CAYE Naging masaya ang naging hapunan ko kasama ang mga kaibigan ko. Naging maingay ang hapagkainan namin. Nagugulat ako dahil nakikipagsabayan ang asawa ko sa kanila. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Nakikipagbiruan na rin kasi ito. Bukas ay balak naming mag bonding. Napili namin na magswimming. Nandito kami ngayon sa mini bar sa bahay. May pinagawa kasi ang asawa ko para kapag pumupunta ang mga kaibigan niya ay dito sila tatambay. "Baby, mauna na ako sa inyo. I need to review some papers," paalam nito sa akin. "Okay love aakyat din kami pagkatapos nito," sagot ko sa kanya. Ang totoo ay beer lang ang iniinom namin. "Pag-ininom ba natin ang mga alak ni Sir malalasing ba tayo?" Tanong ni Trina na halatang may tama na. Natawa naman kami sa kanya. "Alam mo sissy dapat umakyat na tay

