Marami kaming inaalala ni Anton noong mga araw na nag-aaral kami pareho. Hindi niya raw akalain na mangingibang bansa ako at hindi uuwi ng mahigit isang dekada. May mga nakarelasyon naman siya noon pero hindi rin naman daw nagtagal dahil nga naging abala siya sa pag-aaral at paghahanapbuhay. Wala pang alas diyes ng gabi ng ihatid niya na ako sa bahay at nakipagkwetuhan pa siya sa mga kapatid ko na gising na gising pa ng mga oras na yon. Likas kay Anton ang pakikisama kaya hindi siya nahirapan na makibagay sa mga kapatid ko na mabuti rin naman talagang mga tao gaya niya. Tulog na raw si Zakarias kaya hindi na nagawang palitan ng mga kapatid ko ang gulong ng sasakyan ni Anton na grabe pala ang inabot ng mga gulong. Hindi ordinaryong mga butas ang nakita ng mga kapatid kong lalaki sa da

