LIVE 10

1226 Words

KINABUKASAN ay nagulat si Luna nang biglang bumulaga ang nanay niya sa bahay ni Tiyang Magda. Pugto ang mga mata nito na bahagyang nangangalumata pa. Halatang kulang ito sa tulog. Sa pagkakakita pa lang niya sa hitsura ng ina ay alam niyang may hindi magandang nangyari. Tanghali at kapag ganoong oras ay nasa kwarto si Tiyang Magda at natutulog kaya siya lang ang humarap sa kanyang nanay. Pinaupo niya agad ito at ikinuha ng tubig sa kusina. Nang maubos nito ang tubig sa baso ay saka lang niya ito kinausap. “'Nay, bakit po kayo nandito? At bakit po parang umiyak kayo?” Nababahalang tanong ni Luna. Hindi agad ito nakasagot dahil inunahan ito nang pag-iyak. Halos madurog ang puso ni Luna nang makita niyang umiiyak ang kanyang nanay kaya naman kahit hindi pa niya batid ang dahilan ng pagkak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD