Gumalaw si Ava. Mainit at komportable ang pakiramdam ng kanyang katawan, pero medyo mabigat ito kaya kinailangan niyang gumalaw. Pumikit siya habang unti-unting pumapasok sa isip niya ang itsura ng kwarto. Parang may kakaiba. Nagbago ba ang pwesto ng mga bintana? Hindi niya masabi, lalo’t natatakpan ang mga ito ng makakapal at mahahabang kurtina. Pero higit sa lahat, iba ang bedsheet. Tanda niya, kulay maroon ang kumot niya. Pero ngayon, kulay abo at itim ang nakatakip sa kanya. Kailan pa ‘to…? Sandali… nawala sa isip niya hanggang sa rumagasa ang mga alaala, parang alon na hindi mapigilan. Totoo ba ‘tong lahat? Bigla siyang nanigas sa pagkakahiga nang tuluyan siyang magising. May isang braso ang mahigpit na nakayakap sa kanyang baywang, hinahatak siya palapit sa isang mainit at ma

