Caye POV Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa ginawa ng boss ko sa akin. Hinalikan lang naman niya ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Patuloy niya akong hinahalikan pero hindi ko ito tinugon kahit na nadadala na ako sa halik niya ay pinigilan ko ang sarili ko. Tumigil siya sa paghalik sa akin at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Huwag mo nang hintayin ang taong kailanman ay hindi na babalik. Sana tumingin ka rin sa paligid mo," sabi niya sa akin sabay alis. Ako naman ay naiwan na nalilito. Bakit niya ako hinalikan at ano ang ibig sabihin niya sa mga sinabi niya sa 'kin? Tumingin ako sa paligid nakahinga ako ng maluwag. Dahil wala akong nakitang tao sa paligid. Kung meron man ay tiyak na ma-issue pa ako lalo't may kasintahan siya. Ano na lang ang sasabihin nila sa 'kin? Bak

