamong mukha ng dalaga saka tipid na ngumiti at muling pinanood ang nagsasayaw na mga babaylan.
Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay isang sigaw ang nagpatahimik sa kanila. Isang sigaw ng naghihingalong lalaki.
“Tulong.” Hirap niyang sigaw.
Punong puno ng sugat ang kanyang katawan na para bang naagnas na siya at ganoon din ang kanyang amoy. Malapit na siya sa umpukan ng madapa ito kaya agad siyang nilapitan ni Mayumi.
“Ama, kailangan po niya ng agarang tulong. Mahina na po ang kanyang pulso.” sigaw nito.
Kinilabutan si Janella ng titigan niya ang naghihingalong matanda. Pakiramdam niya ay nababalot it ng itim at malakas na enerhiya.
“Ano ang nangyari sa kanya?” tanong ni Janella kay Mayumi.
“Kung hindi ako nagkakamali ay nagmula siya sa Bayan ng Santa Barbara na matatagpuan sa kabilang ibayo ng bundok na ito. Kamakailan lang ay napuno ng kamalasan ang lugar na iyon. Sunod sunod na nagkasakit ang mga residente doon at ang ilan ay tumakas para lang makawala sa sumpa. Ang sabi-sabi ay isang malakas na mambabarang ang namumuno na ngayon sa lugar na iyon.” Kwento ni Mayumi.
“I can feel the black magic within him.” Ani Aine.
Nilapitan siya ng pinunong babaylan dala ang mga kagamitan pang tawas. Nakumpirma nila na ito ay nabarang nga. Malakas ang mahika na nasa kanya kaya naman hindi ito kayang kalabanin ng pinuno nila.
“Ngunit ama, anumang oras ay babawian na siya ng buhay. Subukan nyo po ulit.” Pakiusap ni Mayumi.
Muli sana itong oorasyunan ng Ama ni Mayumi ng nagliwanag ang paligid. Nagliwanag si Bituin, tila isang bituin na kumikislap sa kanilang harapan.
“Ako na ang bahala sa kanya.” aniya saka nagliwanag ang mga kamay nito.
“Ngunit labag sa batas ang iyong gagawin, Panginoong Bituin.” pigil ng pinunong babaylan.
“Marami na kaming batas na nilabag at alam namin na hindi pa ito ang huli.” aniya saka itinapat ang mga kamay sa noo nito.
Unti-unting nagliwanag ang katawan ng matandang lalaki at naglaho ang mga sugat nito. Bumalik ang kanyang kulay na kanina ay tila isa nang bangkay. Ang paghingal niya ay napaltan ng luha ng pasasalamat dahil sa pagdugtong ni Bituin sa kanyang buhay.
Nagmanik-luhod ang matanda sa mga Diyos upang magpasalamat. Nakiusap din siya na tulungan ang pamilya niya dahil nasa ilalim din ito ng kapangyarihan ng mambabarang na si Bagani Sumpaon.
Hindi siya pinansin ng mga Diyos dahil kung pagbibigyan nila ito ay maaaring kumalat ang balita at marami na ang humingi ng tulong sa kanila at labis itong ikakagalit ng Amang Bathala dahil kabilin bilinan sa kanila na huwag na huwag makialam sa mga tao.
“Susubukan kong pakiusapan sila na tulungan ang lugar nyo.” Bulong ni Janella bago ito sumunod sa papalayong mga Diyos.
“Marunong lumaban si Lola sa mga kulam at barang. Kapag ba nagpaturo ako sa kanya ay-”
“Hindi ganoon kalakas ang lola mo para labanan si Bagani kaya tigilan mo na ang naiisip mong iyan.” Putol sa kanya ni Luan.
“Kilala nyo sya?” usisa nito.
“Hindi.” Tipid nitong sagot.
“Pero hindi kaya ng puso ko ang walang gawin.”
“Kayanin mo. Hindi lahat ay kaya mong tulungan, Janella.” Inis na sabi ni Luan.
“Chill.” Awat naman ni Sol saka tinapik ang balikat ng dalaga, “Tama si Luan, Janella. Hindi mo kakayanin na lumaban kay Bagani. Ramdam namin ang lakas ng itim niyang mahika. Maaari mong ikapahamak kung ipipilit mo ang iyong hangarin.”
“Paumanhin kung ako ay sasali sa inyo ngunit Sa tingin ko ay may kinalaman ang itim na kapangyarihan ni Bagani Sumapaon sa Bakunawa.” Singit ng pinuno ng mga babaylan.
Kumunot ang noo ng lahat at mataman na tumitig sa babaylan.