Episode 5

1749 Words
Nilabas ko na ang mga damit na galing ukay na idi-display ko sa tapat ng bahay. Kailangan ko talaga ng mas marami pang pagkakakitaan para dagdag income. Sayang din kasi ang kikitain lalo pa at nakikita kong marami ang namimili sa mga ganitong mga gamit at damit. Swerte ko nga raw sabi ng kapatid ko at magaganda ang mga damit, mga bags at mga sapatos na napamili ko sa ukay sa kahabaan ng baclaran. Balak ko nga sanan labhan bago ibenta kaso lang ay wala na akong oras kaya ibebenta ko na lang ng mas mura. Napansin ko nga na karamihan ay mga mamahaling brand ng damit itong mga nakuha ko. Hindi man ako pamilyar pagdating sa mga mamahalin kaya ang mahalaga lang sa akin ay makabenta. Nagpaturo na rin ako kung paano mag live sa social media habang ako ay nagbebenta ng mga items. “Ano na naman ang pinagkakaabalahan mo, Manang? Huwag mong sabihin na pati pag ukay-ukay ay pinasok mo na?” Hindi ko pinapansi ang nagtanong. Kahit hind naman ako lumingon ay kilala ko na kung sino siya. Tuloy pa rin ako sa pag-aayos ng mga items para sa live selling ko Halos lahat ng mga friend ko sa social media ay mga kakilala ko tagarito lang din sa malapit kaya kung mag mine man ay agad ko rin na maihahatid. “Magkano to?” Tanong na naman ni Zakarias na papansin. “Mahal yan. Hindi mo afford.” Sagot ko kahit ko kahit hindi ko naman nakita kung ano ang tinatanong niya. “Ang sungit nama ng tindera. Paano ka makakabenta niyan kung ganyan ka makitungo sa bumibili? Magkano itong mga tshirt na ito at bibilhin ko para kina Buboy at Isko. Naawa ako sa mga batang yon at dalawa lang yata ang maayos-ayos na damit. Masisipag at mga family oriented dahil sa tuwing naririnig ko silang nag-uusap ay pamilya nila ang kanilang binabanggit.” Sa narinig ay nilingon ko na si Zakarias. Mabuti naman at concern pala siya sa mga trabahador niya. Bata pa lang talaga sina Buboy at halata naman sa mukha at katawan nila. “Bakit ka pa ba nagtatanong ng presyo? Hayan ang laki ng pagkakasulat ko ng presyo.” Sabay pakita ko pa sa presyo na isinulat ko sa puting tape at idinikit ko sa manggas ng damit na pinili niya. “Kunin ko na lahat ng mga tshirt na panlalaki na nakahanger at mukhang kasya naman yan kina Buboy at Isko,” saad ni Zakarias. Hindi ako nagpahalata pero kapag binayaran niya ang lahat ng mga tshirt ay nabawi ko ang puhunan na pinambili ko at may tubo na rin ako. “Sure ka?” nag-aalangan na tano ko kahit alam ko naman na kayang-kaya niya talagang bayaran kahit pa buong bahay namin. “Mukha ba akong scammer, Manang? Kailan ba kita biniro tungkol sa gusto ko?” Nagkibit-balikat na lang ako at saka ko na kinuha sa hanger ang mga panlalaking damit na binili niya na para sa dalawang trabahador. Linggo ngayon kaya sarado rin ang talyer niya gaya ng sarado rin ang tindahan ko. Si Zakarias ay pwedeng magpahinga sa araw na ito pero hindi ako. Itinupi ko ng maayos ang mga damit para kay Buboy at Isko. Kahit din naman maloko ang dalawang yon ay alam kong mabuti silang anak sa kani-kanilang mga magulang na kakilala ko rin naman. Babalikan na lang daw ni Zakarias ang mga damit at kukuha muna ng cash. Ewan ko kung saan siya kukuha ng cash at nakita kong sumakay ng kanyang sasakyan at umalis. Ipo-post ko naman siyang bogus buyer kapag hindi niya binalikan at binayaran itong mga binili niya. Nagsimula na akong mag live sa social media Una ay kakaunti lang ang mga viewers pero ginanahan na akong magsalita para magtinda ng dumarami na ang bilang ng mga nanunuod. May mga nagpapashout-out pa at kung anong mga kalokohan ng mga kakilala ko naman kaya naalis ang kaba ko na baka langawin lang ang live ko. “Yours na, Sissy Xyreen!” bulalas ko ng mabasa ang mine comment ng isa sa viewers ko. Bawat mga items na na-mine na ay nilalagyan ko na ng pangalan ng miners para hindi ko na makalimutan. “Mga sissy, hindi pala madali ang live selling!” komento ko sabay tawa dahil matrabaho rin pala at kailangan mabilis ang kilos para agad din na matapos. Marami ang nag haha react sa mga pinagsasabi ko dahil buong akala ko ay madali ngunit hindi pala. Kalaban mo rin na mangalay ang bibig mo kakasalita. “I-mine niyo na ito mga ka sissy. Murang-mura at mukhang bago pa.” Isang shoulder bag na may tatak na channel ang kasalukuyan kong binibenta sa live selling. Napangiti pa ako ng makitang marami ang pumuso ngunit iba ang mga nababasa sa comment section. “Mine ko na kasama pati ang nasa likod!” sabi ng isa. “Kasama ba sa binibenta mo si Zakarias?” komento ng isa pa at kung anu-ano pa na binabanggit ang pangalan ni Zakarias. Kaya naman pala ay kasalukuyan a siyang nasa likod ko at nakatingin na rin sa ginagawa ko. “Huwag niying intindihin ang kung sinong dumating at trespassing yan,” saad ko sa live selling at saka na nagpatuloy sa mga pinagsasabi ko. Ngunit may mga nagsabi ng mine pero hindi naman ang hawak kong item bagkus ang item na hawak ni Zakarias na nasa background ng live selling ko. “Huwag mo munang ipakita yan at wala pang bumibili nitong kasalukuyan kong binebenta.” Saway ko sa lalaking makulit. “Mas maganda na ngang makita ng mga viewers mo para agad na silang mag-unahan sa pag-mine.” Tugon ni Zakarias. “Bayaran mo na nga ang mga pinamili mo at umalis ka na. Nakakaistorbo ka sa pagtitind ko.” Pagtataboy ko pa. “Paano akong nakaistorbo? Binili ko nga ang kalahati ng paninda mo tumutulong pa ako sa live selling ng mo. Hayan at tumataas ang view hindi ba?” sabay turo pa ni Zakarias sa numbers ng mga viewers ko. Tama naman siya at mas marami ang nanonood kaysa kanina. “Natural na tataas yan dahil sa mga sharer ko.” Masungit kong tugon at saka na nagbalik sa harap ng cellphone ko. Marami na naman ang heart react at kinikilig daw sa live namin na pag-aaway ni Zakarias. Seryoso? Kinililig sila sa amin ni Zakarias? “Kung ako kay Manong Zak, wala ng ligaw-ligaw! Pamamanhikan na agad ang gagawin ko para wala ng kawala si Manang Jona!” nabasa kong komento na may kasama pang emoji na puso ang mga mata. “Sabi nga, sa hinaba-haba man ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy! Kakilig naman!” komento pa ng isa kong kakilala. “Paalala ko lang po live selling po ito at hindi ang hanapan niyo ako ng love life at ipagpilitan sa akin ang taong grasa na ito.” Paalala ko sa mga viewers sabay irap kay Zakarias na ewan ko ba at kung bakit ayaw lumayas sa harapan ko. “Makatawag ka naman ng taong grasa, Manang Jona? Sigurado ako na ikaw lang ang tumatawag sa aki ng ganyan dahil halos karamihan ng mga kababaihan ay humagahanga sa angkin kong kakisigan. Ikaw lang itong hindi dahil nasobrahan ka kakaisip sa kung magkano ang kikitain mo.” Sermon ni Zakarias. Ngunit hindi ko na lang pinansin pa ang lalaking papansin. Magung siya ay tumatapat na sa cellphone ko at nakikibenta na rin ng mga items na binebenta ko na agad naman na may nagma-mine. “Salamat po sa mga nag-mine ng mga items sa kauna-unahan kong live selling. Thank you at ngayon din ay magdi-deliver na rin ako kaya naman hintayin niyo ako sa mga bahay niyo. Wala munang aalis hanggat wala pa ako. Thank you and God Bless.” Saka pa ako kumaway bago tuluyan ng tapusin ang live selling ko. Sold naman ang halos lahat ng mga items kaya magana akong kumilos para iligpit na ang lahat at makapunta na sa bahay ng mga miners. Balak ko na lang na gamitin ang tribike na siya rin namang gamit ko sa pagdeliver kapag may order na bibingka at puto bungbong sa akin. Nakikiligpit din si Zakarias pero hinahayaan ko na lang siya total naman at nakatulong siya sa live selling ko. Binayaran niya ngayon din ang mga tshirt para kay Buboy at Isko na hindi niya alam ay naglagay din ako ng tigdalawang piraso ng short para sa mga bata. Maawain din naman ako. Hindi naman porket madalas makisama ang mga batang yon sa pambubully sa akin ni Zakarias ay ayokona na sa kanila. “Maghahatid ka ba ng mga paninda mo?” tanong sa akin ng taong grasa. “Oo kaya diyan ka na. Pakisara na lang ang gate kung aalis ka. Nagsimba sina nanay kaya mamaya pa magsisidating ang mga yon.” Paalam ko na kay Zakarias. Malamang kasi na kakain pa sa labas sina nanay kasama ang mga kapatid ko at mga pamangkin ko bago sila umuwi galing sa pagsisimba. “Samahan na kita. Wala namam akong gagawin kaya sasamahan na lang kita.” Naantala ang pagmamadali kong paglalakad sa narinig na alok ni Zakarias. “Gamitin na natin ang sasakyan ko para mabilis natin na mahatid ang mga nabenta mo.” Ulit niya pa at saka na lumapit sa harap ko. Napaka walang puso ko naman siguro kong tatanggihan ko na naman ang pagmamagandang loob niya. “Kung ipipilit mo na samahan ako na maghatid ng mga paninda ko ay hindi sasakyan mo ang gamit. Tribike ang gagamitin mo, ano payag ka pang sumama?” ingos ko pa at saka na inayos ang mga dala ko sa loob ng tribike. Buong akala ko ay hindi na ako sasamahan ni Zakarias pero maya-maya ay sumakay na siya sa tribike at ready ng mag-pedal. “Sino ang una nating pupuntahan? Tamang-tamang work out din itong pagba-bike dagdag pa ang bigat mo.” Pang-aasar niya pa bago pa kami tuluyan ng umalis. Ngunit nagkamali yata ako ng pagpayag sa pagsama sa akin ni Zakarias dahil halos lahat ng makakita sa amin ay mga kakaibang ngiti sabay tukso pa na bagay kami. Sa simbahan na ba ang tuloy? At kung anu-ano pang mga panunukso na pilit ko na lang inignora. Kung mapipikon kasi ako ay baka isipin na lang ng ibang tao na masama talaga ang ugali ko dahil si Zakarias ay kung tudo ngiti pa at sumasakay sa biruan ng mga kakilala namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD