CAYE Pagkagaling ko sa restroom ay hinanap ng mata ko ang boss ko. Pero hindi ko siya makita. "Nasaan kaya 'yon?" Tanong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa table nandoon 'yung cake na ginawa ko. "Umalis na kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko. Pero bakit ang aga naman? Umupo na lang ako at nagmuni-muni mag-isa. "Where's Luke?" Tanong sa akin ni Thea. "Hindi ko po alam, Miss." Sagot ko sa kanya. Inirapan lang ako at umalis na rin ito. Halos isang oras na pero wala pa rin ito kaya umuwi na rin ako. Wala akong pasok bukas kaya nasa bahay lang ako para magpahinga. Araw na naman ng lunes at balik trabaho na naman ako. First time kong malate ngayon kaya hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa office. Habang nasa loob ako ng elevator ay kung ano-ano na ang naiisip ko. Paglabas ko

