Chapter 29

1563 Words

LUKE "Ahhh...!" Sigaw ko sabay hawak ko sa ulo ko. Medyo masakit at kakagising ko lang. May hangover pa ako hanggang ngayon. Nang makaalis kasi sila Caye ay pumunta ako sa bar para uminom. Hindi na ako bumalik doon sa party. Ayokong makasama ang lalaki na 'yun dahil baka bigla pang magkaroon ng gulo. Kapag nakisama ako sa kanila sa inuman. (FLASHBACK) Tinawagan ko na lang si Rico para may makasama ako. "Bro, puwede mo ba ako samahang uminom?" Tanong ko sa kanya. "Sige bro punta ako diyan," sagot niya sa akin. Habang wala pa si Rico ay uminom na muna ako. Nakainom na rin ako bago pumunta dito. May ilang mga babae ang nag-papapansin sa akin. "Hey handsome," tawag sa akin ng babaeng sexy. Sexy ito at maganda rin pero kahit gaano pa sila ka sexy ay wala ng epekto sa akin. "F*ck off!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD