Napalingon ako kay Judy ng marinig kong tinatawag niya ang pangalan ko. “Ate, kanina pa kita tinatawag pero parang hindi mo ako naririnig,” sabi ni Judy. Nasobrahan yata ako sa pag-alala sa nakaraan at hindi ko pala namalayan na tinatawag na pala ako ng kapatid ko. “May iniisip kasi ko,” sagot ko na lang at saka pinagpatuloy ang paglalagay ng mga uling sa kalan. Kailangan ko ng mapagparingas dahil maya-maya lang ay may mga bibili na. “At ano naman ang iniisip mo, te? Parang ngayon lang yata nangyari na namental blocked ka, ha?” usisa pa ni Judy. Pero wala akong balak na sabihin ang tunay na iniisip ko. “Iniisip ko kasi kung anong magiging buhay ko sa Italy.” Namilog ang mga mata ni Judy sa narinig. “Ano naman gagawin mo sa Italy, te? May ka-chat kang foreigner na tagaroon?” Umilin

