CAYE Sa loob ng isang linggo hindi talaga nagparamdam si Jeff. Ilang text na rin ang ginawa ko pero wala pa rin. Me: Hi jeff! Me: Jeff kamusta na? Me: Jeff ano na balita? Me: Jeff okay ka lang ba? Me: Hoy Jeff! magreply ka naman nag aalala na ako sayo. Ano ba nanyari sa cyo? Me: Jefffff.......! Me: Sinasabi ko sayo break na tayo kahit hindi pa kita sinasagot. Siraulo ka...! Me: Bahala ka nga diyan! Me: Jeff, mag-iingat ka kung nasaan ka man. Lagi mong tatandaan na kapag may problema ka nandito lang ako para sayo. Handa akong makinig at damayan ka. Nandito lang lagi ang sunny mo. Huling text ko sa kanya. Ang dami ko na kasing mensahe na ipinadala sa kanya. Hinayaan ko na lang siya baka busy lang kaya hindi nagrereply. Puwede rin na nagsawa narin siya dahil sa loob ng dalawang ta

