CAYE Masaya akong nagluto ng dinner namin. Higit sa lahat ay masaya ako na nakakakilos na ako ng natural. Habang nagluluto ako ay yumakap sa akin mula sa likuran ang asawa ko. "Baby, ang bango mo," pabulong na sabi niya sa akin. "Love, behave ka nagluluto ako." saway ko sa kanya. "Wala naman akong ginagawa, baby." "Wala ngayon alam ko naman na mamaya ay mayro'n na," saad ko dito. Tumawa ito ng malakas. "Ang ingay mo sa tainga ko. Ihampas ko itong sandok kapag hindi ka pa tumigil," may pagbabanta sa salita ko. "Alam mo baby hindi na kita nabibiro," kunwaring nagtatampo na sabi niya. "Pasaway ka naman kasi, love. Punta ka na lang doon sa mga anak mo," pagtataboy ko sa kanya. "Iniisip ko talaga na ayaw mo na sa akin," saad nito habang palabas sa pinto ng kusina. Napangiti naman ako

