PINAGPAPAWISAN na napabalikwas ng gising si Luna nang madaling araw na iyon. Humihingal na naitukod niya ang dalawang kamay sa kanyang gilid habang nakayuko at bahagyang nanlalaki ang mga mata. Nanaginip siya. Ah, hindi iyon isang panaginip kundi isang bangungot! Naglalakad daw siya sa isang kalsada na hindi pamilyar sa kanya. May tumawag daw sa kanyang pangalan at paglingon niya ay nakita niya ang kanyang tatay. Akmang lalapit siya dito nang isang malaking kamay ang kumuha dito at dinurog ito! Nagkapira-piraso ang katawan nito at natalsikan pa siya ng dugo nito sa kanyang mukha. Doon na siya nagising. Gusto sana niyang tawagan ang nanay at tatay niya upang masiguro kung okay lang ang mga ito pero wala nga pala siyang cellphone dahil sinira na niya. Kinalma muna ni Luna ang kanyang saril

