Pagkatapos ng halik na iyon sa aking noo, pakiramdam ko may mainit na bagay na gumuhit sa aking noo at napaka tindi ng sakit na iyon at umabot sa loob ng aking ulo. Mariin akong pumikit at hinawakan ang masakit kong noo.
Humarap ako sa malaking salamin na nasa uluhan ng kama at doon ko nakita kung paano gumuhit ang parang laser sa aking noo at nabuo itong hugis crescent moon. Lumapit pa ako sa salamin para mas malinaw kong makita ito.
Talagang crescent moon nga ito at parang nagliliyab pa kaya sobrang hapdi.
Hindi ba dapat ay pangatlong mata ang lalabas sa aking noo at hindi ang hugis buwan na ito?
“Don’t expect a literal third eye there. You have my mother’s power, remember? Hindi ka na nabibilang sa ordinaryong tao.” ani Luan.
Tinitigan ko ang noo ko saka ito hinimas. Para na akong si sailormoon but kidding aside I felt different having this. Parang gumaan ang pakiramdam ko.
Tumingin ako sa kabilang sulok ng kwarto at doon ko lang napansin ang limang anino na may pulang mata ang nakasiksik sa dulo ng kwarto. Parang takot na takot sila sa amin, pero mas natakot ako at umatras sa tabi ni Luan.
“A-Ano ang mga yan?” kinakabahan kong tanong.
"They are the demons who love the negative energy in this room. Don't worry, they can't hurt you. They are scared because of my presence and because of what's on your forehead." paliwanag nito.
“Kailangan ko na yatang mag bangs.” naiiyak kong sabi.
Mahinang tumawa si Luan at tumingin sa akin.
“Only deity can see that mark on your forehead and them” turo nito sa mga itim na anino. “Other than us ay wala na.”
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niyang iyon at pabagsak na umupo sa kama dahil nauubusan ako ng lakas sa mga nangyayari. Noong ako'y naupo sa kama, biglang sumakit muli ang aking noo at ulo kaya mahigpit akong humawak sa comforter ng kama.
Nang ipikit ko ang aking mga mata ay nakita ko ang mga pangyayari mula sa umpisa at kung paano nila binaboy at pinatay ang walang kalaban-laban na si Maribel. She’s so innocent, wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ang hayop niyang boyfriend.
Tumulo ang sariwa kong luha habang pinapanood na lagutan ng hininga si Maribel. She cried for her life but no one listen, sa halip ay pinagtawanan pa siya.
Naramdaman ko ang init ng kamay na dumampi sa aking pisngi, kaya binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko si Luan sa harap ko, nagpupunas ng aking mga luha. Agad akong yumuko dahil ayaw kong ipakita sa kanya na umiiyak ako.
“Ang sama sama nila.” hikbi ko.
“This world is filled with darkness and evil, it’s important to remember that their unity stems from their own unhappiness. They support each other, finding solace in their shared negativity.”
“Bakit hinahayaan nyo na mamatay ang mga inosenteng tao?” iyak ko. Hindi ko matanggap ang mga nasaksihan ko kanina. Napakasakit sa puso.
“We are not allowed to interfere, Janella. Binigyan ang tao ng kalayaan upang gawin ang gusto nila, binigyan din ang tao ng kalayaan na malaman kung ano ang magiging resulta sa bawat kilos na gagawin nila. Hindi magiging balanse ang mundo kung palagi kaming makikialam.” paliwang nito at hindi ko pa din maintindihan.
“Pero bakit pinagkaitan ng kalayaan ang iba? Hindi ko maintindihan.”
“Tao laban sa tao. Masama laban sa mabuti. Pinagkaitan man sila ng magandang buhay dito sa mundo, may kapalit naman na kaginhawaan iyon mula sa nakatataas. Makukuha ni Maribel ang hustisya na nararapat sa kanya sa tulong mo but I don’t want you to focus in all the lost souls who needed help. We have a mission, Janella.”
Marahan akong tumango sa paalala ni Luan. Alam ko din naman na hindi ko kayang tulungan ang lahat ng kaluluwang nangangailangan ng aking tulong. It will also drain my energy if I do it.
Tumayo ako at nagtungo sa banyo kung saan itinago ng boyfriend ni Maribel ang mga gamit niya. Tumingala ako at hinanap ang pinaka main opening ng ceiling. Nasa tapat iyon ng lababo. Sinubukan kong tumungtong ngunit hindi ko ito abot kaya naman tumingin ako kay Luan.
“I said I can’t interfere.” paalala niya.
“Sisilipin mo lang naman kung nandoon pa ang bag.” sagot ko naman saka bumaba mula sa ibabaw ng lababo.
He took a deep breath and rolled his eyes. Pagkatapos noon ay lumutang siya na parang papel saka binuksan ang main entrance ng kisame at sinilip ang gamit ni Maribel sa loob.
“Nandito pa.” walang gana niyang sabi.
“Pwede ko bang makita?” tanong ko. Gusto kong makasigurado dahil baka niloloko lang ako ni Luan.
Bumaba siya at tumayo sa harapan ko.
“Turn around.” utos niya. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinapatalikod.
“Bakit mo-”
“Just do it.” he impatiently said saka ako pinilit na tumalikod. He grabbed my waist sanhi ng pagtayo ng mga balahibo ko at pagbilis muli ng t***k ng aking puso.
Bakit ganito ang reaksyon ng katawan ko sa mga haplos ni Luan?
Unti-unti kaming lumutang. Hindi ito ang unang beses kong lumutang sa ere pero ito na yata ang unang beses na kiligin dahil sa paglutang.
Sa paglutang nga ba? O baka naman sa nakayakap na mga kamay ni Luan sa aking baywang?
Ugh! Bakit ganito ako mag-isip? Pasalamat na lang talaga ako dahil hindi niya naririnig ang iniisip ko.
Minulat ko ang mga mata ko at nagliwanag ang paligid at nagmumula ang liwanag na iyon kay Luan upang makita ko ang bag sa loob ng kisame. Kulay puting shoulder bag iyon kaya kitang kita agad ang madugong bakas ng kamay.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Nagtungo na ako sa opisina ni detective Tolentino ngunit ang sabi ng kanyang secretary ay nasa presinto daw ito at may iniimbistigahan na kaso. Papara na sana ako ng taxi ng hilahin ako ni Luan.
“Bakit?” taka kong tanong.
“Napapagod ako sa ginagawa mo. Kung sasakay ka ng taxi ay traffic sa kantong iyon.” turo niya sa dulong kanto na hindi naman abot ng aking tanaw kung traffic nga ba o hindi.
“So? Anong kailangan kong gawin? Lumipad?” sarkastiko kong tanong.
Umirap ito at tila ba naubusan na ng pasensya kaya naman hinila niya ako sa masikip na eskinita kung saan walang katao-tao. Hawak niya ang braso ko saka kami naglaho na parang bula at sa isang iglap ay nasa gilid na kami ng presinto.
“Pwede gamitin natin madalas yang teleporting para hindi aksaya sa pamasahe?” natatawa kong suggestion, ngunit seryoso ako. “Sana kanina mo pa ginawa yun para hindi na ako nagastusan sa hotel kanina. Alam mo ba, halos isang buwan ko ng sweldo ang binayad ko sa hotel na iyon tapos hindi ko man lang na-enjoy. Ugh! Ilang gamot na rin iyon ni Lola,” maktol ko.
Nag-iba naman ang timpla ng mukha ni Luan. Napaka ikli talaga ng pasensya niya sa taong madaldal at reklamador na katulad ko. Pero sayang din kasi yung 10k. Ngumuso ako at naglakad patungo sa loob ng presinto.
“Yes Miss? What can I do for you?” salubong sa akin ng pulis tapos ay tumingin ito kay Luan. “Artista ba yang kasama mo?” bulong nitong tanong sa akin. Hilaw akong ngumiti saka umiling. Nag ‘ahh’ naman siya.
“Nandito po ba si Detective Tolentino?” tanong ko.
“Bakit mo hinahanap? Ikaw ba yung girlfriend nya?” muli niyang bulong.
I heard Luan scoffed. Marahil nababasa nito ang nasa isip ng pulis na kausap ko.
Naglakad papasok sa loob si Luan at huminto sa gilid ng lalaking naka sunglass kahit gabi na.
“Detective Tolentino?” tanong ni Luan.
Nagpaalam ako sa pulis na kausap ko saka lumapit kay Luan.
“Oo. Bakit?” Maangas nitong sagot. Mukhang nayabangan sa dating ni Luan.
“Hello, I’m Janella Reyes. Pwede ko bang mahiram saglit ang oras mo? May kailangan lang akong sabihin sayo regarding to Maribel case.” sabi ko. Pumagitna na din ako dahil sa masasamang titig sa kanya ni Luan.
Ngumiti sa akin si Detective at tinanggap ang kamay ko. Marahan din niya itong pinisil at parang ayaw ng bitawan. Nagkatingin naman ang mga pulis ng marinig ang pangalan ni Maribel.
Sa isang coffee shop kami nag-usap ni Detective Tolentino. Simula ng mag umpisa kami hanggang matapos mag-usap ay masamang titig ang binibigay sa kanya ni Luan. Nahihiya ako para sa kanya. Mukhang anytime ay lalamunin niya ng buo si Detective.
Kumpleto kong naibigay ang lahat ng impormasyon na nalalaman ko. Gusto ko pa sana ikwento kung paano siya pinatay ngunit hindi ko naman siya mabibigyan ng magandang dahilan kung paano ko ito nalaman.
“Mahihirapan akong buksan muli ang kaso ni Maribel. Malalaking tao ang naging sangkot dito. Kapag hindi ko ito nabuksan ay hindi ako maaaring mag request ng search warrant.” paliwang nito.
Nanlumo ako sa narinig ko, wala akong alam sa batas ngunit naiintindihan ko ang nais niyang iparating.
“Request a search warrant dahil hindi lang mga damit ang nakatago sa apartment na iyon. There are bunch of cocaine in there na nakatago sa ilalim ng mga damit.” sabat ni Luan. Nagulat ako at biglang baling sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon, o baka nag-iimbento siya.
“Do you have any evidence?” tanong nito.
“I am the most reliable deity that you can ever talk to,” inis nitong sagot.
Kagat labi akong ngumisi kay Detective saka siniko si Luan.
“Palabiro ka talaga. Deity ka dyan.” natatawa kong sabi dahil baka maweirduhan sa amin si Detective. “Pero tama si Luan, front lang nila ang clothing business at may illegal talaga behind that. Pwede mo siyang gamitin as reliable source para makahingi ng search warrant.”
"Just request a search warrant. The judge will issue it to you right away," determinado na sabi ni Luan na para bang sigurado ito sa sinasabi niya. Well, wala namang impossible sa kanya kaya tumango nalang din ako.
Halata sa mukha ni Detective Tolentino ang pagdududa sa amin. I can’t blame him. Ikaw ba naman ang bigla nalang lapitan para pabuksan ang kaso ni Maribel at sabihin kung nasaan ang katawan nito ngunit walang maibigay na deretsong sagot kung paano namin ito nalaman.
Ganun pa man ay nangako siya sa amin na mag rerequest siya agad ng search warrant at bukas na bukas ay hahalughugin nila ang nasabing apartment.
Tulala akong nakatitig sa kisame ng makauwi ako sa aking apartment. Pagod na pagod sa maghapon na nangyari. Pumikit ako at hinipo ang aking noo. I could feel the mark, but I knew it wasn't visible to the naked eye.
Hindi lang ang mark ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi nasa noo ko pa ang malambot at mainit na labi ni Luan. Unconsciously, I smiled, feeling the warmth spreading across my cheeks.
Kinikilig kong niyakap ang aking unan.
Hindi dapat ako kiligin sa lalaking muntik na akong patayin. Concern lang sa akin si Luan dahil sa kapangyarihan ni Mayari na nasa aking katawan.
Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ko na may nakatitig sa akin. Inaasahan ko na si Maribel iyon ngunit ng maaninag ko ang mukha ni Luan sa aking harapan ay para akong tinakasan ng hangin sa katawan. Mas lalo pang uminit ang mukha ko at kumabog ang aking puso.
Mahigpit kong niyakap ang aking unan. Nakatitig sa mukha ni Luan.
“Maraming salamat, Janella.” Malamig na boses ang umagaw ng atensyon ko. Tumingin ako sa gilid at nandoon pala si Maribel. Nakangiti sa akin. Pansin ko ang pagbabago ng aura niya. Duguan pa din siya pero nakikita ko na parang nag lighten up ang mukha niya.
Bumangon ako at naupo sa kama. Umisod naman si Luan para bigyan ako ng space.
“Nag issue na ng warrant of arrest ang judge. Bukas ng umaga ay pupuntahan na nila ang apartment.” balita sa akin ni Maribel.
“Talaga? Wow. Magandang balita yan.” sambit ko.
“Hindi na din ako magtatagal. Kailangan kong bantayan ang katawan ko. Hanggat hindi nila ito natatagpuan ay hindi ako magpapakampante.” aniya saka naglaho na parang bula.
Tumingin ako kay Luan.
“Akala ko ba bawal kayong makialam?” Duda kong tanong sa kanya.
“I didn’t. Paano mo nasabi na nakikialam ako sa kaso ni Maribel?” balik nitong tanong. Mas lalo pa akong humarap sa kanya trying to read his mind base on his reaction.
“Paano mo nalaman na may c0caine doon? Bakit sigurado ka na bibigyan talaga si Detective Tolentino ng search warrant?” usisa ko.
Hindi agad ito sumagot.
“Umamin ka na. You help Maribel?” muli kong tanong.
“Ikaw ang tinulungan ko at hindi si Maribel. You're my woman, so there's nothing wrong with helping you. I once saved your life,” Mariin niyang sagot saka tumingin sa akin at papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin. "You possess my mother's power, which should be mine, therefore... you are mine. I own you. You are my woman."
Hindi ako nakakurap sa mga sinabi ni Luan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat maging reaksyon.
Pag aari ako ni Luan?
What the heck?
Pinagtatawanan ko lang siya para itago ang kaba ko. Napakalapit na ng mukha niya sa akin.
I scoffed again. “Did you really say that? Pagmamay ari mo ako?” I scoffed for the third time.
“Do you want me to repeat it?” seryoso nitong tanong.
Umiling ako at umiwas ng tingin.
“Fine.” sumuko na ako dahil ang intense ng mga titig niya sa akin. “So, bakit ka nandito?”
“Aakyat tayo sa bundok ng Pinatubo upang hiramin ang instrumento ng mga katutubong Agta.” sagot ni Luan. Tumingin ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano iyong Agta na tinutukoy niya.
“Agta?”
“Aeta.” Tumayo ito at naglakad lakad upang tingnan ang aking kwarto ng mabuti. “Hindi ka ba nasisikipan sa lugar mo? How can you even breath here?” Hindi ko alam kung insulto ba iyon o concern kaya mas pinili ko nalang na irapan siya.
“Anong oras tayo aalis bukas? Kailangan ko pang magpaalam sa trabaho ko. Bakit kasi palaging short notice.” Reklamo ko.
“Anytime. Huwag ka ng mag-alala sa trabaho mo. Ako na ang bahala.”
Kinabukasan ay nag-impake na ako. Mahirap na dahil bigla bigla pa naman sumusulpot si Luan. Binuksan ko din ang TV habang nag-iimpake para hindi masyadong boring.
Inilalagay ko na sa ziplock ang mga pang hygiene ko bago ko ilagay sa pouch. Dinamihan ko na din ang mga damit ko dahil hindi ako sigurado kung hanggang kailan kami doon. Sinigurado ko din na may first aid kit ako at mga gamot incase of emergency kahit na feeling ko naman ay hindi ko ito kakailanganin dahil mga Deity ang mga kasama ko. Panatag naman ang loob ko na hindi nila ako pababayaan.
Tumigil ako sa pag zizipper ng aking maleta ng marinig ko ang flash report tungkol sa ginawang search operation sa apartment kung saan nakatago ang katawan ni Maribel. Unconsciously, I smile dahil sa wakas mabibigyan na din ng hustisya si Maribel at ang gaan sa puso dahil ako ang naging instrumento para makamtan niya ang hustisya na ikakatahimik ng kanyang kaluluwa.
Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Luan. Nais ko sanang pumunta sa burol ni Maribel pagkatapos niyang ma autopsy. Unang ring pa lamang ng bigla na lang lumitaw si Luan sa harapan ko. Nabitawan ko tuloy ang cellphone ko sa gulat.
Sino ba naman ang hindi magugulat kung may sumulpot na gwapong lalaki sa harapan mo suot ang bathrobe at basa pa ang buhok?
“What do you need?” inis nitong tanong.
“A-Ano… Kasi…” huminga ako ng malalim to compose myself. “Bakit kasi pumunta ka pa dito? Kaya nga tinatawagan kita!” maktol ko at umiwas ng tingin. “Magbihis ka nalang muna. Tatawag ulit ako.”
“Hindi ba mas maganda kung sa personal mo sabihin?”
“Oo nga pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Sige na. Umuwi kana.” pagtataboy ko. Agad din naman itong naglaho.
Dinampot ko ang cellphone ko saka ko siya muling tinawagan which is sinagot din naman niya agad.
“What?” walang gana ang boses nito.
“Ano bang oras tayo aalis? Gusto ko sana pumunta sa burol ni Maribel pagkatapos ng autopsy nya.” paalam ko. Malakas na tawa ang isinagot niya sa akin. Tawa na pinagsasaktan na ng tyan.
“You’re kidding, right? It may take approximately 3 to 6 weeks to get the final autopsy report.” Patuloy itong tumawa.
Napahiya ako. Grabe! Ganun katagal? Napaka mangmang ko talaga pagdating sa ganitong bagay. Umirap ako sa hangin at tinapos na ang tawag dahil naiirita ako sa tawa ni Luan.
Hindi na ako pumasok sa trabaho dahil nakapag paalam na si Luan para sa akin. Nagtungo na lamang ako sa mall upang bumili ng holy grail ko na sunscreen. Nagbabayad na ako sa counter ng marealized ko na si Aine at Sol pala ang bagong model ng brand na ito.
Lumabas ako ng store bitbit ang paperbag ng pinamili ko. Bumili na din kasi ako ng lip balm at moisturizer na ini-endorse din ni Aine.
Kalalabas ko pa lang ng may umakbay sa akin kaya bilang natural body reaction ay agad akong umiwas sa kanya.
Sa pulang buhok pa lang nito ay agad ko na siyang nakilala. Nakapagtataka lang na hindi siya pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Naka sunglass man siya ay makikilala mo pa din na si Sol iyon.
“Hindi ka natatakot na baka makuhanan ka ng mga paparazzi?” taka kong tanong.
Ngumisi ito at inalis ang kanyang sunglass.
“They will not recognize me. Nakalimutan mo na bang may kapangyarihan ako?” paalala niya. Tumingin siya sa bitbit kong paperbag saka muling ngumiti. “Gumagamit ka din pala niyan. Do you want more supplies? I can send it to your apartment.”
Agad akong umiling dahil nakakahiya naman.
“Huwag na. Okay na ako dito.” tanggi ko. “Anong oras nga pala tayo aalis papunta sa bundok ng mga katutubong Agta?” Tanong ko at sana naman ay may makuha ako na sagot mula sa kanya. Palagi kasing sagot sa akin ni Luan ay anytime.
“Anytime.” sagot nya saka ngumisi.
Umirap ako ng dahil sa pagkadismaya at nagpatuloy na sa paglalakad. Sumunod naman siya at inakbayan ako. Kahit ang awkward sa pakiramdam ng ginawa niya ay hinayaan ko nalang.
Niyaya niya akong magkape sa isang sikat na coffee shop dito sa mall.
“Nabalitaan ko yung search operation kaninang umaga. You really did help her. Good job.” Aniya saka mahinang pumalakpak. Kanina ko pa din napapansin na panay ang tingin niya sa aking noo sanhi ng pagka-ilang ko sa kanya, kaya tinakpan ko na ito ng aking kamay.
He chuckled and crossed his arms after sipping his coffee.
“Noong una natatakot ako pero ang gaan sa pakiramdam na nakatulong akong makuha ni Maribel ang hustisya na nararapat sa kanya. Pati na rin sa taong kasalukuyang nagbabayad ng kasalanan na hindi naman siya ang gumawa.”
“I agree. Being a babaylan runs in your blood and you can be a babaylan in the city.” Biro pa niya. “Kidding aside, did Luan put that mark on your forehead?” usisa nito.
“Ah… O-Oo. Para mabuksan ang third eye ko.”
Mas lumawak ang ngisi nito at naiiling na tumawa.
“That assh0le.” He shook his head in disbelief.
Tatanungin ko pa sana kung bakit pero hindi ko na itinuloy dahil tumunog ang cellphone niya na agad niyang sinagot.
“Yes. I’m with Janella. Don’t worry, I will take good care of her.”
Pagkatapos nilang mag-usap ay tumunghay siya sa akin at ngumiti. Napaka gwapo talaga ni Sol. Tamang tama ang phrase sa kanya na ‘You are my sunshine’ dahil bukod sa Diyos siya ng mga araw ay nakaka goodvibes din ang aura niya. He’s shining.
Inalok ako ni Sol na daanan namin ang mga gamit ko sa apartment bago kami pumunta sa bahay nina Luan dahil doon daw kami magkikita kita.
Naglalakad na kami sa parking lot ng may humarang sa aming tatlong lalaki at masamang nakatitig sa akin.
“Ikaw ba si Janella Reyes?” maangas nitong tanong.
“B-Bakit?” Binalot ako ng kaba dahil mukha silang masasamang tao. Naka mask pa ang isa.
“Ang tanong ko ang sagutin mo!” singhal niya.
"Hey! Don't you know how to show respect to women?" Sabat naman ni Sol.
“Huwag kang makialam dito kung ayaw mong madamay.” sagot ng isang lalaki.
“Ano bang kailangan nyo sa akin?”
“Ikaw nga si Janella Reyes?” kumpirma niya ulit.
“Oo.” tipid kong tanong. Kinakabahan ako pero kampante naman ako na hindi ako pababayaan ni Sol.
“Kung ganun sumama ka sa amin!” aniya sabay hawak ng dalawang lalaki sa mga braso ko, saka nila tinutukan si Sol ng baril na hawak nila.
“Teka! Ano bang kailangan nyo sa akin? Hindi kami mayaman kaya wala kaming iraransom sa inyo!” sigaw ko habang nagpupumiglas. Naiiyak akong tumingin kay Sol na tila walang pakealam sa nangyayari, nakataas lang ang kamay sa ere, habang tinutukan siya ng baril.
"Kung dadalhin n'yo si Janella, dalhin n'yo na rin ako, baka magsumbong ako sa pulis. Meron pa naman akong photographic memory. Kayang-kaya kong ilarawan ang mga pagmumukha n'yo sa mga pulis, kahit sa mga maliliit na detalye, tulad ng nunal mo sa dila," mapang uyam na sabi ni Sol.
Hindi ako makapaniwala na tumingin sa kanya lalo na nang mauna pa itong sumakay sa van ng mga kidnapper. Tinulak nila ako sa loob ng van kaya napasubsob ako sa hita ni Sol. Ngumisi siya sa akin at tinulungan akong makaupo. Parang kamatis na kasi ang mukha ko sa hiya.
“Anong ginagawa mo?” bulong ko.
Hindi siya sumagot at sa halip ay nginitian lang ako. Tinalian nila ang mga kamay namin at piniringan bago kami muling bumaba sa van. Hinubad lang nila ito ng may marinig kaming mga kalalakihan na nagtatawanan. Amoy alak at sigarilyo din dito sa kwartong ito.
“Boss. Ito na po si Janella.” anunsyo ng lalaking may hawak sa kain.
“Good Job. Sino naman yan?” Tukoy nito kay Sol.
“Sinama na namin dahil baka po magsumbong.”
“I just need this woman.” Aniya saka inalis ang piring ko. “I just need this b*tch. Ang babeng makati ang dila.” aniya habang hinihimas ng nakakadiri niyang kamay ang mukha ko. “Sayang, maganda ka pa naman.”
“She’s sexy too bro. Gusto mo bang lumigaya muna bago sumunod kay Maribel?” sabat ng lalaking nakaupo sa sofa. Nagtawanan naman ang ibang kasama nila.
Binalot ng takot ang buong katawan ko nang marinig ko ang pangalan ni Maribel. Ang lalaking nasa harapan ko ay ang boyfriend ni Maribel at ang mga lalaking nasa sofa ay ang mga kaibigan nito na bumaboy sa kanya.
Masama ko itong tinitigan. “Napaka demonyo mo! Masahol ka pa nga yata sa demonyo! Hayop ka! Sa sobrang demonyo mo baka ampunin ka na ni Satanas!” sigaw ko sa kanya.
Hindi niya ito nagustuhan at akma akong sasampalin ngunit parang may kung ano na pumigil sa kanyang kamay at nanatili lang ito sa ere.
“Alam mo bang masama ang nananakit ng babae? Alam mo ba ang tawag sa mapanakit na lalaki? Duwag!” ani Sol. Tiningnan siya nito ng masama saka nilapitan at inalis ang piring.
“What did you say? Duwag?” He scoffed.
“Hindi lang duwag. Wala pang bay@g. People like you are burdens to society. You only rely on the name and money of your parents. Aren't you ashamed? If I were your parents, I would definitely disown you because you're worthless, uncivilized devil.” insulto ni Sol sa kanila. Isa-isang tumayo ang mga kaibigan ni Mark dahil napikon sa mga sinabi ni Sol. Susugod na sana ang isa ng pigilan siya ni Mark.
“Anong sabi mo? Ang lakas ng loob mo ha?” Inis nitong sabi. “Hawakan nyo ang gag0ng yan.” utos nito sa mga tauhan. Dinampot nito ang baseball bat na nakasandal sa pader at isinampay sa balikat. “Let's see where your sharp tongue will take you.”
Ngumisi si Sol sa kanila.
“Nakukuha mo pang ngumisi?!” sabi ng lalaking nasa likod ni Mark.
“Tingnan din natin kung magkakaroon ka pa ng kwenta! Baka lupa nalang ang makinabang sayo. Nag pula ka pa ng buhok. Kahit ang haring araw itatakwil ang kulay ng buhok mo.” Humalakhak ang isa pa sa kaibigan ni Mark at dumampot ng bote saka ito binasag.
Apat na lalaki ang humawak kay Sol ngunit ng mag aamba ng hatawin siya ni Mark ay tumalsik ang apat na lalaki saka siya mabilis na lumapit kay mark na parang si flash. Mahigpit niya itong hinawakan sa leeg saka itinaas sa ere.
Para namang mga naging bato ang ibang tao sa kwarto at hindi makagalaw sa kanilang mga pwesto. Mas tumingkad ang kulay ng buhok ni Sol at maging ang mga mata nito ay parang araw na nagliliyab.
Hirap ng huminga si Mark dahil sa higpit ng kapit ni Sol sa leeg nito at kahit anong piglas niya ay balewala.
"Hindi ako mahilig makialam sa batas ng tao, ngunit dahil ininsulto mo ang Diyos ng mga araw, hindi ko ito mapapalampas," Asik ni Sol. “Sinisiguro ko na kahit lupa ay hindi makikinabang sa inyo.” mariin nitong sabi at mas diniinan pa ang kapit sa leeg ni Mark saka umapoy ang kamay ni Sol.
Sumigaw si Mark dahil sa matinding sakit.
“Tama na! Sorry na!” iyak nito.
Hindi siya pinakinggan ni Sol hanggang parang alikabok na nadurog sa hangin si Mark. Isinunod niya ang mga kaibigan nito. Nawalan ng lakas ang tuhod ko sa aking mga nasaksihan. Binalot ako ng takot lalo na sa mga nanlilisik na mata ni Sol.
Pagkatapos ng ginawa niya ay nilapitan niya ang apat na tauhan ni Mark.
“Wala kayong nasaksihan. Wala kayong maaalala ngayong araw.” sabi niya sa mga ito. Tila mga nawala sa sarili ang apat. Tumango ang mga ito saka tumayo na parang robot. “Uuwi kayo sa mga pamilya ninyo at magbabagong buhay.” dugtong niya. Muling tumango ang apat at umalis.
Bumuga ako ng malalim na hininga at kumapit sa sandalan ng sofa. Hindi ako makapaniwala na parang alikabok na naglaho ang mga ito. Wala man lang bakas ng katawan nila kahit buhok o damit.
Muling bumalik sa dati ang anyo ni Sol. Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko, umatras lang ako ng dahil sa takot.
“I won’t hurt you. We have to go.” Pagkasabi niya noon ay hinawakan niya ang kamay ko saka kami nagteleport. Nasa loob na kami ng kanyang sasakyan ngayon.