“Nay, darating po pala ang Mama at Ate ni Kuya Zak.”
Narinig kong sabi ni Judy kay nanay.
“Oh? Talaga? Kailan daw? Ang tagal na rin ng panahon ng last silang umuwi sa bansa hindi ba?” hindi makapaniwala na tanong ni nanay.
Hindi ako tiyak kung naging magkaibigan ba silang tunay ng Mama ni Zakarias
Magkalayo kasi ang antas sa buhay ng Nanay ko at ng Nanay ng taong grasa kong tapat bahay.
Simple lang ang nanay ko at kuntento na kung anong meron pero iba si Tita Zen.
Siya ang tipo ng babaeng banidosa at hindi mapagmamalakihan ng lalaki dahil magaling siyang humawak ng anumang negosyo.
Ang alam ko ay sa nasa Los Angeles sila ng kanyang panganay na anak na babaeng si Zaab at doon ay tulong sila sa pagpapatakbo ng restaurant na filipino food ang karamihan sa menu.
Matagal na rin wala ang tatay ni Zakarias. Alam ko gaya ni tatay ay inatake rin siya sa puso at walang nakaalam na inatake na pala siya dahil mag-isa lang sa kanilang bahay.
Nasa Los Angeles kasi ang mag-iina niya at ayon nga sa pagkakaalam ko ay kaya umuwi si Zakarias sa bansa at iniwan ang magandang trabaho at buhay sa tawid dagat ay dahil sa nangyari sa kanyang tatay.
“Panigurado na sasakit na naman ang mga ngipin ng mga apo niyo kapag dumating sina Tita Zen at Ate Zaab. Alam niyo naman ang dalawang yon mahilig sa mga bata palibhasa at wala silang baby sa kanilang pamilya. Lahi siguro nila ang hindi nag-aasawa, nay. Si Ate Zen paano pa magkakaanak sa pagkakaalam ko nasa forty na siya.”
Tama si Judy. Matanda lang ng tatlong taon sa kanya ang nakakatanda niyang kapatid.
Hindi ko nga akalain na hindi pala mag-aasawa ang ate ni Zakarias. Napakaganda kasi nito at sobrang puti at kinis. Iyon nga lang at may kasungitan.
Ewan ko ba at naging kasundo nina Nanay at ng mga kapatid ko gayong ang susungit nila.
Simula ng magtranaho ako ay hindi ko na nakita ang nanay at ate ni Zakarias kaya hindi na rin ako sigurado kung anong mga itsura nila ngayon.
Malamang na bata pa rin lalo pa at hindi naman sila hirap sa buhay at nasa lugar pa na maganda ang klima.
Hindi katulad ko na laging nasa ulingan para sa magluto ng special bibingka at puto bongbong. Pero kapag sa live selling ko ng mga ukay ay naglalagay naman ako kaht light make up para naman hindi ako maging mukhang bangkay.
“Mabuti at hanggang ngayon ay closed kayo ng mga Montemayor?” hindi ko napigilan na sumingit sa usapan.
“Ay! Te! Kailan ba namin hindi naging closed ang mga Montemayor gayong buhay natin ay magkakasama tayo. Pwera lang pala sayo at matagal kang nawala dito sa lugar natin. Pero okay naman ang lahat. Kapag uuwi ang nanay at ate ni Kuya Zak ay kasama kami lagi sa anuman na lakad nila. Food trip, shopping at outing. Hindi ba at lagi ka namang updated sa buhay namin kahit nasa ibang bansa ka noon?” tanong pa ni Judy.
“Oo, tanda ko na pala. Iyong tawag ako ng tawag sa inyo pero kahit isa ay walang sumasagot. Kaya naman pala ay nasa beach kayo at nagsasaya,” sabi ko na patuloy lang sa pagsasalansan ng mga ukay na damit na kailangan ko ng ideliver sa mga nag mine.
“Si ate naman kung makasenti! Nagpaalam naman kami sayo kaso lang dahil hindi mo feel ang mga Montemayor kaya nagselos ka kahit hindi naman dapat dahil pamilya rin natin sila.” Katwiran ni Judy.
Noong panahon na iyon ay kung anu-anong malungkot na eksena ang pumasok sa isip ko.
Ako na nag-iisa at nagpapakahirap kumayod para makapagpadala ng pera para sa lahat ng panggastos nila pero malalaman ko na kaya pala hindi ko pala sila matawagan ay abala sila sa pagsasaya kasama ang buong pamilya ng mga Montemayor.
Bahagya pa akong nagtampo sa pamilya ko dahil pakiramdam ko ganun na lang nila ako ipinagpalit sa tapat bahay namin.
At ngayon matapos ang ilang taon ay muli kong makakaharap ang nanay at ate ni Zakarias.
“Ate, hindi ba closed ka naman kina Tita Zen at ate Zaab? Bakit parang ayaw mo sa kanila? Ano may naging away ba kayo dati? May nagawa ba sila sayo kaya ganyan ka makitungo sa mga Montemayor? Hindi ba nga at pinagkakalat mo pa na kayo ni Kuya Zak ang magkakatuluyan?!”
Tiningnan ko ng masama si Judy dahil sa pasmado niyamg bibig.
“Pwede ba, Judy? Magdahan-dahan ka sa pagsasalita at nakakasuka ang mga pinapaalala mo.” Sermon ko sa kapatid ko.
“Bakit na ba, nak? Nagtataka rin ako sayo at bakit bigla kang nagbago pagdating sa mga Montemayor lalo na kay Zakarias? Hindi ba at gustong-gusto mo siya noong bata ka pa? Ano bang nangyari anak at bigla ka na lang nagkaganyan? Tinatanong ko nga si Zakarias kung may nagawa ba siyang mali o kasalanan para magbago ka ng pakitungo sa kanya pero wala naman din maalala itong si Zak,” saad pa ni Nanay.
“Nay, parang alam ko na. Baka naman medyo nagtampo si Ate kay Kuya Zak dahil nga masungit si Kuya sa kanya at lagi siyang tinatapat na hindi siya kailanman gugustuhin kaya ganyan naging mapait pa sa ampalaya si Ate Jona.” Sapantaha ni Judy.
“Bakit ba mas pinagdidiskatahan niyo na naman ako? Sa nakita at na realize ko kung gaano kayabang ang Zakarias na yan ay anong magagawa niyo? At tungkol naman sa nakaraan ay ano ba naman na isipin niyo na bata pa lang ako noong mga panahon na iyon? At ngayon na nag matured na ako ay nakita ko na kung anong totoo nilang mga kulay?” masungit kong wika.
“Te, bakit parang ikaw lang ang nakakakita ng ganung ugali ni Kuya Zak? Halos lahat kasi ng mga tagarito sa atin at kakilala siya ay mabait siyang tao.” Pag kumbinsi sa akin ni Judy.
“Bahala kayo. Hindi ko naman kayo hinihikayat na makipag join forces sa akin laban kay taong grasa o sa mga miyembro ng pamilya niya. Kung paano niyo sila nakikita ay gagalangin ko. Basta huwag niyo lang sana ulit akong tanungin kong bakit ayaw ko sa kanila, okay. Iba-iba kasi tayo ng panananiwala kahit pa magkakadugo tayo. Kung para sa inyo ay mabait sila, eh di go!,” sambit ko pa kay Judy at sa nanay ko na labis na nagtataka talaga dahil bakit nga ba bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin.
Isa rin talaga sa mga ayaw ko ng balikan pa sa mga alaala ko noong kabataan ko ay ang maalala kung gaano ako kabaliw kay Zakarias.
Ewan ko ba at sobra akong nahumaling sa kanya noon samantalang wala naman siyang ginawang mabuti kung hindi ang sungitan ako at pagsalitaan ng hindi maganda kahit ang ginagawa ko lang naman ay ang sundan siya ng sundan saan man siya magpunta.
At mabuti na lang at agad akong nauntog noon. Madali kong kinalimutan kong anuman ang espesyal na pagtingin ko para kay Zakarias.
“Kapag dumating sina Tita Zen atate Zaab mo ay subukanong makipagbonding sa kanila, Jona. Makita mo napakagiliw nila sa mga pamangkin mo. Halos ayaw na nga nilang pauwiin dito ang mga bata dahil sabik na sabik sila sa mga bata.” Payo ni nanay pero hindi ko magagawa na sundin.
“Nay, pasensya na po at hindi ko kayo masusunod. Hayaan niyo na lang po ako. Hindi naman po ako bastos na tao. At gagalangin ko naman po sila gaya nga kung paano niyo sila pakitunguhan. Pero huwag niyo naman po akong pilitin na makisama o makipag bonding gaya ng kung paano kayo pag magkakasama,” sabi ko na lang.
Alam ko iisipin ng pamilya ko na napaka kontrabida ko naman at parang may lihim talaga akong galit sa pamilya nina Zakarias.
Pero hindi na nila ako mapipilit pa na makipaglapit sa mga Montemayor.
“Ate, bakit ba kasi hindi ka mag kwento kung bakit ganyan ka na lang makitungo sa kanila gayong pamilya na natin sila kuya Zak. Maikli ang buhay, ate Jona. Piliin dapat lagi natin ang magpatawad at maging masaya.”
Nagkibit balikat na lamang ako sa sinabi ng kapatid ko.
“Masaya naman ako lagi kahit konsumisyon ako sa maiingay at makukulit kong mga pamangkin. Masaya ako sa mga ginagawa ko kahit napapagod ako araw-araw. May mga bagay lamang na sadyang mahirap unawain. Kaya hayaan niyo na lang ako. Matanda na ako. Alam ko na kung anong tama sa mali. Ang mabuti sa masama,” makahulugan ko pang sambit.
Ayoko na lang talagang alalahanin pa ang lahat.
Ayoko rin na magsalita o magkwento kung bakit ba?
Kung para sa pamilya ko ay masaya sila na kasama ang pamilya ni Zakarias ay wala namang problema sa akin.
Nakikita ko naman na talagang enjoy sila lalo pa at nakakapunta sila aa iba't-ibang lugar o mga beaches kapag umuuwi ang nanay at kapatid ni Zakarias.
Iyon nga lang ay hindi na maibabalik pa kung ano ang dati.
Kung paano ako makipagbonding sa kanila.
Kung paano ako makisama sa kanila.
At kung paano ko sila tingnan bilang isang pamilya.