“Sambakol naman ang mukha mo, Ante? Nag-away na naman ba kayo ni Ankol Zak?” tanong ni Lavinia ng magpatulong ako sa kanya na mag-ayos ng mga ukay-ukay na ready ko na naman na ibenta ng live online. “Ewan ko ba sa lalaking iyon. At ako na naman ang nakita na pagdiskitahan. Hindi ko alam kung bakit pinagkakalat niya na okay na kami at ikakasal na nga kami,” hinaing ko. Siyempre at talagang magagalit ako lalo pa at wala namang katotohahanan ang mga sinasabi niya. Aasa ang mga taong sinabihan niya tulad na lang ng pamilya namin. Paano rin kung umabot ang balita kay Anton? Ano na lang ang iisipin ng tao tungkol sa akin? Na kaya pala binasted ko siya ay dahil may balak na pala akong magpakasal kay Zakarias? “Ante, sure ka ba na talagang si Ankol ang nagpakalat ng balitang iyon? O baka nama

