Kabanata 16

2707 Words
"ARE YOU sure about your decision hija? Hindi naman kita pipigilan, susuportahan kita sa ano man na magiging desisyon mo. Kami ng Mommy Minerva mo," wika ng ama ni Gisella habang naghahapunan silang dalawa. Wala na siyang balak na bumalik pa sa kompanya ng ama upang tulungan ito sa kabila ng lumabas na katotohanan tungkol sa kagagawan ng sariling kapatid. She can still vividly remember what happened that day when she made a mistake. Totoo na nagkamali siyang pumirma matapos na makatanggap ng go signal mula sa kapatid na kailangang-kailangan na ang dokumento na 'yon na kanyang mapirmahan. She did what she is asked to do, what she gets? Hatred by so many people. Matagal na siyang pilit na kinokontrol ni Genevieve ng hindi niya namamalayan. Malaking kahangalan niya ang bagay na 'yon. Simula pa lang noong mga bata pa lamang silang dalawa, pilit nitong ikinukubli siya sa malayo, sa lahat ng mga pagkakataong magkakasama silang dalawa at makita siya ng iba. That conceited woman wanted to make her life miserable to the very beginning. Galit ba siya kay Genevieve? Yes. She’s not a saint after all. Hindi siya galit dahil sa sinadya talaga nitong magkamali siya dahil malaki pa rin sa pangyayaring 'yon ay kasalanan niya. Ang gusto na lamang niya ay marinig mismo mula rito na humingi ito ng tawad. Pero ngayon, nagdadalawang isip na siya kung posible pa ba 'yon na mangyari dahil sa naglilipanang isyu sa kanya. Kaya pa ba niyang maayos ang sariling pangalan na sinira nito gayong tinanggap na niya ang alok na kasal ni Eston sa kanya? Mukhang malabo pa iyon na mangyari. Lalo't kung hanggang ngayon ay masyado pa rin siyang apektado sa napakalaking kasalanan na ginawa ng sariling kapatid sa kanya at sa lalaking mahal. Labis na nasaktan sila ng lalaki. Kitang-kita niya 'yon palagi sa mukha niyon, subalit wala siyang ibang magawa kung 'di ngumiti at sabihing ayos lang ang lahat. Wala itong kasalanan. Pero sa kabilang bahagi ng kanyang isipan, she's still blaming herself. She knew to herself that she's weak, and couldn't do much about her own problems. "Pumayag ba talaga siya dad na makipagkita sa 'kin?" bigla ay tanong niya. Sinisiguradong hindi nagsisinungaling lamang ang kapatid na si Genevieve sa hiling niyang makipagkita dito. Ayaw na niyang patuloy na palipasin pa ang araw na hindi sila nagkikita at nakapag-uusap na dalawa. She wanted to clear something and make an end of the hatred she had deep inside her heart, hindi 'yon kusang mawawala kung walang closure na mangyayari sa pagitan nilang dalawa. "Yes hija. Don't worry, I also made sure she will not hurt you again," mapang-unawang wika ng kanyang ama sa kanya. Naroon ang matinding pagsisisi ng ama dahil sa kinahantungan ng mga nangyari. Hindi niya kahit kailan na sinisi ito sa kung ano'ng klase ng tao na lumaki ang panganay na anak. Malaki ang pasasalamat niya sa ama kung papaano nitong sinubukan na mabuo ang pamilya, gayong wala na itong katuwang na kasama. "I'm sorry anak, I'm very sorry for being an incompetent father," muling hinging paumanhin nito. "Dad, no need to apologize. It's Ate Gennie's fault for choosing to do evil things instead of telling me the real problem. You only did what is right for our family. Ako na lamang po ang bahala na umayos ng problema ko sa kanya. ‘Wag na kayo masyado na mag-isip. Everything will be fine." Napayuko na lamang ang ama niya sa matinding kahihiyan. Kahit kailan ay 'di niya magagawang sisihin ito. Sa lahat ng sakripisyo nito, pag-unawa sa kanilang magkapatid at sa walang kapantay na pagmamahal nito na naging bulag ang kapatid na makita. She must really make sure that Genevieve realizes everything before it's too late. "I REALLY thought you weren't coming," bungad na sabi ni Gisella. Walang mababakas na reaksyon sa kanyang mukha nang mag-isa siyang makipagkita sa kapatid na si Genevieve. On the other hand, Genevieve looked really bored. Hinipan nito ang mga daliri sa kanang kamay. Halatang bago magtungo sa lugar na iyon ay dumaan muna ito sa parlor. Malaki kasi ang pinagbago ng buhok nito, nagpableach at nagpacurl ito. Muntik na nga niyang hindi ito makilala kung 'di lang niya nakutuban agad ang awra nito. Nakatuon din kasi ang paningin ng mga taong naroon sa lugar sa kakaibang kasuotan nito. Her sister really ruined her previous sophisticated looked, nagmukha na itong kagagaling lamang ng club with her black tight dress, hapit na hapit sa baywang nito at hindi man lamang umabot sa tuhod ang palda niyon halos lumuwa rin ang dibdib nito. Maling kilos lamang nito, pakiramdam niya ay masisira na ang damit na suot nito. Pilit na ipinagsawalangbahala na lamang niya ang hitsura nito. Hindi naman siya nakipagkita rito upang punahin ang mga bagay na 'yon. "Why did you do those things?" prangkang tanong niya. Ayaw niyang ubusin ang oras na magpaligoy-ligoy pa kung alam na mismo niya sa sariling hindi ito magkukusang ipaliwanag sa kanya ang totoong dahilan kaya pilit nitong sinisira ang buhay niya. Hindi ito umimik. "Ate Gennie, I'm not wasting my time. Gusto kong malaman bakit ganoon na lang ang galit mo sa 'kin at nagawa mo pang idamay si Eston!" 'di na niya mapigilang magtaas ng boses. She tried her very best to stay calm. Pero parang malabo na iyon sa kanyang gawin lalo't sinasadya siyang hindi pansinin nito. "You're still calling me ‘ate’? Ang akala ko, tinalikuran ninyo na akong lahat. Hindi ba nanggaling na mismo kay dad na itatakwil na niya akong anak noong araw na sinaktan kita?" animo'y bored na sabi nito. Umismid ito saka sumimsim ng inumin na nasa mesa. "I—please... could you please give me an explanation why you did those? Ganyan ba katindi ang pagkamuhi mo sa 'kin kaya kahit ano'ng mangyari sa akin ay wala kang pakialam? When did it start for you to hate me this much? Noong bata ba tayo? Noong naghiwalay ba sina mom and dad? Hindi ko malalaman ang dahilan kapag 'di mo pinaliwanag sa 'kin..." mariing wika na niya. Umaangat ang paningin nito upang salubungin ang mga mata niya. Sa pagkakataong iyon, hindi na boredom ang makikita sa mga 'yon kung 'di pagkasuklam. Nakaramdam siya ng takot. Ngunit pinaglabanan niya 'yon. Ganoon siya sa tuwing may pagbabantang mababanaag sa mga mata ng kapatid. Kaya naman kapag gusto niyang malaman ang ikinagagalit nito napangungunahan na agad siya ng takot. Pero 'di na siya katulad ng dati. Nanatiling nakaupo siya habang naiyukom naman ang dalawang kamay na nasa ilalim ng mesa. Nang marahil mapansin nitong hindi siya nagpatinag. Nakita niya sa unang pagkakataon na sumuko ito. Sa halip na tingnan siya ng masama ay ibinaling na lamang nito ang atensyon sa inuming nasa mesa. "You're really stupid Gisella," rinig niyang sabi na lamang nito. "You kept on saying that. But who's really stupid right now? You can't even say right in front of my face your real problem with me. Pero palaging 'yan ang bukambibig mo sa 'kin," anang niya sa matinding frustration. "Well. You're really just stupid." Nakagat na niya ang ibabang labi. Halatang wala talaga itong balak na sabihin sa kanya ang totoong dahilan kaya siya sinasadyang saktan nito. "Naalala mo ano'ng nangyari sa pamilya natin ten years ago?" mayamaya'y tanong nito. Agad siyang napaisip sa tanong na 'yon nito. Papaano niyang makakalimutan ang nangyari ten years ago samantalang iyon ang pinakatumatak sa memorya niya nang umamin ang mga magulang nilang nais na ng mga iyon na maghiwalay? Hanggang ngayon sariwa pa sa memorya niya kung paanong umiyak sa harap nila ang ama para humingi ng kapatawaran sa kanila dahil hindi nito nagawang protektahan ang sariling pamilya. "It's your fault that’s why they decided to get an annulment. Kung 'di ka sana nakialam at nagsalita ng araw na 'yon tungkol sa problema nina mommy at daddy, baka hanggang ngayon buo pa ang pamilya natin. Masyado kang pabida, 'yang pagiging self-entitled mo with your own words ruined our family." "W—What do you mean?" "What do I mean? Bakit parang 'di mo alam ang totoong nangyari? If only you shut your mouth when mom is crying over something you didn't know. Baka 'di niya kinausap si dad na it's time for them to realize that they don't really love one another. Alam mo namang mahal ni dad si mom, to the point na pinakasalan niya nga kahit noong umpisa arranged marriage 'yon." Umiling-iling na siya. "Ayoko ng ubusin ang oras mo. Tulad na nga rin ng sinasabi mo, you're only wasting your time because of me. Pwedeng isalaksak mo rin sa kokote mo 'tong katotohanan na ikaw ang dahilan kaya naghiwalay ang mga magulang natin. You may look so innocent pero dahil sa pagiging bobo mo, nasira ang maganda at perpektong pamilya na mayroon tayo. Kaya 'wag ka ng magulat kung bakit ganoon na lang ang galit at pagkamuhi ko sa 'yo, to the point na handa kitang saktan nang paulit-ulit." "Is that true?" Hindi pa rin siya makapaniwala sa naririnig. Pakiramdam niya gusto na lamang niyang magpakain sa kinauupuan dahil sa rebelasyong 'yon na gumuho sa mundo niya. Kinuha na nito ang bag saka tumayo. "I think, we're done here already." "I..." Hinarap muli siya ng kapatid. "What? May sasabihin ka pa ba ngayong alam na ang totoo? Gusto mo pa bang isalaksak ko sa kokote mo na kasalanan mo kaya pagkatapos ng nangyaring 'yon itinuon na ni dad ang atensyon niya sa trabaho at kinalimutan na ako. Ikaw lang palagi ang pinaglalaanan niya ng oras dahil ikaw daw ang pinakaapektado. Ako raw kasi ang panganay kaya dapat ako ang unang umunawa ng lahat ng nangyari. But I just can't understand. Kasalanan mo 'yon pero bakit pumabor pa sa 'yo ang nangyari. Isn't it unfair, Gisella? 'Di ba?" "That's not what happened that day," aniya. "Ano'ng sinasabi mo? Balak mo bang baguhin ang nangyari? Aren't you yet satisfied to ruin this family further?" "I never ruined our family. Hindi gano'n ang nangyari ten years ago. Wala akong sinabi kina mom and dad na maghiwalay sila. Pero paano mo naatim na hayaan na lang si mom na magkagano'n. Well, in fact you're fully aware on what's happening. I almost believe na mahal ni mom si dad. Umiiyak si mom sa 'kin, she kept on apologizing if she will leave us. Kahit kasama niya tayo, aminado siyang may kulang pa rin sa kanya. Hindi siya masaya dahil alam niyang iba ang gusto niyang tao na makasama 'yon ay si Dr. Sulivan. Pareho siyang umiiyak sa harap natin, humihingi ng tawad. Aren't you sad because both of our parents are hurting that time?" Bumakas ang gulat sa mukha nito. "You're saying you're hurt, pero palaging sarili mo lang ang iniisip mo. Kapag 'di nasusunod ang gusto mo agad kang nagagalit. You're being selfish. Hindi lang sa 'kin maging kina mom and dad. Gusto mo ikaw lang napakikinggan, gusto mo ikaw lang palagi ang nasusunod. Okay, you can blame me as much as you want. Pero 'di mababago niyan ang totoo, na mas masaya na ngayon si mom kasama ang taong totoo niyang mahal. Si dad? Aren't you sad to see him hurting because of what you are doing? Nasasaktan siya dahil tayo na nga lang nagpapasaya sa kanya pero nagawa mo pang sirain ang natitirang kaligayahan na mayroon siya." Humugot siya nang malalim na hininga. "Nagbulag-bulagan siya para lang mag-stay ka. Paulit-ulit ka niyang pinatawad sa lahat ng ginawa mo dahil ayaw niyang pati ang mga anak niya mawala sa kanya. Masaya na siya kahit sa ating dalawa lang na makasama niya. If you think you're not well appreciated, I'm sorry to say this but you're wrong. Whenever dad and me are together he kept on saying how happy he is being with us. Pero pati ang kaligayahan niyang 'yon sinira mo." Siya naman ngayon ang tumayo upang lapitan at pantayan ang mga mata nito. "‘You're perfectionist. But you're also a narcissistic person. Sana makita mo kung ano'ng ginawa mo sa nakalipas na mga panahon na ikaw mismo ang nagdala ng problema sa pamilyang 'to. I've been quiet all this time of your bullying to me. I did that because I don't want dad to worry about us. Sana 'yang part na 'yan isalaksak mo sa kokote mo. I'm not really the stupid person here, ikaw 'yon. Ikaw na masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo..." Nauna na siyang maglakad palabas ng lugar. Pakiramdam niya isang malaking nakadagan sa puso niya ang natanggal ng mga oras na 'yon. Pero 'di pa rin niya kontrolado ang sariling emosyon dahil nagsimula na noon na bumagsak ang mga luha niya sa mga mata. She was crying while crossing the road. "Gisella!" Nag-angat siya ng paningin nang makitang naglalakad patungo sa direksyon niya si Eston. "Eston? What are you doing here?" agad na tanong niya. Gumuhit ang matinding pag-aalala sa mukha nito. "You're crying? Sinaktan ka na naman ba ni Genevieve? Kung alam ko lang na magkikita kayong dalawa. I shouldn't have let you go by yourself," mariing sabi nito. "I'm okay Eston. Nag-usap lang kami ng kapatid ko sa loob. Hindi niya rin ako sinaktan." Nagdududang napatingin ito ng matagal muna sa kanya. Mayamaya'y sunod-sunod ang pag-iling na nito. "I can't believe that she didn't hurt you. Hindi mo kailangang pagtakpan pa siya. Sa lahat ng mga nangyari, something like not hurting you doesn't exist in her own dictionary." "Please, calm down Eston," aniya nang harapin na ang nobyo. Pinantayan niya ang mga mata nito saka pinisil ang mga kamay na noo'y hawak niya. "Totoong nag-usap lang kaming dalawa sa loob at nilinaw ko na rin sa kanya ang lahat." "It took you a lot of courage to finally face her. I'm glad that you're able to speak with her. Sa dami ng mga maling nagawa niya sa 'yo..." Mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon pagkatapos na makausap si Genevieve. Wala rin naman siyang inaasahan na magbabago sa kapatid dahil tiyak niyang ano man ang sabihin niya ay 'di naman niyon bastang tatanggapin. Kung ano lamang ang nais nitong paniwalaan walang saysay din ang kahit na ano'ng paliwanag niya. Mariing naisara na lamang niya ang mga mata. Naramdaman niyang niyakap siya ng mahigpit ng lalaki. Sapat na sa kanyang sa lahat ng mga nangyari ay may mga taong yayakap at naniniwala pa rin sa kanya. Ibinaon niya ang mukha sa mga bisig nito. Ang buong akala niya matapos ang ginawa sa kanila ng Genevieve, ay hinding-hindi na niya magagawang yakapin pa ito. It was the evil doing of her sister that led them to be this scarred. Ang pasya niya sanang pakawalan na ito ng tuluyan dahil sa mga nangyari, lalo na't batid niyang labis itong nasaktan. She was also really hurt. Pero naroon ang kagalakan niya ng makailang beses niyang makita ang binata na sinusubukan na suyuin siya, makipaglapit sa kanya upang magkaunawaan muli sila. Subalit sa kabilang bahagi ng isip niya. She still feels that something is not right. Iyon ang palaging bumabagabag sa kanya tuwing nagkikita silang dalawa, and that makes her worry. "I'll give you lift, deretso ka ba sa shop mo pagkatapos mong makipagkita kay Gennie?" tanong na nito sa kanya. Saka niya naalala ang nabanggit nito sa kanya noong huli silang nagkita. "The letters?" Halatang sandaling natigilan ito. "I forgot to bring them. I'm in a rush earlier... I'm very sorry." "You don't have to apologize for that. I understand, you're busy." "Gisella..." Magaan na pinisil nito ang kamay niya. Wala naman siyang ibang planong gawin pagkatapos niyon. Gusto rin niyang maglaan pa ng oras na kasama ang lalaki kaya ayos lang kung magkakasama pa sila ng matagal. Nag-aalala rin siya sa nobyo dahil mukhang stress na ito sa trabaho. Nangangalumata na rin ito. Naroon na natuon ang atensyon niya sa noo nitong tumatagataktak ang pawis ng mga oras na iyon. Batid niyang pinagsasabay kasi nito ang trabaho at siya, kahit paulit-ulit na rin niyang sinabi rito na kailangan nitong unahin muna ang sarili. Sobra-sobra nang pagbawi ang ginawa nito. Masyado nitong sinisi ang sarili kahit alam naman nilang pareho na kasalanan lahat iyon ng kapatid niya. "If you don't mind, I want to go to your place to personally get them."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD