Nagpatulong na maglinis ng bahay si Zakarias sa buong pamilya ko dahil malapit na raw dumating ang kanyang Mama at Ate na galing pa ng amerika. Mabuti naman at may makakasama siya ngayong pasko at bagong taon. Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama sa bahay namin pero alam ko ang lungkot kapag walang kahit na sinong pamilya ang nasa tabi mo kapag may mga mahahalagang okasyon. Halos hindi na rin ako napapahinga sa tindahan dahil nga panay na ang pagdaraos ng mga year end party at madalas ay napapakyaw na ang lahat ng mga tinda kong bibingka at puto bungbong tulad ngayong araw “Mabuti pa si Manang hindi na malamig ang pasko,” ani Isko sa akin na ngayon ay nagpapahinga muna sa tapat ng tindahan kasama si Bugoy. “Ano naman ang ibig mong sabihin, Isko? Hindi na naman talaga malamig ang pa

