NAGKATINGINAN sina Fred at Kyle at sabay silang tumango. Alam nila na iisa lang ang nasa utak nila ng sandaling iyon- ang pasukin ang bahay ng babaeng maaaring si Luna. Sinenyasan ni Fred si Kyle na sumunod ito sa kanya. Umalis na sila sa pagkakasilip sa bintana at kumatok sa pinto. Agad naman iyong bumukas ngunit ganoon na lang ang pagtataka nila dahil wala silang nakitang tao na nagbukas. Muli silang nagkatinginan at naunan nang pumasok si Fred na sinundan agad ni Kyle. “'Asan na iyong babae?” Nagtatakang tanong ni Kyle. “Ako ba ang hinahanap niyo?” Kapwa sila nagulat nang isang babae ang magsalita mula sa likuran nila kasabay ng pagsara ng pinto. Paglingon nila ay para silang tinakasan ng dugo sa sobrang pamumutla at panlalamig nang makaharap na nila ang sinusundang babae. Tama nga

