“Malapit na ‘to, Mama. Huwag ka munang gagalaw,” bilin ni Alexis habang maingat na inaayos ang buhok ng kanyang ina sa half-up style na gusto niya. Ang mga kulot ay nagbigay ng konting texture at flair para hindi mukhang sobrang simple. “Okay na ba ‘yan?” Tumingin-tingin si Ava sa salamin, sinusuri ang itsura niya. Maganda ang pagkakagawa ni Alexis. Pantay ang dalawang sections ng buhok at pulido ang pagkakatali sa likod, kahit ginawa lang niya ito sa pakiramdam. “Lexi, ang galing mo. Hindi ko alam kung saan mo natutunan ‘to.” Nagkibit-balikat lang si Alexis. Hilig talaga niya ang mag-ayos ng buhok, lalo na sa mga kaibigan niya. Para sa kanya, hindi ito big deal. “Okay,” sabi ni Ava habang tumayo at hinarap ang kama kung saan naglalaro sina Sean at Theo sa kanilang mga cell

