Buong akala ko ay makakarinig ako ng pagkadismaya sa oras na makita ni Zakarias ang kabuuan ng kanyang mga babayaran ngunit hindi nangyari. Walam man lang siyang naging reaksyon at basta na lang ibinigay ang kanyang card sa cashier. Alam ko naman na marami talagang pera si Zakarias pero ganun lang ba talaga siya maglabas ng pera? Walang ng tanong-tanong? Binigay na lang ni Zakarias ang buong address niya sa store para ihatid ang lahat ng mga gamit na kanyang pinamili at umalis na nga kami. “Saan mo gustong kumain?” tanong niya sa akin ng nasa kahabaan n kami ng highway. “Sa bahay. Kaya umuwi na tayo total tapos na rin naman hindi ba? Sinamahan na kitang mamili ng mga bagong gamit mo sa bahay na sa palagay ko ay sinadya mo talaga na ipakita sa akin ang presyo para yabangan mo ako. Sor

