XI.

2991 Words
CHAPTER ELEVEN SHERIN SIGHED in relief matapos lagyan ng check ang pangalan ng panghuling guest na pinadalhan niya ng invitation para sa gaganaping party sa kompanya tatlong araw mula sa mga sandaling iyon. TJ told her she has to make sure na mapapadalhan lahat ng mga nasa listahan at kailangan din niyang i-follow up kung makakarating ang mga ito. Gaganapin daw ang party na iyon para i-celebrate ang pagti-take over ni TJ sa kompanyang dating kanila. She can't deny na matalinong negosyante ang binata pero alam niyang kung nabubuhay lang ang Dad at ang Lola niya ay nalulungkot na ang mga ito dahil sa pagkawala sa kanila ng kompanyang matagal na itinaguyod ng mga ito. Napaayos siya ng apo at sinapo ang likod. Kanina pa siya nakaupo at tingin niya ay mag-aapoy na ang pang-upo niya ilang sandali na lang. “Tapos ka na ba diyan?” tanong sa kanya ni TJ. Nang tingnan niya ang binata sa mesa nito ay napakaseryoso ng mukha nito habang nakatutok ang atensiyon sa laptop. Unti-unti na siyang nasasanay sa ganoong side ni TJ at para sa kanya ay lalo lang iyong nakadagdag sa charm nito although mas prefer pa rin niya na palagi itong ngumingiti katulad noong 'sila' pa. “Miss Falcon?” Saka lang siya natauhan nang makitang sa kanya na nakatingin si TJ. Dahil siguro sa hindi niya pagtugon agad. “Um, kwan, okay na po, Sir. Napadala ko na lahat ng invitations,” sagot niyang napa-adjust sa suot na salamin. Dahil palagi na siyang haharap sa computer ay kinailangan na niyang magsuot niyon para hindi masira ang mata niya sa exposure. “Good. I want you to email this proposal to the four shareholders now.” Tumayo naman siya at lumapit dito. Nararamdaman pa rin niya ang pag-iinit ng pang-upo niya. “Did you lose weight?” Nagulat siya sa tanong nito dahilan upang mapatitig siya dito. “Um, mukhang hindi naman,” sagot naman niyang nagbaba ng tingin at napatitig sa mga palad. Bakit naman nito napansin iyon eh kahit na siya ay hindi na nababantayan ang katawan simula nang magbago na ang lifestyle niya? “Here.” Tahimik niyang tinanggap ang flash drive at bumalik sa table niya. Nagkakamali ka kung iniisip mong nag-aalala pa rin siya sa'yo, okay?, sabi naman niya sa sarili. Hindi na sila katulad ng dati. Boss na niya ito at siya naman ay isa na lang hamak na empleyado. Imposible nang magkaroon pa ng chance na bumalik sila sa dati kahit na anong asa niya. Mayroon nang Katrina sa buhay nito ngayon. Noong isang araw lang ay nakita na niya ang maswerteng babaeng iyon. Dinalaw nito si TJ sa opisina nito at ang lambing ng mga ito sa isa't-isa. Pakiramdam niya noon ay biglang sumikip ang opisina para sa kanilang tatlo. Talagang napakaganda ng Katrina na iyon na anak ng isang hotel tycoon. Iyon ang unang pagkakataon sa buong buhay niya na nakaramdam siya ng insecurity at lalo na ng selos. KAHIT HINDI pa nagsisimula ang party ay nangangalay na ang mga paa niya kakaparoo't parito upang tumulong sa pag-asikaso sa mga bisita. Ginanap iyon sa mismong function hall ng FC Building. “Pero kung hindi magagalit si TJ, payag ka bang makipagdate sa 'kin?” Sinikap ni Sherin na huwag iikot ang eyeballs niya. Wala siyang panahon magpasakalye kay Jeremy kapag ganoong nawawala na siya sa mood. “Ah, ayon pala sina Mr. Alcaraz at Mr. De Vera, eh,” sa halip ay turo niya sa mesang kinaroroonan nina Johenn at Haylee. “Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Miss Gorgeous.” Napakamot siya sa kilay niya. Paano ba niya sasabihing bata ang tingin niya rito kahit na halos magkaedad lang sila? “Alam mo, Sir--” “Hi, Sexy,” sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likuran niya. Agad siyang lumingon at nanlaki ang mga mata niya. “Jervey, ikaw nga!” Hindi na niya napigilan ang sarili at sinugod ito ng yakap. “Kamusta ka na? Halos isang buwan tayong walang balita sa isa't-isa, ah?” nakangiting tanong naman nito at hinaplos ang likod niya. “Ang dami kasing nangyari, eh. Alam mo na.” “Dinig ko nga.” “I can't believe it,” sabi naman ni Jeremy at naiiling na iniwan sila. “Kinukulit ka ba ng kapatid kong 'yon?” “Wala lang 'yon. Wala naman akong balak patulan, eh.” “Halika, upo tayo,” sabi pa nito at hinila siya sa isang bakanteng mesa. “Jervey, hindi ako pwedeng umupo. Kailangan ko pang asikasuhin ang mga bisita,” alangang sabi niya. “Marami na ang gagawa niyan dito, hindi mo ba nakikita? Kamusta naman ang trabaho mo? Hindi ka ba pinapahirapan ni Thomas?” Tipid niya itong nginitian.“Okay lang naman. Ang totoo nasasanay na rin ako kahit paunti-unti.” “Kamusta ka naman ngayon? Sa'n ka nakatira?” “May inuupahan akong bahay. Okay naman siya although nanibago talaga ako noong mga unang araw ko pa lang.” Jervey gave her a sympathetic smile and she didn't like it. Pakiramdam kasi niya ay naaawa ito sa kanya. “Intindihin mo na lang sana si TJ.” “Ano ka ba, nagpapasalamat nga ako sa kanya dahil nagmagandang loob siyang bayaran ang utang namin. Makapagbayad man lang ako sa kanya sa pamamagitan nito.” “Pero hanggang kailan mo pagtatrabahuan 'yon?” “Si Cielo nga pala kamusta na?” pag-iiba na lang niya. Nang may lumapit na kakilala kay Jervey ay sinamantala naman niya ang pagkakataon para bumalik sa ginagawa niya. “Good evening po, Ma'am,” bati niya sa isang babaeng tantiya ay nasa between forty and fifty ang edad pero napakaganda ng mukha at maamo pa. “Hi, I'm Jennica Aguirre, TJ's mom,” pakilala nito. Saglit siyang napatitig sa mukha ng ginang. Ito pala ang butihing ina ni TJ na madalas nitong ikwento sa kanya noon. Kung ganun ay nasa midfifties na nito ang ginang pero napakabata pa nitong tingnan. “H-hi, Mrs. Aguirre, I'm Sherin. I think nandito po yata ang table niyo. Sumunod lang po kayo sa 'kin,” aniya at nginitian ito. “Thank you.” “Nasaan po si Mr. Aguirre, bakit mag-isa lang kayo?” tanong pa niya nang maupo sila sa mesa na malapit sa mini stage. “Oh, my husband? He's not feeling well tonight kaya naman mag-isa lang ako. Gusto ko nga sanang samahan na lang siya sa bahay but you see, we can't miss this for our son.” “Ang ganda niyo pala talaga, 'no?” sabi pa niya. She instantly liked TJ's mom dahil friendly ang aura nito. “I like you, Sherin. Nakaka-appreciate ka ng ganda.” Natawa naman silang dalawa. “Kaibigan ka ba ng anak ko?” tanong pa nito. “Um, ako po ang bago niyang secretary.” Napatitig si Jennica sa mukha niya. “Oh, you're that Sherin!” “O-opo. Ako nga po 'yong anak ng dating may-ari nitong kompanya,” sagot niya at kiming ngumiti. “TJ doesn't hide things from me and so is TA.” Inilapit nito ang mukha sa kanya at binabaan ang boses.“You could have just marry my son to save your company.” “Mrs. Aguirre,” sabi naman niya at hinawakan ang kamay ng ginang.“I'm sure ayaw niyo po ng babaeng magti-take advantage sa kung ano man meron ang mga anak ninyo. Tinanggihan ko po ang kasal na inalok niya dahil gusto kong maging mabuting anak. Iyon nga lang nabigo ako. At hindi pa rin ako magpapakasal sa kanya para lang maisalba ang kompanya namin dahil panggagamit iyon. Hindi po gano’n ang pagmamahal. Tama po ba ako?” “Hay, hija,” anang ginang at hinaplos ang pisngi niya.“TJ loves you.” “He loved me po,” pagtatama naman niya and smiled politely.“May Katrina na po ngayon sa buhay niya at sa tingin ko sila talaga ang para sa isa't-isa.” Jennica grimaced.“Ewan ko. Masasabi kong mas gusto kita para sa anak ko. Sana nakilala kita nang mas maaga.” “Masaya po ako't nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala kayo. Ang totoo kasing sweet niyo ang Mommy ko noong nabubuhay pa siya.” “You're a sweet girl, too, Sherin.” “If you'll excuse me po. Aasikasuhin ko lang po ang ibang mga bisita at baka masita ako ni Sir TJ nang wala sa oras. Nice meeting you po.” “Same here, hija.” Matamis niyang nginitian ang ginang bago ito iniwan. Napahugot siya ng hangin para kalmahin ang sarili dahil pakiramdam niya ay maiiyak siya. Napakabait ni Jennica sa kanya kaya naman hindi niya naiwasang makita si Carina sa katauhan nito. Kapag nakakuha siya ng pagkakataon na makausap si TJ sakaling dumating na ito ay magpapalam siya ritong maaga siyang uuwi. DAPAT AY ganahan sa pagkain si Sherin sa mga masasarap na handa sa buffet table. After all, simula nang lumipat siya ng bahay ay palagi na lang instant ang kinakain niya dahil sa kawalan niya ng panahong magluto. Pero kahit ano'ng pilit niya ay wala talaga siyang gana. Kanina pa siya hindi komportable sa isang tabi kahit na nagsasaya ang mga tao sa paligid niya. Nasa table si TJ na kinaroroonan ng mga kaibigan s***h business partners nito at nagkakatuwaan. She's just secretly thankful na wala nang gabing iyon si Katrina dahil nasa abroad daw ito at may fashion gala na dinaluhan ayon pa sa mga kaibigan niyang empleyado sa kompanya. Kanina pa niya gustong lapitan si TJ at magpaalam na uuwi na pero mukhang wala naman itong balak na i-entertain siya. “Sherin, we need your help,” sabi ni Johenn na bigla na lang lumitaw sa tabi niya. “Bakit, ano'ng nangyari?” takang tanong niya. “Si TJ, nasobrahan yata sa ininom niya at mukhang hindi na kaya ang sarili. Tulungan mo naman kaming dalhin siya sa pent house, o.” “Ha?” anas niyang naalarma at mabilis na sumama kay Johenn sa table ng mga ito. Doon ay nakita niya si TJ na nakayuko sa mesa habang nakaunan sa braso nito. “TJ?” tawag niya sa pangalan nito at niyugyog ito sa balikat pero ungol lang ang sagot nito.“Naparami ba ang inom niya?” “Naglalaro lang naman kanina kaso palaging siya ang taya kaya hayan,” nakangising sagot naman ni Jeremy. “Hoy, TJ, kaya mo pa ba?” tanong naman ni Haylee na seryoso ang mukha. “I want to get out of here,” sagot naman nito. Marahas na napabuntong-hininga si Sherin at pinasandal ito sa upuan. “Halika na, Sir. Iaakyat na kita.” “Tulungan na kita,” prisinta pa ni Haylee at inalalayang makatayo ang binata.“TJ, kaya mo pa?” “Yeah.” Pasimple silang lumabas ng function hall. Naiwan naman sina Jeremy at Johenn sa loob. Nang bumukas ang elevator ay si Sherin na ang umalalay kay TJ. Kinuha niya ang braso ng binata at ikinawit sa balikat niya. Napaatras pa siya nang maramdaman ang bigat nito. “Kaya mo ba siya?” tanong ni Haylee. “Oo, kaya ko na. Maraming salamat. Ako na lang ang bahala sa kanya.” Pumasok sila ni TJ sa elevator at inabot ang button. Para marating ang pent house ay kailangan nilang pumasok sa opisina nito. May isang pinto doon na kapag binuksan ay nasa isang makitid na pasilyo ka na at katapat na niyon ang pintuan ng pent house. “Huwag kang mag-alala malapit na tayo.” Kanina pa gustong bumigay ng balikat niya pero kailangan niyang tiisin ang pangangalay kaysa naman pabayaan na lang ang boss niya. “Kasi naman iinom na nga lang 'yong pinasobrahan pa. Kayo talagang mga lalaki kayo,” ngitngit niya, knowing na lasing naman si TJ para kontrahin pa siya. Mabuti na lang at hindi naka-lock ang pintuan ng pent house. Binuksan niya agad iyon at namangha siya dahil wala man lang nagbago sa interior niyon tulad noong nabubuhay pa ang Dad niya. Kungsabagay, maayos naman iyon kaya bakit pa kailangan ni TJ na baguhin iyon? Agad niyang pinaupo ang binata sa couch. “Ang sakit ng balikat ko,” aniyang iniikot pa ang puno ng braso saka binalikan ang pintuan at isinara. Tinabihan niya ang binata para tingnan kung okay na ito.“TJ, okay ka na ba?” Nanatili lang na nakapikit ang binata habang nakasandal sa sofa. Tinanggal naman niya nang isa-isa ang butones ng coat nito para naman mapreskuhan ito. Sinunod niyang tanggalin ang sapatos at medyas nito. “Sana naman hindi ka magsuka,” wala sa loob na sabi niya nang itinabi ang sapatos nito sa isang sulok. Bumalik din siya sa tabi nito at tinapik ang pisngi nito.“TJ, okay ka na ba?” Nagulat pa siya nang basta na lang itong tumawa at tumingin sa kanya. “You really think na nalasing ako? Hell, there's no way na maglalasing ako.” At tumawa muli ito. Napamaang naman siya.“A-ano'ng ibig mong sabihin? Hindi ka naman talaga lasing?” “I just have to get rid of those jerks, you know.” Hindi siya makapaniwala. “Okay. Nakakatawa nga 'yon,” sarkastiko niyang sabi.“Kailangan ko nang umalis, Sir. Tingin ko naman kaya mo na ang sarili mo.” Nang akmang tatayo na siya ay bigla siyang hinila ni TJ sa kamay kaya naman pabagsak siyang naupo. “Let me go!” “Dito ka lang, Sherin. Mukhang nasanay ka naman yatang iwan na lang ako palagi.” “Magpahinga ka na, TJ. Hindi mo na alam ang mga pinagsasasabi mo.” “Kapag sinabi kong dito ka lang sa tabi ko, dito ka lang,” may diing sabi nito kaya naman natameme siya. Agad siyang nagbaba ng tingin. “At ano naman ang gagawin ko dito kasama ka?” Umusog si TJ palapit sa kanya at hinawakan ang baba niya para hulihin ang mga mata niya. “'Wag kang papalag at sumunod ka sa gusto ko. Hindi ba may napagkasunduan tayo?” Nahigit niya ang paghinga. Nang sakupin ng mga labi nito ang mga labi niya ay hindi niya napigilan ang pagkawala ng ilang butil ng luha mula sa mga mata niya. Ang totoo, ayaw din niyang pumalag dahil matagal na niyang gustong mahagkan muli ni TJ. Nang lumalim ang mga halik nito ay napapikit siya at tumugon. ALAS SINGKO na nang madaling araw at kanina pa walang sawang pinagmamasdan ni TJ ang dalagang payapang natutulog habang nakaunan sa braso niya. Hinawakan niya ang isang braso nito na nakayakap sa beywang niya at tila in-examine. She did lose weight at hindi niya nagustuhan ang ideyang napapabayaan na ni Sherin ang sarili. Did everything really go tough on her kaya nangayayat ito? Kungsabagay, wala na nga palang nag-aalaga rito. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. Maingat niyang inalis ang pagkakaunan sa kanya ng dalaga at maingat na bumaba ng kama. Matapos niyang magbihis ay masuyo niya itong dinampian ng halik sa noo bago tuluyang lumabas ng silid. Naalimpungatan si Sherin at agad napabalikwas nang makita ang oras sa alarm clock, alas sais y media na nang umaga at hindi siya nakauwi sa bahay niya. Dali-dali siyang bumaba ng kama at hinagilap ang mga damit niyang nagkalat sa ng sahig. Napagalitan tuloy niya ang sarili. Nakagawa siya ng isang bagay na kahiya-hiya sa mata lahat. Matapos niyang ayusin ang sarili ay lumabas siya ng silid na iyon at agad na hinanap si TJ. May naamoy siyang mabango at nakakagutom kaya naman pumunta siya sa kusina. Nadatnan niya roon ang binata na naghahanda ng makakain. “Good morning,” pormal na bati sa kanya nito. Nakasuot lang ito ng plain na t-shirt at boxers. “Kailangan ko nang umalis, Sir.” “Hindi ka pa kumakain.” “Uuwi naman ako kaya sa bahay na lang.” “Hindi. Maupo ka dito ngayon din.” “Pero, Sir--” “Ngayon din.” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa nagbabantang tingin nito sa kanya. Umupo siya sa isang stool sa tapat nito at yumuko. Naglapag ito ng dalawang pinggan sa mesa at ipinaglagay pa siya ng pagkain sa plato niya. Gusto niyang sabihing hindi na dapat ito nag-abala pa kaya lang ay ayaw naman niyang masita ulit. “Halata sa katawan mo na hindi ka na kumakain nang tama.” “Mali ka, Sir. Kumakain ako ng tatlong beses sa isang araw,” sabi naman niya. “Ng ano? Ng kahit na anong instant?” “Nagluluto naman ako kapag may panahon ako, eh,” aniya. “Eat.” Nagulat pa siya nang iniumang ni TJ sa kanya ang kutsara nitong may kanin at hotdog. “Kaya kong kumain sa sarili ko, Sir,” sabi niyang nag-init ang mga pisngi. “Open your mouth now.” “TJ--” “Or I'll fire you.” Kinain din niya ang isinubo nito sa takot na totohanin nito ang banta nito. Siniguro naman ni TJ na marami ang makakain niya dahil hindi nito tinigilan ang pagsubo sa kanya hanggang sa maubos ang laman ng plato niya at mabusog siya. Na-realize niyang na-miss din niya ang luto nito at ang pag-aasikaso nito sa kanya. Siguro gano’n din ito ka-sweet kay Katrina kapag magkasama ang mga ito. “Ako na lang siguro ang maghuhugas ng mga 'yan,” sabi niya nang dalhin ni TJ ang mga kinainan nila sa lababo. “Kaya ko na 'to. Mas mabuti pang umalis ka na habang wala pang nagsisidatingang mga empleyado at baka may makakita sa'yo,” sabi naman nitong hindi humaharap sa kanya. Tama nga naman ito. Umingit ang stool nang tumayo siya. “Maraming salamat, Mr. Aguirre.” “At 'wag ka nang bumalik mamaya. Bukas ka na lang magreport.” “Kung 'yan ang gusto ninyo. Aalis na 'ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD