“Nak, aalis na naman pala kami. Punta kami ng baguio. Baka gusto mong sumama sa amin?” alok ni Nanay. Araw-araw ay lagi silang wala sa bahay kaya ako at ang mga nagtatrabaho ko lang na mga kapatid ang narito. Wala namang problema sa akin dahil wala namang ibang mahalaga sa akin kung hindi ang kaligayan nila at kung saan sila masaya. “Nay, kung sasama pa ako ay sino ng tatao sa bahay at mag-aasikaso ng pagkain ng mga nagtatrabaho natin?” tanong ko sabay bukas ko sa bag ko at kuha ng pera. “Heto, Nay. Baon niyo sa Baguio.” Inabot ko ang ilang libo kay nanay. Mas maganda na may dala silang pocket money pambili ng magustuhan nila sa Baguio. “Hindi na, anak. Hindi ba may binibigay ka namang pera sa akin pati na rin ang mga kapatid mo? Iniipon ko yon dahil wala na rin naman akong pagkakag

