“So… Ano'ng iniisip mo ngayong alam mo na ang tungkol kay Papa?” tanong ni Sean habang nakahiga si Theo sa paanan ng kama ni Alexis. Kanina, ipinakita ng mayordomo ang mga silid nila nang walang kahit anong tanong kung sino sila o bakit biglang may apat na taong iniuwi ang amo niya. Binigyan sila ng kanya-kanyang kwarto noong una, pero nang hilingin nina Sean at Theo na magsama sila sa iisang silid, tumango lang ang matanda at sinabing aayusin daw niya ito agad. Ilang oras lang ang lumipas, naayos na ang silid na may dalawang malalaking kama na at inayos rin ang mga gamit para magkasya lahat. Inilipat din ang mga mesa at upuan para hindi masikip. Hindi mukhang minadali ang ayos. Magkabilaan ang mga kama, may sariling study table bawat isa. Sa isang sulok naman, may maliit na mesa kung

