Malakas na hangin ang umiihip sa kagubatan. Naging mas alerto silang lahat dahil sa biglaang pagkawala ni Janella habang si Luan naman ay madilim na mukha.
“Stop wasting our time! Lumabas ka!” Sigaw ni Sol.
Isang nakakakilabot na tawa ang umalingawngaw sa paligid at kung normal na tao ang makakarinig ay nagkakandarapa na sigurado ito dahil sa takot.
“Don’t you dare hurt her or I will be your worst nightmare!” Banta ni Luan.
Sumunod nilang narinig ay ang malakas na sigaw ni Janella sa loob ng kweba. Palayo ng palayo ang sigaw hanggang sa maglaho ito. Napasigaw sa inis si Luan at malakas na kulog ang sumunod.
“Who the hell dares to play with us?” Bulyaw ni Aine.
“Magandang gabi mga panginoon.” Magalang na pagbati ni Lakambakod habang ito ay nakayuko. Ganun din si Lakambini.
“Mabuti at pumarito kayo. Sino ang nakatira sa kwebang iyon?” Curious na tanong ni Bituin at itinuro ang gawi ng kuweba. Tumunghay silang dalawa para tingnan ang itinuturo ni Bituin saka nagkatinginan ng makahulugan si Lakambakod at lakambini.
“Mga Danag po, Panginoong Bituin.” Sagot ni Lakambini. “May ginawa po ba silang-”
Naputol ang sasabihin ni Lakambini ng sumingit si Luan. “Bring me to them.” Malamig nitong sabi.
“Maaaring mga bago pong Danag ang dumukot sa inyong kasama. Sumunod po kayo sa akin.” Ani Lakambakod saka naglalakad papasok ng kuweba. Dahil madilim ay naglabas ng apoy si Santelmo mula sa kanyang ulo habang si Sol at Luan naman ay sa kamay. Habang papasok sila sa pusod ng kuweba at palakas ng palakas ang masangsang na amoy. Halos masuka si Aine dito.
“Ano ang amoy na yon? Nakakasuka!” Reklamo ni Aine at tinakpan ang ilong.
“Danag loves human blood. Anong aasahan mo?” Iritang sabi ni Bituin dahil maging ito ay hindi na rin masikmura ang naamoy. Umirap naman si Aine sa pinsan.
May limang nakaitim na lalaki na may matutulis na kuko ang humarang sa dadaanan nila at ng makilala sina Lakambakod at lakambini ay bahagya silang naging kampante.
“Ano ang ginagawa ng mga diyos sa aming kaharian?” Tanong ng isa sa Danag na bantay ng kuweba. Mabilis na sumugod si Luan at ngayon ay hawak na niya ang leeg ng pinuno ng mga bantay.
“Ano sa tingin mo?” Mariin nitong sagot. His eyes are turning into white at ikinatakot ito ng mga bantay na danag.
“Ilabas nyo ang mapangahas na dumukot sa kasama naming tao.” Utos ni Sol. Nagpalitan ng tingin ang mga Danag na para bang wala silang idea sa sinasabi ni Sol.
“Anong kaguluhan ito!” Sigaw ng malagong na boses mula sa kadiliman. Unti unti itong lumapit sa kanila hanggang tumigil ito sa harapan ni Luan.
“Pinuno.” Sambit ng isa sa bantay ng kuweba. Yumuko ang kanilang pinuno bilang pagbibigay galang sa mga Diyos na nasa kanyang harapan.
“Pinuno. Naparito sila sapagkat mayroon daw dumukot sa kasama nilang tao.” Paliwanag ng bantay na nasa likuran ng kanilang pinuno.
He growled and took a deep breath. Nagpipigil sa galit. “Alaric!” Gigil nitong sigaw na ikinataranta ng mga alagad niya. “Hanapin ninyo ang batang yan ngayon din!” utos niya at agad tumalima ang mga alagad ng pinunong Danag. “Ipagpaumanhin ninyo ang kapangahasan na ginawa ng aking anak na si Alaric. Maaaring hindi niya kayo nakilala. Paumanhin mga diyos.” Yuko nito.
Binitawan ni Luan ang leeg ng pinunong bantay ng kweba at mariin na tumingin sa pinunong Danag. “I will kill him if that bastard hurts my woman.” Pagbabanta niya.
Namilog naman ang mata ni Bituin sa narinig maging si Aine. Sol smirked as if he couldn't believe what he just heard.
Nanginig sa takot ang pinuno ng mga danag na halos humalik na sa lupa sa pagyuko. Ilang saglit pa ay dumating na ang mga alagad nito kasama si Alaric ngunit wala si Janella. “Ama!” Takot na sigaw ni Alaric.
“Nasaan ang taong dinukot niya?” Nagtatakang tanong ni Lakambini. Walang mag lakas ng loob na sumagot sa kanila. Nakasimangot lang si Alaric na nakamasid sa kanyang ama.
“Hoy bata! Sasagot ka ba o papaslangin ko ang ama mo?!” Singhal ni Luan. Napaatras sa takot ang bata.
“Patawad!” Iyak nito saka lumuhod. “Patawarin nyo ako. Huwag nyo pong papatayin ang aking ama. Pakiusap!” Patuloy nito.
“Alaric! Nasaan ang taong dinukot mo?!” Sigaw ng kanyang ama at halatang sobra sobra ang pagpipigil ng galit ngayon.
“Inihagis ko po sya sa bangin nang malaman ko na ang kasama pala niya ay mga Diyos.” Iyak nitong sagot. Matalim na tumingin sa kanya si Luan habang nagpapalit na ng anyo ang binata dahil sa galit. Yumakap naman ang pinunong danag sa paa ni Luan habang nagmamakaawa ito para sa buhay ng kanyang anak.
On the other side… Nang marinig ni Sol na inihagis sa isang bangin si Janella ay mabilis itong naglaho at ngayon ay lumitaw sa isa bantay ng kuweba at muling naglaho.
“Sol!” Tawag ni Aine.
Hindi siya pinakinggan ng kapatid. Muli siyang lumitaw sa labas ng kuweba bitbit ang dinukot na danag. “Ituro mo sa akin ang bangin.” Utos niya. Takot na takot naman na tumango ang lalaki.
Nasa kabilang dulo ng kuweba ang bangin na kaya ng matunton ito ni Sol ay itinulak niya ang danag saka mabilis na tumalon sa Bangin. Mas masangsang ang amoy sa loob, habang pababa siya ay puro mga kalansay ng tao ang nakikita niya. Nang sumayad sa lupa ang paa ni Sol ay narinig niya agad ang iyak ni Janella. Madilim sa loob ng bangin at may mga bangkay doon na nabubulok na. He scanned the place at ng makita ang isang wangis ng tao na nakasiksik sa isang sulok ay agad niya itong nilapitan.
“Hey.” Malumanay nitong tawag sa dalaga.
Tumunghay si Janella at ng makilala kung sino ang lalaking nasa harapan niya ay agad itong tumayo at mahigpit na yumakap kay Sol. Mas humagulgol ito ng iyak habang nanginginig ang buong katawan. Marahan na hinaplos ni Sol ang likod ng dalaga at tinapik tapik ito para pakalmahin.
“Don’t worry. You are safe now.” He whispered huskily saka siya kumapit sa baywang ni Janella at buong lakas na tumalon palabas ng bangin. Sa lalim ng bangin ay parang napakababaw lang kung talunin ito ni Sol dahil sa taglay niyang kapangyarihan.
Nakabalik na sila sa Villa. Bituin is comforting Janella at sinubukan na pakalmahin. She decided to sleep with her too para bantayan. Nagsusuklay ito ng buhok ng pumasok si Aine ng walang pasabi. May facial mask ito sa mukha at naka pulang roba na.
“How is she?” Tanong niya habang naglalakad upang umupo sa sofa ng kwarto.
“I think she’s fine now. Nagbababad sa bathtub para makapag relax.” Sagot niya at tinapos ang pagsusuklay saka tumayo at tumingin sa pinsan. “Why are you here?” She asked and frowned.
“Nothing… Alam mo ba kung bakit kanina pang walang kibo si Luan? He’s been like that after Sol rescued HIS WOMAN.” Aniya at binigyang diin ang huling sinabi.
Bituin crossed her arms thinking of reason pero sumuko din at umupo sa sofa. “Hindi ko alam. Maybe he’s tired? I don’t know. Bakit ba?” Sagot niya saka dinampot ang sliced apple na nasa center table na dala ni Aine.
Magsasalita pa sana si Aine ng bumukas ang pinto ng bathroom. Lumabas si Janella suot ang white bathrobe na may silk na tela. Sa loob noon ay silk lingerie dress na kulay puti galing kay Aine.
“Wow! You look great at that. That’s my own brand.” Aniya. Proud pa itong tumayo at ipinakita ang kanyang lingerie dress na kulay pula. “I’ll send you all my designs if you like?” Offer pa nito kay Bituin. Bituin scoffed at umiling.
“No thanks. I prepared cotton fabric, mas komportable.” Tanggi nito sa alok ng pinsan. Umirap na lang si Aine at muling tumingin kay Janella.
“I’ll send it to you instead.” Baling niya dito. “You know what? You can be my model.” Nakangiti nitong sabi. Hilaw na ngumiti si Janella.
“Baka hindi bumenta kung ako ang magiging model mo.” Natatawa nitong sagot. Aine chuckled at lumapit kay Janella.
“Oh c’mon. You’re beautiful.” Puri nito sa taong kaharap. “But anyway, how are you? Do you want us to remove your memory about that stinky danag?” Seryoso nitong tanong. Mabilis naman na umiling si Janella at pagod na ngumiti.
“Okay lang. Natatakot pa rin ako pero sa tingin ko ay kailangan ko ng sanayin ang aking sarili. Having 10% of Mayari’s power... baka hindi lang mga danag ang makakaharap ko sa hinaharap.” Mapait niyang wika at pilit na ngumiti kayna Aine at Bituin.
Kinabukasan ay maagang nagising si Janella. Tulog pa ang katabing si Bituin kaya naman dahan dahan itong bumaba ng kama para hindi magising si Bituin. She wear her robe at lumabas ng kwarto.
Tahimik sa paligid at mukhang siya palang ang gising kaya naman nagtungo siya sa kusina para maghanda ng agahan. She cooked fried ham, egg and fried rice. Kaunti lang din naman kasi ang laman ng ref. She brewed coffee at binitbit ang tasa sa lanai para lumanghap ng sariwang hangin. Malakas ang hampas ng hangin at halos liparin ang roba nito kaya naman niyakap niya ang sarili gamit ang kaliwang kamay.
She’s enjoying the view and the sunrise. Huminga ito ng malalim saka ngumiti.
“It’s a new beginning.” Sambit niya.
“Yeah. Today is a new beginning.” Rinig niya mula sa kanyang likuran. Halos napapitlag ito sa gulat.
“Luan” Sambit niya ng lingunin niya ito.
He is standing behind him, crossing his arms at seryosong nakatitig kay Janella. He kept questioning himself. How can someone literally look so beautiful? Her beauty needed appreciation.
“How’s your sleep?” Baritono nitong tanong.
Ngumiti si Janella at umiwas ng tingin. May takot pa rin itong nararamdaman kay Luan dahil simula ng makilala niya ito at puro panganib ang inaabot niya.
“I want to say that it was good.” Malungkot itong ngumiti at bumaling kay Luan.
“I-I’m sorry.” Aniya at bakas sa mukha nito ang sensiredad. Hindi sumagot si Janella dahil hindi naman niya alam ang isasagot. Muli itong humarap sa dagat at humigop ng kape. “Pangako. Hindi ko na muling ilalagay ang buhay mo sa panganib.” Dugtong nito.
Gustong matuwa ni Janella pero hindi niya magawa dahil alam niyang imposible itong mangyari ngayon. Isa pa ay iniisip niya na kaya lang ito nasabi ni Luan dahil sa kapangyarihan ng kanyang ina na nasa kanya.
“Good morning!” Bati ni Santelmo. Ngumisi ito kay Luan ng makalampas sa kanya at saka tumigil sa tabi ni Janella. “Hey beautiful! Magandang umaga.” Bati niya sa dalaga.
“Magandang umaga Santy.” Bati ni Janella. Naging malapit sila simula pa kahapon noong nag papractice sila kung paano magaya ni Santelmo si Janella.
“Santy?” Kunot noong ulit ni Luan sa tinawag ni Janella sa kanyang katabi. Pumwesto pa ito sa kabilang side ni Janella.
Ngumisi si Santelmo. “Why? It’s cute.” Aniya kay Luan. Luan scoffed at sarkastikong tumawa. “Uy ano yon?” Turo ni Santy sa dagat saka nito inagaw ang kape ni Janella at agad ininom.
“Mainit pa yan.” Saway ni Janella pero wala lang ito kay Santelmo.
“Sarap mo magtimpla ng kape huh? I’m sure Aine will surely like this.” Komento niya at patuloy sa paghigop ng kape.
“Hindi ka ba tinuruan ng amo mo ng magandang asal?” Saway ni Luan dahil nairita ito sa ginawa niyang pag-agaw ng kape ni Janella.
“Ikaw ba tinuruan?” Ganti nitong sagot saka ngumisi. Matalim naman itong tumingin kay Santelmo.
“Anong sabi mo?! Gusto mo pa bang mabuhay?” Malamig nyang wika. Napawi ang ngiti ni Santelmo at umiwas ng tingin.
“Okay lang naman Luan. Gusto mo bang ikuha rin kita ng kape?” Wika nito para maputol ang tensyon.
Hindi sumagot si Luan kaya naglakad si Janella upang ikuha si Luan ng kape ngunit umihip ng malakas ang hangin sanhi ng paglipad ng roba ng dalaga and now her sexy lingerie were exposed. Sa dibdib naman agad ni Janella dumapo ang mata ni Santelmo. Luan saw it so he used his power para isaboy ang hawak na kape sa mukha ni Santelmo saka ito lumapit sa dalaga para itakip ang suot niyang jacket.
“What the hell!” Reklamo ni Santelmo.
Nahihiya naman na tumunghay si Janella kay Luan. Namumula na rin ito na parang kamatis. “S-Salamat.” Nabubulol niyang wika.
Habang sa balcony ng kwarto ay nakamasid si Aine sa kanila. Ngumisi pa ito sa ginawa ni Luan kay Santelmo. Kanina pa sya nag eenjoy panoorin ang tatlo. Ramdam nitong may papalapit sa kanya pero hindi niya ito binigyang pansin.
“Have you seen my reason for waking up this morning?” Malakas niyang tanong sapat para marinig ng tatlo sa ibaba. Lumapit si Sol sa kapatid at sumilip sa ibaba. “Oh, there you are!” Nakangisi nitong turo kay Janella.
Nakatingala na ang tatlo sa kanya. Sumimangot naman si Luan ng makita siya. Inayos nito ang Jacket na ipinatong niya sa harapan ng dalaga at saka niya ito inalalayan papasok sa loob.
Sumenyas naman si Santelmo kay Sol… Pointing his thumb on his neck saka parang hiniwa ang leeg mouthing ‘Your dead’. Bumungisngis si Aine at Santelmo habang si Sol ay nag dirty finger dito.
“So what’s the plan now?” Putol ni Aine sa katahimikan habang kumakain ng agahan. Nagkibit balikat si Bituin habang patuloy sa paghihiwa ng kanyang ham. Ganoon din si Santelmo at Luan. Si Janella naman ay naghihintay ng may sasagot.
Pinagdaop ni Sol ang kanyang palad at tumingin kay Janella. “Bakit hindi nalang muna natin ienjoy itong Cuenco? What do you think Janella?” He smirked.
Tumingin ito kay Sol at ngumiti. “Oo naman. Pwede ko bang dalawin ang lola ko?” Sagot nito saka tumingin kay Luan na walang kibo. Hindi rin ito sumagot.
“Sure. Sasamahan kita.” Si Sol ang sumagot kaya bumaling sa kanya si Janella ng nakangiti.
“Sasama din ako. Memorize ko pa rin ang lines natin para kay Lola Estella.” Singit naman ni Santelmo dahilan ng halakhakan nila maliban kay Luan dahil nanatili itong seryoso sa pagkain.
“Well, kung ganoon ay sasama na rin ako. After that let’s Island hopping.” Si Aine.
Ngumiti si Bituin. “Call.” Sang ayon niya. Aine smirked at her.
“I have some extra swimsuits in my luggage. Isuot mo mamaya Janella.” Offer ni Aine. Hilaw naman na nakangiti si Janella dahil hindi naman ito mahilig sa ganoong mga damit. Yung sout nga niya kaninang lingerie ay napilitan lang siya.
“Oooohh.” Reaksyon ni Santelmo na para bang naeexcite makita si Janella na naka swimsuit kaya naman padabog na inilapag ni Luan ang kanyang kubyertos kasunod noon ay ang pagkasira ng kinauupuan ni Santelmo sanhi ng pagbagsak nito sa sahig.
Pagkatapos noon ay walang imik na naglakad palayo si Luan. Nagkatinginan nalang silang lahat na parang nagtatanungan kung anong nangyari. Tumayo si Santelmo at nag stretching habang natatawa sa nangyari.
“What is wrong with him?” Iritang sabi ni Aine.
“PMS” Ngumisi si Sol.
“Absolutely.” Sang-ayon ni Bituin saka sila nagtawanan.
Pagkatapos mag-agahan ay nag prepare na sila para sa kanilang island hopping pero gaya ng napag-usapan ay dadaan muna sila sa lola ni Janella. Suot ang maong shorts at plain white tshirt ay nagmamadaling bumaba ng hagdan si Janella dahil excited itong muling makita ang kanyang pinakamamahal na lola. Nakita niyang nakatayo si Luan sa harap ng main entrance at masuri siyang pinapanood. Ngumiti pa ito.
“Let’s go?” Seryoso ang boses nito. Nagtaka naman si Janella at lumingon sa paligid dahil baka siya nalang ang hinihintay ngunit sila pa lamang ang tao doon. Ang alam niya ay nasa taas pa si Bituin, maging sina Aine at Sol dahil narinig niya ang boses ng mga ito ng lumabas siya kanina ng kwarto.
“Huh?” Lito niyang reaksyon. Lumapit sa kanya si Luan at hinawakan sa palapulsuhan at hinila na palabas ng Villa.
“Teka. Saan ba tayo pupunta? Paano sina Sol?” Tanong pa nito pero hindi siya pinapakinggan ni Luan hanggang makapasok sila sa kanyang sasakyan. Pareho silang nagkabit ng seatbelt.
“Babalik na ba tayo ng Manila?” Malungkot nitong tanong sa binata.
“Gusto mo na ba?” Tanong nito at pinaharurot ang sasakyan. “I’m sure they will follow us.” Tukoy niya sa mga naiwan sa Villa. “Ako ang nagdala sayo dito so, you are my responsibility, Janella.” Wika niya. Naintindihan agad ito ni Janella kaya marahan itong tumango sapagkat naalala din niya na bayad siya ng isang milyon para samahan si Luan sa islang ito.
Malayo palang ay tanaw na ni Janella ang bahay ng kanyang lola at tanaw din nito na maraming tao sa kanilang kapitbahay na malapit sa kanila. Doon lang niya naalala na birthday ng kanyang ninang Lolit. Habang papalapit ang sasakyan ay naririnig niya ang maingay na videoke at sigurado siyang si Katkat ang kumakanta. Excited itong bumaba ng kotse pero agad din namang tumigil ng halos lahat ng tao ay nakatingin sa kanya o kay Luan? Hilaw itong ngumiti kay Katkat.
“Janella?” Tawag ni ninang lolit. Ngumiti naman agad siya. “Aba! Ang batang ito. Sino yang gwapo mong kasama? Boyfriend mo?” Sunod sunod na tanong ng kanyang ninang.
“Hindi po. Uhmmm… Ano po.” Hindi niya alam kung paano niya ba ito ipapakilala. Hindi naman kasi pwedeng sabihin na siya ang Diyos ng Buwan.
“I’m Luan.” Pakilala ni Luan. Awkward naman na ngumiti ang ninang ni Janella.
“Hello sir. Ako si Lolit. Ninang nitong magandang dalaga na kasama nyo.” Pakilala naman nito. “Ang lola mo Hija ay nasa loob ng bahay at kumakain ng pancit. Kakatapos lang maglaba ng matanda kanina.” Kwento pa nito. “Halina kayo at pumasok. Pagpasensyahan mo na Luan ang bahay namin dahil maliit lamang.” Anyaya nito sa dalawa na agad tumalima at sumunod.
Naupo si Luan sa kahoy na upuan habang si Janella naman ay nagtungo sa kusina kung nasaan ang kanyang lola. Wala ng kumakanta ngayon sa videoke dahil nasa bintana ang iba para silipin si Luan. Kinikilig naman ang iba kapag nginingitian sila ng binata.
“Hello.” Bati ni Katkat saka tumabi kay Luan. Hinawi pa nito ang takas niyang buhok. “Ako po si Katkat.” Nahihiya niyang pakilala. “Kayo na po ba ang boyfriend ni Ate Janella?” Kinikilig niyang tanong. Seryosong tumingin si Luan sa kanya saka kumunot ang noo.
“If you are referring to a male friend, then... I must be her boy friend.” Wala nitong emosyon na sagot. Ngumuso naman si katkat. Maya maya pa ay may tilian naman silang narinig mula sa labas kaya ang mga tao naman sa loob ng bahay ang lumabas.
Sakay ng pulang SUV ay bumaba si Sol, Aine, Bituin at Santelmo. Inaasahan na ni Luan ang pagdating nila kaya nakapamulsa itong lumabas para magpakita sa kanila.
“Akala ko doon ang bahay ng lola nya?” Maktol ni Aine kay Santelmo.
“Baka naiba na.” Tatawa tawang sagot ni Santelmo saka sila naunang maglakad ni Sol palapit kay Luan. Kumakaway naman si Aine sa mga taong nakangiti sa kanya.
“Ms. Aine. Pwede bang magpapicture?” Sigaw ng isa sa bisita.
“OMG! Si Star ba yon? Yung magaling kumanta? Idol ko yan!” Sigaw ni Katkat at nakatingin ito kay Bituin na may screen name na Star sa telebisyon at teatro kanyang kinabibilangan.
Pinagkaguluhan man ng iilang bisita ay matiwasay naman silang nakapasok sa bahay ni lola Estella dahil na rin sa kagustuhan ni Janella na doon na sila mag-usap para maging pribado ito. Paikot silang nakaupo sa lamesa ng kusina na para bang may magaganap na masinsinang pagpupulong gayong nais lang namang pormal na ipakilala ng dalaga ang mga Diyos at Diyosa niyang kasama. Ipinakilala ni Janella isa-isa ang mga ito at bakas sa mukha ng matanda ang labis na pagkabalisa at takot.
“Don’t worry Estella. Hindi namin ipapahamak ang apo ninyo.” Nakangiting turan ni Bituin dahil nababasa nito ang isip ng matanda. Hilaw na ngumiti ang lola ni Janella at huminga ng malalim.
“Luan won’t make it happen too and that’s for sure.” Sang-ayon ni Aine habang makahulugang tumingin kay Luan.
“Isali niyo pa itong si Sol.” turo ni Santelmo sa kanyang katabi saka ngumisi. Ngumiti naman si Sol sa Matanda.
“Marami pong salamat. Aasahan ko po iyan mga panginoon.” Yumuko ito bilang pag-galang. “Mahal na mahal ko ang aking apo kaya hindi kakayanin ng loob ko kung siya ay mawawala sa akin.” Naiiyak nitong dugtong.
“Lola.” Samo ni Janella habang hinahagod ang likod ng matanda. Nangingilid na rin ang mga luha nito.
“Patawarin nyo rin ako kung ninakaw ko ang gintong pangil ng bakunawa sa mga babaylan. Gusto ko lamang noon na dugtungan ang buhay ng aking apo. Tatanggapin ko ang kahit ano mang parusa na inyong ipapataw huwag lang ang buhay ng aking apo.” Tuluyan ng umiyak si Lola Estella at ganoon din si Janella.
“Patungkol dyan ay ang mga pinunong babaylan na ang dapat mong makausap. Wala kaming karapatang mag-parusa gayong hindi mo naman sa amin ito ginawa at isa pa naiintindihan namin ang iyong gustong ipahiwatig.” Mahinahong wika ni Bituin at hinawakan ang kamay ng matanda.
“Tama si Bituin. Makakaasa rin kayo na iingatan namin ang inyong apo.” Dugtong ni Luan. Santelmo smirked at sumulyap kay Sol na para bang nang-aasar kaya naman masama syang tiningnan nito at inirapan din pagkalaon. “Gaya ng sinabi ni Aine. Hindi ko hahayaan na mapahamak si Janella lalo pa at nasa kanya ang sampung porsyento ng kapangyarihan ng aking ina. Marami ang magtatangka sa kanyang buhay para makuha iyon sa oras na malaman nila ang tungkol dito at kung sino man ang mapangahas na gagawa noon ay hindi ako magdadalawang isip na kitilin ang kanilang buhay.” Dugtong pa nito kaya tumigil sa paghikbi ang matanda at lumuhod sa harapan ni Luan habang paulit ulit na nagpasalamat. Sumunod naman sa kanya si Janella para alalayan at pakalmahin ang kanyang lola.
Sa labas naman ng bahay ng matanda ay nandoon si Katkat at hindi sinasadyang mapakinggan ang mga pinag-usapan nila. Takot na takot itong napaatras sa likurang pinto ng bahay sanhi ng pagkakasalampak niya sa lupa. Agad sana itong tatayo ng may matipuno at matangkad na lalaki at kulay kayumanggi ang balat ang huminto sa kanyang harapan. Nag-angat ito ng tingin at halos mapaiyak asul na mata nito. Ngumiti sa kanya si Lambakod at naupo sa kanyang harapan.
“Hello Katkat.” Ngiti nitong bati. Mas lalong tumingkad ang kulay asul nitong mata. Nanginig naman sa takot ang batang si Katkat at halos hindi na makahinga sa kaba. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa. “Kakalimutan mo lahat ng mga narinig at nasaksihan mo sa loob ng bahay ni Estella. Uuwi ka sa inyong tahanan na parang walang nangyari. Hindi mo rin maaalala ang tagpong ito.” Wika ni Lambakod. Agad na naging tulala si Katkat at tumango tango sa mga utos ng nasa harapan niya. Para itong robot na tumayo at naglakad pabalik ng kanilang bahay. Lakambakod smirked and stood up then walked away.
Gaya ng napagkasunduan ay nag island hopping sila. Pang tatlong isla na nila itong huling pupuntahan nila at kanina pang mainit ang ulo ni Luan sa hindi malamang dahilan. Hindi nalang ito pinapansin ng mga kasamahan dahil noon pa man ay KJ na ito.
May dumating na mga babaylan at may dala itong mga prutas at buko juice. Bawat isla kasi ay may bantay na mga babaylan kaya naman napakaganda ng accomodation nila. Lahat sila ay kumakain ngayon ng mga pagkain na dala ng mga babaylan maliban kay Luan dahil nagpaiwan ito sa Yate. Hindi naman ito matiis ni Janella kaya dinalan nya ito. Nadatnan nya itong tahimik na nakaupo sa kama habang nakasandal ang likod sa headboard ng kama at busy sa pag iscroll ng kanyang cellphone.
“Uhm… Buko juice at prutas?” Alok nya. Hindi siya nito pinansin kaya inilapag nya ito sa gilid ng kama. Saglit niya itong pinagmasdan at nagbabakasakali na kakausapin sya ni Luan pero hindi man lamang siya nito tinapunan ng tingin kaya naman nagpasya na siyang lumabas para bumalik sa mga kasamahan.
“Woah! Buti lumabas ka sa lungga mo?” Kantyaw ni Sol at nakatingin silang lahat ngayon sa direksyon ng nilalakaran ni Janella. Nagtataka naman ito kaya lumingon sya sa kanyang likuran and there is Luan, walking behind him ng hindi man lamang nya naramdaman.
“Ganoon ba kalakas ang convincing powers ni Janella sayo?” Kantyaw naman ni Bituin at nakakalokang ngumiti.
Nakangiti ngayon si Janella kay Luan habang ang mga mata naman ni Luan ay nasa pinsan nya at ng mapansin nyang nakatingin si Janella sa kanya at tumingin na din ito. Kumunot ang noo nito at tinago ang mga kamay sa kanyang bulsa.
“Stop smiling at me.” Mahina nyang saway saka nag-iwas ng tingin. Agad naman na sumeryoso ang mukha ni Janella at lumapit pa kay Luan kaya muling napabalik ito ng tingin sa dalaga.
“Mabuti naman naisipan mo ng makisaya sa amin. Halika!” Aniya at hinila si Luan palapit sa mga kasamahan.