bc

Sherin's Own Fairytale [Tagalog]

book_age0+
6.6K
FOLLOW
43.9K
READ
possessive
contract marriage
one-night stand
escape while being pregnant
arranged marriage
arrogant
drama
tragedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Sherin met TJ at the wrong time. Kakalibing lang ng nagpakamatay niyang ama na iniwan silang lubog na lubog sa utang at nanganganib pang mawala sa kanila ang kanilang kompanya. She was very depressed and hopeless when he met her for the first time and offered her his handkerchief. Ang buong akala niya, kaibigan lang ito na handang damayan siya but she was wrong. She fell in love with him and he fell for her, too. Iyon nga lang, nakatakda na siyang magpakasal sa iba kung gusto pa nilang maisalba ang kompanya nila. Kailangan niyang mamili sa pagitan ni TJ at ng kompanyang pinaghirapang itayo ng Daddy at ng Lola niya. And she chose to be a good daughter, turned down his wedding proposal and left him with a broken heart. Ang akala niya, kapag isinakripisyo niya ang kaligayahan niya ay magiging okay rin ang lahat pero ang hindi niya inaasahan ay iyon pala ang magiging dahilan ng lalo niyang paghihirap.

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE Hanggang bakuran na lang ng magara nilang mansiyon si Sherin dahil tuluyan na siyang napako sa kinatatayuan habang nakikita ang dalawang kalalakihang naka-itim na uniporme na may buhat-buhat na stretcher palabas ng bahay. Kasunod ng mga ito ang isa pang lalaki na may hawak na transparent na plastic bag kung saan may nakasilid na isang baril. Ipinasok ng mga ito ang stretcher sa loob ng ambulansiya at nakita niya ang Lola Celeste niya na halos himatayin sa pag-iyak habang inaalalayan ng kanilang mayordoma. “Lola, ano'ng nangyayari? A-ano'ng nangyayari?” tanong niya sa kabila ng panginginig ng katawan. “Sherin, apo.” Nilapitan siya ng Lola niya at niyakap nang mahigpit. “Lola, bakit may ambulansiya at mga pulis? Ano'ng nangyayari? Nasaan si Dad?” “Wala na si Sebastian, apo. Wala na ang Daddy mo,” mapait na sabi nito at nilakasan ang pag-iyak. Malakas siyang napasinghap. “I-imposible po 'yang sinasabi niyo...hindi po patay ang Daddy ko. Nangako siyang hindi niya 'ko iiwan. Hindi, hindi!” Natutop niya ang bibig at humagulgol ng iyak. “Hindi pa patay ang Daddy ko, Lola. Nangako siya sa 'kin, 'di ba?” “Sherin, iniwan na niya tayo.” “Hindi!” Tuluyan na siyang nabuwal sa kinatatayuan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.8K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook