CHAPTER 9 -Where is Janella?

2164 Words
Isang maleta ang bitbit ko nang lumabas ako sa aking apartment. Natatawa naman akong pinagmasdan ni Santelmo saka umiling. “Hop in.” aniya. “Bakit kailangan pa natin mag van? Mag teleport nalang ulit kayo para hindi nakakapagod ang byahe. Ang layo kaya ng pupuntahan natin.” maktol ko ng mailagay ko ang aking maleta sa likod ng van. Ako lang yata ang may dalang gamit sa amin. Pumasok ako ng Van at naupo sa bakanteng upuan na katabi ni Luan. Nagsimula ng umandar ang sasakyan kaya mabilis akong tumingin kung sino ang nagmamaneho pero laking gulat ko ng walang nakaupo sa unahan ng van. Lumingon ako kay Luan na tulog, ganun din si Sol at Aine na pinag tig-isahan ang earphone habang mahimbing na natutulog. Ngumisi naman sa akin si Santelmo ng siya na ang tignan ko. “Huwag mo kaming tingnan na parang ngayon ka lang nakasaksi ng ganitong hiwaga.” ani Bituin saka pumikit crossing her arms. Naupo na ako ng maayos sa aking upuan at bumuga ng malalim na hininga. May point naman kasi si Bituin. Biglang dumilim ang paligid dahil dumaan kami sa isang tunnel at paglabas namin sa tunnel ay nasa bundok na kami kaya mas lalong nanlaki ang mata ko sa pagkamangha, binawi ko din naman dahil hindi naman ito ang unang beses na nag teleport ako kasama ang mga Diyos na ito. Isa pa, napakaganda ng paligid. Dito ay matatagpuan ang dakilang Bundok ng Hiyawan. Ang kanyang mataas na mga tuktok ay balot ng hiwaga, at ang kanyang mga lambak ay umaawit ng misteryong lihim. Noong unang yapak namin sa tribo ng mga agta ay hindi maganda ang kanilang pagtanggap sa amin. Pinaikutan kami ng mga kalalakihang may pana at sibat, nakahanda na silang sumalakay oras na kumilos kami ng hindi maganda. Habang ako ay naiihi na sa takot, relax na relax naman ang mga kasama ko. "Kayanu la? Antyu kabiasan mu ya iyan?" Tanong ng pinunong mangangaso. “Sino kayo?” sabi ng lalaking nasa kanan na may nakakatawang gupit ng buhok. Walang sumagot sa lima. Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin at mukhang nakikipag matigasan sila sa mga ito. “Bakit ayaw nyong magpakilala? Baka tuhugin tayo ng mga yan.” pabulong kong tanong habang nakasiksik ako kay Sol. Inirapan lang ako ni Bituin habang tinawanan naman ako ni Santelmo. “Sila ay mga Diyos at Diyosa.” sagot ko. Mas lalong nagalit ang pinuno nila dahil akala ng mga ito ay nagbibiro ako. “Kapag hindi pa lumabas si Pawi, sisilaban ko ang gubat na ito.” ani Luan. “Sinong Pawi?” lito kong tanong. "Hulihin ya iyan!" Sigaw ng pinunong mangangaso, bagamat hindi ko ito naintindihan ay mas kumabog pa lalo ang puso ko lalo na ng nagbadya silang umatake. Halos isiksik ko ang sarili ko kay Sol. Naramdaman ko ang yakap ni Sol sa akin pero agad din akong hinila ni Luan para itabi sa kanya. Hindi na ako umangal kahit masakit ang pagkakahatak niya dahil isang sibat ang tatama na sa amin. Sumubsob ako sa braso niya sa takot. Naramdaman ko ang malakas na enerhiya na nanggaling kay Luan, nang imulat ko ang aking mga mata ay nagliliwanag siya habang nakataas ang kamay upang harangan kami sa mga lumilipad na pana at sibat. Tumingala ako upang tingnan siya, ang mala buwan niyang mata ay napakaganda pagmasdan. Ngayon ko lang nakita ito ng mas malapitan, naaakit ako sa ganda ng mga mata niya at may kung anong kakaibang pakiramdam akong nararamdaman sa aking kalooban. Hindi ko maipaliwanag pero parang gusto kong kainin ang mga mata niya sa sobrang liwanag at ganda. “Garing, Sampuyan ya! Ibagyu danggang respetu ka kanyamu.” Sabi ng isang matanda na sumulpot sa kung saan, siya din ang nagpakalma sa mga nagwawalang kalalakihan. “Ipagpatawad nyo ang ginawang kapangasan ng mga bantay ng aming tribo. Hindi lamang nila kayo nakilala kaya ganito ang kanilang inasal. Paumanhin po.” paumanhin ng matandan lalaking may mahabang tungkod. Lumuhod pa ito kasama ng mga bantay ng tribo. Maya-maya pa ay may bigla nalang sumulpot na lalaking may matikas na pangangatawan, nakabahag lamang siya at maitim ang kanyang balat gaya ng mga tribong agta. Yumuko siya at lumuhod. “Paumanhin mga panginoon kung ako ay nahuli sa aking pagdating.” “Nasaan si Kedes?” tanong ni Sol. “Nasa kagubatan, nais niyang magbigay ng alay sa inyong pagdating.” Nagtungo kami sa bahayan ng mga katutubong sinaunang agta. Mainit ang kanilang pag bati sa amin, may sumasayaw habang kumakanta. Ang mga bata naman ay binigyan kami ng mga bulaklak na ginawang kwintas at bracelet. Nang sumapit ang dilim ay madaming baboy ang kinatay nila upang ipaghanda ang buong tribo dahil iyon daw ang unang beses na dinalaw sila ng mga Diyos at Diyosa. Ang pinunong mangangaso na si Garing ang abala sa pagkakatay habang si Inang Mayapit naman ang abala sa pagluluto kasama ng ibang kababaihan. Si Amang Balantac ang pinuno ng buong tribo, siya ang kausap nina Luan kanina pa. Ang sabi niya ay nasa yungib daw ang kanilang mga sinaunang instrumento kung saan sila nagdarasal tuwing kabilugan ng buwan. Malayo ito sa kanilang lugar dahil ito ay nasa pusod pa ng kagubatan. Kasama sa pagpupulong sina Pawi ang tagabantay ng kagubatan at si Kedes ang dakilang diyos ng mga mangangaso. Nabangit ng mga ito na napakaraming elemento raw ang naninirahan sa kagubatan at lubhang mapaglaro raw sila lalo na sa mga baguhan sa lugar na iyon, ngunit sinigurado naman nila na ipamamalita ng mga tagabantay ang pag dating ng mga Diyos kaya hindi na din ako masyadong kinabahan. Masaya akong pinapanood ang mga katutubo dahil kakaiba ang pagdiriwang nila, napakalayo sa nakagisnan ko. Nakikisaya ang lahat at mas lalo silang natuwa ng kumanta si Bituin. Napakaganda talaga ng boses niya, parang mala anghel ito sa ganda. Namangha naman ako sa pakulong ginawa ni Santelmo, nagpalipad siya ng mga bilog na apoy upang magliwanag pa ang buong paligid. “Wow! Ang genius mo talaga Santy.” mangha kong puna habang nakatingala sa langit. “Syempre, ako pa ba?” tumawa ito, inakbayan niya ako habang sinasabayan namin ang kanta ni Bituin. “Aray!” angal ni Santelmo na parang nasaktan ang kamay saka niya inalis iyon sa balikat ko. Nag aalala naman akong pumaling sa kanya. “Anong nangyari? Okay ka lang?” alala kong tanong at nag ambang hahawakan ang kamay niya pero binawi din niya agad ito at itinago sa kanyang likod saka umiling at ngumiti. “Okay lang ako.” “Malayo pa iyan sa kamatayan.” sabat ni Luan na ngayon ay nasa tabi ko na at nakaupo na din sa mahabang troso. “Patingin nga?” nag amba ulit akong hawakan ang kamay niya pero umisod na si Santelmo malayo sa akin. “Okay nga lang ako. Baka ikadurog pa ng mga buto ko kung hindi ka titigil.” natatawa niyang sabi habang pasulyap sulyap kay Luan. Hindi ko na din ito inintindi dahil biglang lumapit sa amin si Garing. “Maari ba kitang isayaw, magandang binibini?” tanong niya at inilahad ang kanyang kamay. Doon ko lang napansin na sumasayaw na pala ang iba paikot sa apoy na itinayo nila kanina. “Itigil mo na ang binabalak mo kung ayaw mong pumanaw ng mas maaga.” Mahinang sabi ni Santelmo saka umiwas ng tingin nang tingin siya ng masama ni Luan. Ngumiti ako kay Garing, akmang ilalahad ko ang kamay ko nang tumayo si Luan, nakahalukipkip ang mga kamay at may pagbabantang tumitig kay Garing. “Paumanhin po, Panginoong Luan.” Aniya saka nakayukong umalis sa aming harapan. “Anong problema mo?” duda kong tanong dahil kanina pa ito iritable lalo na kapag may atensyon akong nakukuha mula sa kalalakihan. Hindi naman siya ganoon pag dating kay Aine at Bituin. “When it comes to my possessions, I am insanely possessive! There's absolutely no way I'm letting anyone lay their hands on them.” Seryoso nitong sagot, hindi inaalis ang mga mata sa akin. “Uh, okay...Pero Luan, hindi ako isang bagay na pwedeng ipagdamot o ipahiram, hindi rin ako pag-aari ng sinuman. Pinahahalagahan ko ang aking kalayaan at naniniwala ako sa personal space. Oo nasa akin ang ibang kapangyarihan ni Mayari pero bakit mo kailangang sabihin paulit-ulit na pagmamay ari mo ako?” “Burn.” Dinig kong sabi ni Santelmo saka mahinang tumawa, kasunod naman noon ay ang pagtalsik niya sa hindi kalayuan. “Luan! Sumosobra ka na.” Agad kong saway sa kanya. “You have no right to tell me what to do!” Kunot noo niyang sabi. “What’s wrong?” tanong ni Sol sa akin. Hindi na siya sumulyap kay Luan. Nakita ko naman na tinulungan ni Aine tumayo si Santelmo. “Don't interfere. It's between me and my woman.” Bahagyang natawa si Sol saka tumingin kay Luan. “Stop being so possessive over her. She's not an object to be claimed, Luan.” “Back off, this doesn't concern you!” “It does concern me dahil sumosobra kana!” “Manahimik ka!” parang kulog ang boses niya at nagpatahimik ito sa buong paligid. Kahit si Bituin ay natigilan sa pagkanta, lahat sila ay nakatingin sa amin. Si Janella na ang nahiya sa inasal ni Luan. Nakayuko itong naglakad palayo at nagkulong na lamang sa kanyang magiging silid. Hindi pa man sumisilay ang bukang liwayway ay marami na ang gising na katutubong Agta. Lahat sila ay busy sa pagluluto ng agahan. Ang karamihan sa kanila lalo na ang mga matatanda ay maaga talaga gumising. Inabutan ni Santelmo ng mainit na kape si Aine habang tulala itong nakatitig sa kawalan. Ganun din si Bituin. “Mukhang hindi maganda ang gising nyo?” biro ni Santelmo. “I think I broke my back. Ang tigas ng higaan ko. I can’t take another night here. I miss my bed so bad.” naiiyak na maktol ni Aine. “We all have same bed as yours pero ikaw lang ang panay ang reklamo.” inis na sabi ni Bituin. “Si Janella ba tulog pa?” tanong ni Santelmo saka tumingin kay Luan. “Natulog ng masama ang loob. Poor Janella.” naiiling na sabat ni Sol. Dumaan pa ang ilang oras. Mataas na ang sikat ng araw ngunit hindi pa din lumalabas ng kubo si Janella kaya naman pinuntahan na ito nina Aine and to their surprise ay walang tao sa loob. Hinanap nila ito sa kung saan pwede pumunta ang dalaga ngunit ni anino nito ay hindi nila natagpuan kaya nagsimula na silang mag alala. “Hindi kaya umuwi na siya mag-isa?” Tanong ni Santelmo “She can’t do that dahil wala siyang masasakyan pababa ng bundok.” Sagot ni Bituin. “Hindi din kaya ni Janella ang umalis mag-isa.” ani Sol saka tumingin kay Luan na tahimik lang sa isang sulok. “Hindi ka ba nag-aalala na nawawala ang babae mo?” may pagka irita sa boses ni Sol. “I am worried but what do you want me to do? Magwala?” “You should because at any moment her life might be in danger. Ngayon pa na minarkhan mo na siya. Mabango siya sa lahat ng mga elemento.” Sol scoffed saka niya ito intensyon na binangga at naglakad palayo. “Garing, may nakakita ba sa inyo sa isa naming kasama na si Janella?” tanong ni Aine. Umiling ito at pinagtanong tanong sa iba niyang kasamahan gamit ang kanilang lenggwahe saka muling bumalik kay na Aine. “Panginoong Aine, ang sabi po nang mga tagabantay ay nakita daw nila kagabi si binibining Janella na naglalakad patungo sa gubat. Hindi nila ito pinigilan dahil mukhang may kasama naman siya na wangis tao.” “Saan naman pupunta si Janella ng dis-oras ng gabi? Sa pagkakakilala ko sa kanya ay sobrang duwag ng nilalang na yun.” ani Santelmo saka napailing na lamang na tumingin kay Luan. “Pwede po natin syang ipatawas sa aming punong babaylan upang maging klaro ang pagkawala niya. Iyon ay kung pahihintulutan nyo, mga panginoon.” Tinawas ng katutubo manggagamot upang malaman kung nasaan siya at nakita na kinuha siya ng tikbalang. Napag alaman nila na marami ng mga dayong turista na mga magagandang babae ang nawawala sa kagubatan. Mga namumundok ang karamihan. “Kaya pala napakaraming kulay dilaw na laso ang nakatali sa mga puno sa entrada ng kagubatan” Ani Bituin. May mga bulaklak din at mga paboritong pagkain ng mga taong nawawala. Matagal na nila itong suliranin dahil maging mga katribo nila ay nabibiktima din. Madami ang takot sa gubat na iyon ngunit marami din ang gustong umusisa kung ano nga ba ang misteryong mayroon ang kagubatan kaya naman may mga dumadayo pa din kahit binabalaan na sila. “Ipatawag nyo si Pawi.” utos ni Luan sa mga tribong tagabantay. Masama itong tumingin sa kagubatan at bahagyang nagbago ang kulay ng mga mata dahil sa matinding pag-aalala kay Janella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD