“Bait?” Naguguluhan na tanong ni Bituin. Lahat ay naghihintay sa paliwanag ni Luan.
“Nasa kanya ang gintong pangil ng Bakunawa, at alam nating lahat kung bakit siya may gintong pangil,” seryosong sagot ni Luan. Napanganga ngayon ang lahat sa rebelasyon ni Luan, at hindi naman sila maintindihan ni Janella.
“Naging ginto ang isa niyang pangil ng kainin niya si Mayari but how come that fang is now on that human?” Litong sabi ni Aine.
“That fang saved her life. May isang babaylan ang nakalaban ng Bakunawa dito sa lupa noon bago tayo ipatapon sa mundo ng mga tao. Naputol niya ang gintong pangil gamit ang kanyang espadang may orasyon. Ang pangil na iyon ang kahinaan ni Bakunawa, kaya naman naghanap ito ng bagong katawan para muling mabuhay. Gumamit siya ng katawan ng tao.” Kwento ni Luan.
“Are you saying this human is the new Bakunawa?” Turo ni Sol kay Janella. Paulit ulit naman na umiling si Janella at nagmakaawang huwag siyang sasaktan dahil hindi niya alam ang mga sinasabi ni Luan.
“Of Course not. My God Sol! Are you using your brain? Kung siya ang bagong bakunawa, do you think bubuhayin pa siya ni Luan?” Iritang sabi ni Bituin.
“Correct.” Sang-ayon ni Santelmo. Sol hissed at matalim na tumingin kay Santelmo.
“Dinurog ang gintong pangil at ipinainom kay Janella nung siya'y sanggol pa lamang at nag-aagaw-buhay. May isang babaylan lamang ang nakakaalam nito, at iyon ay si Estella,” patuloy ni Luan.
“Si lola?” Garalgal na sambit ni Janella.
“Oo, ninakaw ng lola mo ang gintong pangil ng bakunawa sa kaharian ni Aman Sinaya. Nasa katawan mo ngayon ang ilang kapangyarihan ng aking ina ngunit hindi mo ito magagamit dahil ikaw ay isang tao. Kapag nalaman ng mga babaylan na nasa iyo ang gintong pangil, magkaka gulo sila kung pagbabantaan ko ang iyong buhay. That fang is very precious to them.” Ani Luan na matalim ang tingin kay Janella.
“Kaya pala hindi tumatalab ang kapangyarihan namin sa kanya.” Manghang sabi ni Bituin.
“And I can’t read her mind.” Si Sol.
“How did you find out?” Litong tanong ni Aine.
“Pagkatapos ng nangyari noon sa Cuenco ay hinatid ko sa kanyang bahay si Janella and that’s how I met Estella. Aksidente kong nasagi ang balikat ng matanda and then I saw her past. Naputol iyon ng may taong dumating sa kanila kaya naman bumalik ako pagkatapos kong makausap si Azrael para muling basahin ang nakaraan ni Estella… and I saw everything.” Ani Luan habang binabalikan ang mga alaalang iyon sa kanyang utak. Napatango naman si Bituin habang nakikinig dahil pinagdugtong-dugtong na niya ang mga pangyayari sa kanyang isip.
“Do you think Aman Sinaya will confess if you threaten her life? Paano kung hindi?” Duda ni Aine.
“Then I will kill her.” Luan said with a deep, firm voice. Humagulgol ng iyak si Janella ng marinig ito.
“That’s bullshit!” Angil ni Sol. “You can't just kill her and I won’t let you do that, Assh0le!” Galit nitong sabi saka nag walkout at umakyat sa deck para makapag-isip.
“Tama si Kuya Sol. Hindi ka pwedeng basta na lang kumitil ng buhay ng tao.” Ani Aine. “Maybe there is another way.” Dagdag niya.
“If you have a better idea, then tell me?” Aniya at lumambot na ang ekspresyon ng mukha.
“Pag-isipan natin mamaya pagkarating sa cuenco.” Sagot naman ni Aine at sumunod kay Sol sa itaas.
Naglakad naman si Luan sa unahan ng yate para huminga at makapag-isip isip pa. Tinapik siya ni Santelmo at sumunod na rin kay Aine at Sol sa itaas. Bituin sighed at lumapit kay Janella to comfort her. Naawa ito kay Janella. Akala niya noong una ay interesado si Luan sa nilalang na ito ngunit iba pala ang pakay niya. She feel sorry at niyakap si Janella.
“Don’t worry. Sol is a man of his word.” Bulong niya. Tumango naman si Janella at nalilitong tumingin kay Bituin. “Well… I didn’t mean to say na tao si Sol. I just used that idiom because it’s best to describe his word.” Paliwanag niya at bahagyang natawa sa sarili.
Niyaya ni Bituin si Janella na magpahinga muna sa Cabin at para doon na din kumalma. Nang makarating sila sa Cuenco ay dumiretso na sila sa isang villa na binili ni Luan kamakailan lang. He already plan everything maging ang pagbili ng yate at villa. Malaki ang Villa na iyon at walang katabing bahayan. Nakaharap din ito sa dagat kaya naman napaganda ng lugar na iyon para magbakasyon, ngunit hindi iyon ang kanilang pakay.
Aligaga si Janella sa kanyang kwarto. Iniisip kung paano siya makakatakas. Ayaw pa niyang mamatay. Kailangan din niyang makausap ang kanyang lola para malaman kung totoo ba ang mga sinabi kanina ni Luan. Labas pasok ito sa banyo at nang mawalan ng pag-asa ay binuksan na niya ang pintuan ng balkonahe ng kanyang kwarto. Sumalubong sa kanya ang malamig na hangin na nagpakalma ng bahagya sa kanyang sistema. The view is so inviting…
“Janella.” Napatalon ito sa gulat ng marinig niya ang mahinang tawag ni Bituin. Huminga muna ito ng malalim bago niya ito lingunin. Gumuhit ang hilaw na ngiti sa kanyang labi. “I hope I didn’t disturb you, did I?” She was being so kind.
Umiling si Janella at nilaro ang mga kamay. She is tensed pero ayaw niya itong mahalata. “Hindi. W-Wala din naman akong ginagawa.” Sagot niya at umiwas ng tingin. Lumapit sa kanya si Bituin at pinisil ang kanyang braso.
“Can we talk?” Bituin asked and flashed a wide sweet smile but Janella answered her with a faint smile and faded quickly.
--
“Magandang hapon, Panginoong Luan.” Nakayukong bati ni Lakan Bakod.
“Maaari ko na bang makausap si Aman Sinaya?” Tanong nito habang nanatiling nakaupo sa kanyang sofa.
“Ipagpaumanhin nyo po Panginoong Luan ngunit mahigpit pa din na bilin ng Panginoong Aman Sinaya na huwag kayong papasukin sa kanyang kaharian.” sagot nito at nanatiling nakayuko.
“Kung ganoon… Iparating mo itong mensahe ko sa kanya at sa mga babaylan na nasasakupan niya... Hawak ko ang gintong pangil ng Bakunawa. Hihintayin ko siya sa tarangkahan ng kanyang kaharian, kung hindi siya magpakita ay kikitilin ko ang buhay ng nilalang na ito kung saan nakapaloob ang gintong pangil na matagal na nilang hinahanap.” He said with a deep voice and grinned widely. Namilog naman ang mga mata ni Lakambakod at nakatunghay kay Luan dahil sa pagkabigla.
Tatlong oras na ang nakalipas. Nag aagaw na ang liwanag at dilim. From his balcony ay tahimik na tumayo si Luan. Patungo ito sa kwarto ni Janella ng harangin siya ni Bituin.
“Hindi ka na ba mapipigilan?” Alalang tanong ni Bituin.
“Alam mong masamang magalit si Aman Sinaya.” Singit ni Aine. Nasa likuran ito ni Luan.
“Get out of my way, Bituin.” Utos niya na may kasamang pagbabanta sa boses. Bahagyang gumilid si Bituin para bigyan ng access si Luan patungo sa kwarto ni Janella.
“If you kill her… Maaaring parusahan ka nila.” Ani Bituin. Kilala niya si Luan na walang kinatatakutan maging ang mga kataas taasang Diyos. Gagawin niya ang alam niyang tama para sa kanya whatever it takes. Hindi siya pinakinggan ni Luan at nagpatuloy sa pagpasok sa kwarto ni Janella.
“Let’s go.” Determinadong bigkas ni Luan.
Tahimik na nakaupo si Janella sa coffee table na nakaharap sa malaking bintana. She’s crying but stops when she hears Luan’s voice. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at huminga ng malalim bago ito tumayo upang harapin ang binata.
“P-Pwede ko bang makita si Lola bago tayo pumunta kay Aman Sinaya?” Aniya at halos pabulong na ito.
“Matatagalan tayo kung-”
“Sige na? Please? Kahit hindi na ako magpakita kay lola. Okay na sa akin na makita ko lang siya.” Pag mamakaawa nito habang palapit na kumapit sa braso ni Luan. Dahan dahan din naman niya itong inalis ng mapansin niya ang masamang titig ni Luan sa mga kamay niya.
Umiiyak na pinagmamasdan ni Janella ang kanyang lola na nagluluto ng hapunan sa abuhan. Hindi siya sigurado kung ito na ba ang huli niyang makikita ang pinakamamahal na Lola. Bata palang siya ay ang Lola Estela na niya ang tumayong mga magulang niya nang pumanaw ang kanyang ama’t ina. Sobrang mahal niya ito at gagawin niya ang lahat mabigyan lang ng maginhawang buhay ang matanda. Lahat ng masasayang alaala at sakripisyo ng kanyang lola ay bumalik sa alaala niya na labis na nagpaiyak kay Janella.
“We have to go.” Malamig na sabi ni Luan. Nakatalikod ito kay Janella dahil ayaw niyang makitang umiiyak ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit pero may parte sa kanya na nasasaktan din siya.
Kinalas ni Janella ang suot na silver necklace na may pendant na crescent moon. Humarap ito kay Luan at iniabot iyon.
“K-Kung sakaling ito na yung huling araw ko… P-Pwede mo ba itong ibigay kay Lola? Pakisabi na rin na maraming salamat sa mga naging sakripisyo niya para sa akin. Napakaswerte ko dahil siya ang naging lola ko. M-Mahal na mahal ko si Lola…” Hikbi niya. “P-patawad kung hindi ko na matutupad yung mga ipinangako ko sa kanya at patawad kung naging maikli ang aking buh-”
“Enough.” Putol ni Luan kay Janella. Naaalala niya ang kanyang yumaong ina. Sana ay nagawa din niyang sabihin ang huling paalam niya sa kanyang ina. Mariin itong tumingin kay Janella. “Sinasabi mo ba ang mga yan dahil iniisip mong baka maawa ako upang huwag ko ng ituloy ang mga binabalak ko?” He said and mischievously smiled. “Pwes nagkakamali ka.” Dagdag niya saka hinawi ang kamay ni Janella sanhi ng pagtalsik ng hawak nitong kwintas. Hinawakan niya ito sa palapulsuhan at naglaho na parang bula.
Nasa tarangkahan na ng kaharian ni Aman Sinaya ang dalawa. Gaya ng inaasahan ni Luan ay hindi niya magawang pumasok sa loob dahil sa barrier na ginawa ni Aman Sinaya. Sa galit ni Luan dahil walang tumagpo sa kanya ay pinaulanan niya ng asul na apoy ang barrier ilang saglit lang ay lumitaw ang matandang punong babaylan. May kulay puti at mahabang buhok at ganun din ang kanyang balbas at bigote. Mahigpit itong kumapit sa kanyang kahoy na tungkod at yumuko para magbigay galang kay Luan.
“Paumanhin po Panginoong Luan ngunit nasa kaluwalhatian pa din si Panginoong Aman Sinaya.” Aniya at sumilay kay Janella. “Sino po ang iyong kasama?” taka nitong tanong.
“Nasa katawan ng babaeng iyan ang gintong pangil ng bakunawa at kung hindi ko makakausap ngayon si Aman Sinaya ay papaslangin ko ang taong iyon!” Mariin nitong banta. Napaatras si Janella sa takot. Muling tumingin ang matandang babaylan kay Janella saka pumikit.
“Ngunit nagsasabi ako ng totoo. Wala dito ang-”
Hindi naituloy ang sasabihin ng matandang babaylan ng palutangin ni Luan si Janella sa ere. May asul na ilaw ang pumulupot sa leeg ng dalaga kaya naman bahagya itong nahirapan huminga. Malubay pa iyon at handang sikipan ni Luan kapag hindi siya pinagbigyan sa gusto niya.
“Huminahon po kayo panginoong Luan.” Kinakabahan na sabi ng matanda. May dalawa pang babaylan ang lumitaw at may binulong sa kanilang pinuno. Pagkatapos noon ay naglakad pauna ang babaeng babaylan na may matikas na pangangatawan.
“Magandang gabi Panginoong Luan. Nais iparating ng aming panginoong Aman Sinaya na oras na may dumanak na dugo dito sa kanyang nasasakupan ay isang pag aaklas ang magaganap laban sa panginoon ng buwan.” She bravely said at mariin ang mga titig kay Luan. Walang kisap mata na kumilos si Luan palapit sa babaeng babaylan at hawak na nito ngayon ang leeg ng dalaga. Nagbago ang kulay ng mga mata ni Luan. Mula sa itim na kulay ay naging kakulay na nito ang buwan. He’s glaring at the young babaylan.
“Akala nyo ba ay matatakot nyo ako?” He groaned. Walang kahirap hirap niyang inangat ang babaylan saka umapoy ang kanyang kaliwang kamay.
“Luan!” Awat ni Bituin.
Tila bingi si Luan at inihagis ang babaylan. Tumama ito sa puno at mukhang malakas ang pagkakatalsik niya kaya naman nawalan ito ng malay. Tumakbo papasok ang isa pang babaylan sa barries habang lumuhod naman ang matandang babaylan para makiusap na tumigil na. Mas humigpit ang nasa leeg ni Janella kaya napaiyak ito sa sakit. Marahan na naglakad si Luan palapit sa matandang babaylan at inangat niya ito hawak sa leeg.
“Papaslangin ko ang matandang ito kung hindi mo sasabihin sa akin ang kinaroroonan ng bagong bakunawa!” Sigaw niya at alam niyang naririnig siya ni Aman Sinaya. Bakas sa mukha ng matanda ang hirap sa paghinga ng diniinan pa lalo ni Luan ang kapit sa leeg ng matanda ganun din ang kay Janella.
“Tama na Luan!” Sigaw ni Bituin.
Isang malakas na liwanag ang sumambulat sa kapaligiran. Kasunod noon ay ang mabilis na pagtalsik ni Luan sa lupa. Nagtamo ito ng galos na mabilis ding naghilom. Nanlilisik nitong ibinalik ang tingin sa pinagmulan ng liwanag at nakita niya ang babaeng may malaking kulay asul na korona. Si Aman Sinaya, glaring at him.
“Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko, Luan!” Galit niyang sigaw. Sa kanyang gilid ay ang matandang babaylan na kakatayo lang mula sa pagkakalagpak kanina noong tumalsik si Luan.
Luan smirked. Tumayo siya pinapatunog ang mga buto sa leeg. “You know why I am here.” Aniya at tumingala. Kasunod noon ang hinagpis ni Janella.
“Tumigil kana Luan!” Si Sol na bigla nalang lumitaw malapit sa kinatatayuan ni Bituin.
“Hindi ako titigil hanggat hindi mo sinasabi ang kinaroroonan ng bagong bakunawa.” He hissed glaring at Aman Sinaya. Lumabas ang mga asul na apoy sa kamay ni Luan at binawasan ang gravity sa paligid. Nanlilisik ang mga mata nitong tinanaw si Janella.
“Don’t make me lose my patience. I can kill what is precious to your babaylan.” Banta pa nito. Imbes na matakot si Aman Sinaya ay ngumiti ito ng nakakaloko.
“Gawin mo!” Seryoso nitong sagot at pati ang mga nandoon ay nagtaka sa itinuran ni Aman Sinaya. “Patayin mo sya.” She laughed evilly. Tila nakakabinging tawa ang ginawa ni Aman Sinaya kaya naman walang pag aalinlangan na binato ni Luan ang mga naipong asul na apoy sa kamay niya. Malakas na liwanag ang sumabog sa paligid at pagkatapos noon ay nawala si Janella. Napaupo si Bituin sa lupa dahil hindi makapaniwala sa ginawa ng pinsan. Patuloy na tumawa si Aman Sinaya na ipinagtaka ng lahat.
“Ang pagpatay sa babaeng iyon ang matindi mong kaparusahan at tiyak na pagsisisihan mo buong buhay.” Patuloy nito. Kumunot ang noo ni Luan at litong tumingin kay Aman Sinaya dahil hindi niya ito naintindihan. Hindi na rin nito napansin ang mabilisang paglapit sa kanya nito. The next thing he knew ay nakalutang na siya sa lupa at hawak hawak na ni Aman Sinaya ang kanyang leeg. “Napakatigas talaga ng ulo mo. Nagmana ka talaga sa aking kapatid na si Mayari.” Wika nito saka inihagis si Luan. Bumagsak ito sa lupa kaya matalim itong tumingin kay Aman Sinaya at nagbabadyang sumugod muli.
“Palalampasin ko ang kalapastanganan na ginawa mo sakin, pamangkin, ngunit ito na ang una at huli.” Wika ni Aman Sinaya. Nakangiti itong sumulyap kay Aine at Bituin saka marahang tumango. Muli siyang tumingin kay Luan. “Luan, totoong hindi ko alam kung nasaan o kung sino ang bagong bakunawa. Mukhang pinag planuhan niya itong mabuti dahil maging si Amang Bathala ay hindi alam ang kanyang kinaroroonan. Nais kong hanapin ninyo ang Bakunawa bilang bagong misyon dahil isa din ito sa dahilan kung bakit hindi pa kayo maaaring bumalik sa kaluwalhatian.” pahayag nito at mataman na pinakinggan ng lahat.
“Paano namin makikilala ang bakunawa kung nagkatawang tao ito?” Tanong ni Luan na ngayon ay nakabangon na mula sa pagkakabagsak sa lupa ng ihagis siya ni Aman Sinaya.
“Kahinaan ng Bakunawa ang maiingay na instrumentong gawa sa bakal. Labis na sakit ang mararamdaman niya oras na makarinig siya ng ganoong ingay. Maaari ninyong hiramin ang sinaunang gangsa ng mga katutubong Aeta. Lalabas ang tunay na anyo ng bakunawa kapag narinig niya ang ingay ng mga gangsa. Mabisa itong gawin kung kabilugan ng buwan, ngunit mag ingat kayo dahil labis na mapanlinlang at gahaman ang bakunawa.” Aniya at ngumiti sa kanyang mga pamangkin. “Luan, ingatan mo si Janella dahil maaring siya ang maging kalakasan o kahinaan ng Bakunawa. Hanggang sa muli.” Naglaho ito at muling dumilim ang paligid pagkatapos niyang sabihin ang huling mensahe. Lalong kumunot ang noo ni Luan dahil paano niyang iingatan si Janella kung napaslang na niya ito kanina? Muli niyang tiningnan ang lugar kung saan bumagsak ang nag aapoy na katawan ng dalaga at laking gulat niya ng si Santelmo ang nakita. Hawak hawak ang leeg nito at tila iniinda ang sakit sa kanyang leeg habang naglalakad palapit sa kanila.
“Ayos ka lang ba?” Alalang salubong ni Aine. Hinawi niya ang kamay ni Santelmo sa kanyang leeg at kitang kita niyang namumula ito kaya naman masama itong tumingin kay Luan na ngayon ay naguguluhan na sa nangyayari.
“Nasaan si Janella?” Malamig nitong tanong. Lumapit sa kanya si Bituin at tinapik ang balikat.
“I’m sorry to say but we planned it all along. Alam namin na hindi ka mag aalinlangan na patayin si Janella kaya naman napagkasunduan namin na magbalat kayo si Santelmo dahil alam namin na hindi niya ikamamatay ang apoy mo.” Paliwanag ni Bituin.
“Akala ko ay katapusan ko na kanina.” Reklamo ni Santelmo na bakas ang sakit na nararamdaman sa kanyang leeg.
“Ibig sabihin ay ikaw ang kasama ko mula pa kanina?” Irita nitong lingon kay Santelmo na agad tumango at ngumisi bilang sagot. “Kung ganoon nasaan si Janella?” Muli niyang tanong.
“Nasa tribo ng mga babaylan kasama si Sol.” Si Aine ang sumagot. Kunot noo itong tumingin kay Aine na parang hindi makapaniwala sa narinig. Isa pa ay kanina lang ay kasama nila si Sol. “Doon namin siya itinago. Maaaring nasuri na siya ng mga babaylan kaya nasabi ni Aman Sinaya na... she might be the weakness or strength of the Bakunawa.” Dagdag nito ng mabasa ni Aine kung para saan ang masamang titig ni Luan.
Nagtungo sila sa tribo ng mga babaylan para sunduin si Janella. Naabutan nilang nagkakasiyahan doon. Nakabihis si Janella ng katulad ng sa mga babaylan at magiliw na sumasabay sa tradisyonal na sayaw ng mga ito. Sumasayaw sila paikot sa bonfire. Ang lahat ay yumuko ng nakita nila sina Luan upang magbigay galang. Mainit silang sinalubong ng mga babaylan at inanyayahan na sumali sa kanilang kasiyahan.
“Maaari mo bang gamutin ang sugat ni Santelmo?” Tanong ni Aine sa punong babaylan. Ngumiti ito at tumango saka sinuri ang sugat ng binata.
“Halika at sumunod po kayo sa akin.” Wika ng punong babaylan at naglakad patungo sa isang malaking bahay kubo. Sumama si Aine kay Santelmo habang dinumog naman ng mga bata si Bituin dahil nagpasabog ito ng mumunting liwanag sa paligid.
Mag-isa si Luan na nakatayo sa hindi kalayuan kung saan ginanap ang kasiyahan. Pinapanood niya ang dalaga. He feels so weird when her sweet smile brings peace for him and it makes him smile too. Muntik ng matumba si Janella ng mapatid ito ng isa sa babaylan na sumasayaw din, mabuti nalang at maagap siyang nasalo ni Sol at iniwas ito sa nagbabagang apoy na dapat ay babagsakan niya. Luan frowned as he saw what just happened. Parang may kung ano siyang naramdaman na hindi niya nagustuhan. Naiinis siya pero hindi niya alam kung para saan. Marahil ay dahil kay Sol na matagal na niyang nakasamaan ng loob simula ng ipatapon sila sa mundo ng mga tao.
“Hey!” Tawag ni Bituin sa kanya “Let’s join them.” Anyaya nito sa akin at pilit itong hinila dahil alam niyang hindi naman ito papayag. “Pwede ba kaming sumali?” Tanong ni Bituin sa mga nag uumpukan. Lahat sila ay nakangiting pumayag, may mga ilan na yumuko bilang paggalang at may ilan na sumesenyas na sumali sila sa pagsayaw.
Nagkaroon ng salo salo. Marami ang inihanda ng mga babaylan para sa mga Diyos na bisita. May bukod silang lamesa na tanging sila lang ang nandoon at kabilang sa mesang iyon si Janella. Magkatabi si Janella at Santelmo, sa kaliwa naman nito ay si Sol dahil ayaw nitong makatabi si Luan.
“Masarap itong inihaw na manok nila.” Wika ni Bituin. Sumang ayon naman sila maliban kay Luan na tahimik lamang.
“Pasensya na Santelmo ha? Nang dahil sa akin ay nagtamo ka ng sugat.” Pag-iiba ni Janella sa usapan ng makita nito ang bendang nakapaikot sa leeg ng binata na may tapal ng herbal na dahon.
“No problem.” Kumindat pa ito.
“Natatawa pa rin ako kapag naiisip ko yung pag eensayo mo sa panggagaya kay Janella. Mukha kang trying hard.” Tawang sabi ni Bituin.
“Huwag kang tumawa. Napakahaba ng script na sinaulo ko kanina. Ang hirap umiyak. Mabuti na lang at magaling ang coach ko.” Tukoy nito kay Aine. Ngumiti naman ang dalaga nag wave na para bang nasa isang presscon.
“Convincing naman hindi ba Luan?” Biro ni Sol.
“Shut up!” Inis niyang sagot tila nawalan ng ganang kumain.
Tinapik ito ni bituin sa likod. “Relax. We did it for your own good… and they are concerned for you, kaya nga sila nandito e.” Aniya at ngumisi ng makita ang pag yuck ni Sol ng walang tunog.
Nagpatuloy ang biruan nila habang kumakain ng masarap na hapunan. Nang mapagpasyahang umuwi ay inihatid sila ng punung babaylan sa labas ng kanila tribo. Napagkasunduan naman nila ang maglakad lakad muna sa kagubatan para ma explore na rin ang gubat kung saan napiling mamalagi ni Aman Sinaya. Dahil tao lang naman si Janella ay takot na takot ito at halos sumiksik na kay Bituin.
“Huwag kang matakot.” Wika ni Bituin. Pilit naman na ngumiti si Janella kahit kinakabahan pa din lalo na at papalapit sila sa kinatatakutan niyang kweba. May malakas na hangin ang sa kanilay sumalubong na labis na ikinatindig ng balahibo ng dalaga. Kasunod noon ay ang malakas na ingay mula sa kakahuyan. Naging alerto ang lahat dahil sa kakaibang ingay ang papalapit sa kanila. Malakas naman na tili ang ginawa ni Janella dahil sa gulat ng biglang may lumabas na ibon na kulay itim at asul. Kumapit ito sa braso ni Luan.
“Tigmamanukan?” Kunot noong sambit ni Aine at nagkatinginan ang mga ito. Maliban kay Janella na nakasubsob sa braso ni Luan.
Nahuhuli sa paglalakad si Luan at Janella dahil halos kakarampot lang ang ginagawang hakbang ng dalaga dahil sa takot. Nanatili itong nakakapit sa braso ni Luan. Irita itong tumingin sa dalaga dahil labis na itong nababagalan.
“H-Hindi ba pwedeng mag teleport nalang?” Naiiyak na tanong ni Janella.
“May titingnan lang kami doon.” Lingon ni Santelmo habang nakaturo sa kweba. Namilog naman ang mga mata ni Janella at napailing.
“Yah! I feel the bad energy in that place. Ang sangsang din ng amoy.” Wika ni Aine.
Suminghot si Janella at wala naman itong naamoy na masangsang. Ang natural na amoy ng lupa at mga puno lang ang naamoy niya. Muling may kakaibang ingay sa paligid at ngayon ay paikot ikot ito sa kanila.
“Hindi ba kapag may tigmamanukan ay dapat huwag ng tumuloy sa dapat pupuntahan?” Nanginginig ang boses na wika ni Janella.
“Yes. It’s an omen. Pero hindi kami tao Janella.” Paalala ni Bituin.
“Bukas nyo na lang puntahan yan. Mukhang takot na takot na itong si Janella.” Ani Sol na patuloy pa rin na nakikiramdam sa paligid. Lalo na sa nakakatakot na ingay na umiikot sa paligid.
“Lumabas kana! Hindi kami nakikipag biruan!” Sigaw ni Luan.
“Aaaaaaaaaahhh!!” Malakas na hiyaw ang umalingawngaw sa paligid. Napakabilis ng pangyayari dahil wala na si Janella sa tabi ni Luan.