“Ikaw nga ang naisip ko kasi sayang din ang malaking sahod, Jo,” sabi n Regie sa akin ng sadyain niya pa ako dito sa tindahan ko para hikayatin akong bumalik sa ibang bansa. Naghahanap kasi siya ng isa pang makakasama papunta ng sa bansang Italy kung saan na lilipat at maninirahan ang kanyang mga amo. Sakto daw na naisip niya ako dahil nga nakapag abroad na ako at tiwala siya na hindi siya mapapahiya dahil tumagal ako ng ibang bansa na isang pamilya lang ang pinanglingkuran. Kaya nga ako umuwi ay dahil tapos na sa pag-aaral ang mga kapatid ko. Pero dahil sa laki ng sahod ay para bang natutukso ako ulit na umalis at mangibang bansa. “Isipin mo, Jo. Ang laki ng sasahurin natin at malay mo makahanap tayo ng italyano doon!” excited pang bulalas ni Regie. May mga anak siyang binubuhay kay

