bc

The Wronged Angel

book_age16+
418
FOLLOW
1K
READ
billionaire
goodgirl
sweet
bxg
lighthearted
office/work place
first love
lies
model
passionate
like
intro-logo
Blurb

FREE | COMPLETE

Minsang umibig si Gisella sa lalaking ni isang beses ay 'di niya nakita ng personal. Naniniwala kasi siya sa sincerity nito sa mga sulat na ipinapadala sa kanya kahit matagal man niya kung matanggap ang mga 'yon. Naging sandigan kasi niya ang kapalitan ng sulat, at doon din umusbong ang kakaibang spark sa pagitan nilang dalawa. Ngunit ang labis na gumimbal sa kanya ay kung kailan nakabalik na pala ang lalaki ng bansa, nalaman niyang nakatakda na pala itong ikasal sa nakatatandang kapatid niyang si Genevieve.

Paano'ng nangyari 'yon?

Pero sa huli nang makita naman ng parehong mga mata niya na mahal nito ang kapatid niya. Siya na lamang ang tumanggap na wala na talaga silang dalawa ng binata, saka future sister-in-law na siya nito.

Subalit makailang beses na nagkrus ang mga landas nilang dalawa at nagpalito sa kanyang pinal na noon na desisyon.

Sigurado ba siyang magagawa talaga na pakawalan si Eston kung ang puso niya ay ang binata pa rin ang itinitibok?

***

Special thanks to Hestiadite Aetos for my book cover!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"LET'S welcome our very own angel, Gisella Miguel Lacanlale!" Pumailanlang sa buong lugar ang palakpakan ng lahat ng taong naroon sa event place ng launching ng bagong design ng Hillary, isa sa mga kilalang brand ng lingerie sa Paris. Kapwa nakatuon ang atensyon ng mga taong naroon sa babaeng nakatayo sa gitna ng ramp stage. Isang kindat lang nagsimulang nang magwala ang mga tao. The woman was no taller than five feet and four inches with an exquisite body figure that no wonder any man would really start to drool. At the moment she appeared, she was as if the most beautiful thing people had ever seen. Halos see through na ang harapan ng suot niyang black strap halter nighties kung 'di lamang natatakpan ng silicone pad ang dibdib. Lalong lumakas ang sigawan at tilian ng mga tao nang gumiling-giling pa sa gitna ng stage si Gisella. It's not because she's tempting the people, she's only showing how seductive and intimate the lingerie she's wearing. "That's hot, Ella!" agad na bungad na sabi kay Gisella ng make up artist sa may backstage. "You're so beautiful in the spotlight Ella!" Nakangiti naman niyang tinanggap ang inabot nitong robe at ibinalot sa nilalamig na niyang katawan ng mga oras na 'yon. "Thanks! I hope that helped your launching day," all smiles na sabi niya sa mabuting kaibigan na si Hilton na nag-abot sa kanya ng robe kanina. "You helped me so much today!" Nagsimulang mamasa-masa ang mata ng kaibigan, ang may-ari ng Intimate at designer ng mga lingerie na inirampa niya kanina. "You really know how to make me happy, Ella!" mangiyak-ngiyak ng sabi nito. "Of course, what's for that I'm here to help you!" "You little angel, how can I possibly repay you for your out of this world kindness to this old man like me?" Humaba tuloy ang nguso niya sa kanyang narinig. Trabaho niyang maging modelo, kaya nagtatampo siyang isipin nitong mabait lamang siya kaya't tinanggap ang alok nitong magmodelo siya para sa mga bago nitong labas na design. "You deserve all those compliments earlier. It's not just because I was the one who wore them, it is your hard work that paid off!" "No, no. Without you, my designs will never get recognized like that." Malungkot na tuloy siya. Hanggang ngayon pa rin ay may duda pa rin ang kaibigan niya sa kakayahan nitong magdesign at lumikha ng mga magagandang kalidad na lingerie, at palagi pa ring bukambibig nito na kung 'di dahil sa kanya ay walang makakakilala ng mga produkto nito gayong kahit saang panig na yata ng mundo ay kilalang-kilala na ang brand ng Hillary. Nang gabi ring 'yon nagkaroon ng sandaling dinner party para sa success ng launch. Lumobo ang puso niyang malaman na na-sold out ang lahat ng products sa mismong day ng launching nito. Iyak nang iyak si Hilton sa magandang balita, at marami ring models na nakasama niya ang nagkaroon ng breakthrough dahil sa nangyari. They were all singing and laughing that night. Hindi niya rin maitago ang labis na tuwa dahil sa nangyari. Naging sobrang worth it ang pagtanggap niya sa offer ng kaibigan, kahit marami sa mga kilala niyang modelo na tanggapin ang sanang trabaho. Kumukirot pa ang sentido ni Gisella nang umagang 'yon matapos siyang magising sa loob ng kanyang nirentahan na hotel suit sa Paris. Umiikot pa ang paningin niyang bumangon at abutin ang bag. Nasa loob kasi niyon ang cellphone niyang batid niyang kanina pa may tumatawag. Nahagip pa ng paningin niya kung kaninong tawag ang kanyang natanggap. "Dad!" magiliw na sagot niya sa tawag na 'yon. "Hija, kanina pa ako tumatawag sa 'yo. Ang buong akala ko ay may nangyari na sa 'yong 'di maganda kaya 'di mo agad nasagot," nag-aalalang sabi tuloy ng kanyang ama sa kanya. Sandaling sinulyapan niya ang screen ng kanyang cellphone nang mapagtantong limang beses siyang sinubukang tawagan ng ama. "I'm really sorry dad. Natagalan masyado ang dinner party namin kasama ang ibang models. I still have a hangover right now..." She groaned. Hindi na kasi niya nakayanan pa ang matinding p*******t ng sentido niya. "Oh my God, are you okay hija?" "I'm okay dad. Parang binibiyak lang ang ulo ko ngayon..." "God! Hija, what happened to you? Where are you right now?! May nangyari bang masama? Hindi na sana kita pinayagan pang magpunta riyan!" sunod-sunod na sambit na ng kanyang ama. Nahimigan agad niya sa boses nito ang pagpapanic. Mabilis na tumayo na siya upang kumuha ng tubig at uminom ng gamot. She does not want her dad to fly all the way from the Philippines just to check on her. Kilala niya ang kanyang ama na kayang gawin ang bagay na 'yon. "I'm okay dad. I promise. 'Wag na kayong mag-alala sa 'kin, bukas din babalik na ako ng Pilipinas," aniya nang sa wakas ay kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya matapos na makainom ng gamot. Nagtaka siya na wala ng narinig mula sa kabilang linya. Malalim na napasinghap na siya. No way! Seriously?! Makalipas ang ilang oras makaraang maputol ang tawag ng kanyang ama. Sunod-sunod na katok na mula sa pinto ng kanyang hotel suite ang narinig niya. Mariing naisara niya ang mga mata nang buksan ang pinto. Doon ay agad na sinalubong siya ng mahigpit na yakap ng ama. Dapat pa ba siyang magulat na makita ito roon? No, she didn't bother herself to think of anything else. Gumanti na lamang siya ng yakap sa ama ng mga oras na 'yon na batid niyang labis niyang pinag-alala. "I'm worried as hell because of what you said," mahihimigan sa boses ng kanyang ama na naroon pa rin ang pag-aalala para sa kanya nang mapabaling ang atensyon niya sa mga taong kasunod nitong nagtungo roon sa kwarto niya. "I even brought my friend to check on you. Mahusay siyang doktor," saad ng kanyang ama nang iginaya niya itong makapasok sa loob. Pinatuloy niya rin ang tinutukoy nitong doktor at marahil kasama ring dalawang staff nang agad na makilala 'yon. Nang mga sandaling 'yon, walang dudang lahat ng mga ito ay nagtataka na makita siyang maayos naman ang lagay, she looked too healthy for her dad to call it an emergency. Napabaling sa direksyon niya ang paningin ng doktor na kiming ngumiti na lamang din siya. Batid niya kasi kung gaano kalaking abala ang ginawa niya. She shouldn't have said those things to her father. Alam naman niyang grabe kung magreact ang ama niya para sa kanya, to the point na tiyak niyang ginamit din nito ang sariling private jet mapuntahan at makita lamang siya ng personal. Her father is a well-known business magnate. Nagsimula ang business ng kanyang ama mula sa maliit na coffee farm na namana nito sa lolo nito bago iyon pumanaw. Hanggang sa nagawang mapalago 'yon ng kanyang ama, at hindi lamang 'yon ay nagawa rin nitong magmay-ari ng iba't ibang enterprise habang pinapalaki ang negosyo ng coffee bean, at nakapagpatayo na rin ng mga coffee shop sa halos lahat na ng bansa sa buong mundo. Sa edad na forty years old, naabot na ng kanyang ama ang tagumpay nito sa buhay, kaya sobrang proud siya sa lahat ng achievement nito. Kaya bilang anak, she looked up to her dad. Pero hindi palaging gifted ang isang tao. Hindi kasi niya namana mula sa ama ang husay nito sa creativity at pagiging business minded. She's way to soft for the kind of job that her family has. Sabi nga, kapag daw hinawakan niya ang business ng ama, baka raw mawala na lang daw 'yon ng parang bula. "Dr. Sulivan, please examine her immediately. Sinabi niya kanina sa 'kin na para raw binibiyak ang ulo niya sa sakit," nag-aalalang sabi ng kanyang ama sa doktor na napatingin sa kanya. She immediately shook her head. "Uhm. Dad, I'm just fine, I'm sorry if I didn't use a proper verb to say what I'm feeling earlier. It's not that really bad..." paliwanag niya. Maging ang doktor ay agad ding naintindihan ang sinasabi niyang ayos lang talaga siya. Malakas pa siya sa kabayo, at nawala na rin kanina pa ang matinding p*******t ng ulo niya. But it's quite too late for her to say that to her dad, na ngayo'y sinisimulan ng kalikutin ang dalang bag ng doktor na kasama. "Mr. Lacanlale," pigil ni Dr. Sulivan sa bastang pangingialam ng ama niya sa bag na dala nito. Maging siya ay umawat na rin dahil ayaw na lang din niyang lalo pang lumaki ang gulo. Alam niyang labis niyang pinag-alala ang dad niya, to the point na kinailangan pa nitong lumipad galing Pilipinas para lamang makita siya. "Ayos lang po talaga ako dad. Nakainom na rin po ako ng gamot kanina," aniya. Mayamaya rin ay kumalma na ang kanyang ama. Nang matigilan siya matapos na makatanggap siya ng panibagong tawag. It was from her mom. Here we go again... Napaismid na siya. Wala siyang nagawa kung hindi sumenyas sa ibang tao na naroon na lumabas muna habang naiwan namang kasama niya sa loob ng kwarto ang kanyang ama. "Mom," sambit niya nang sagutin ang tawag. "Sweetheart, have you seen your dad?" bungad na tanong ng kanyang ina na si Minerva. Sandaling sinulyapan niya ang ama sa kanyang likuran na kinakilot ang mga nagkalat niyang gamit sa ibabaw ng kama. Her dad is also known to be a clean freak. Ayaw nito ng makalat na lugar o maski kwarto, pero kaya lamang naabutan na magulo ng kanyang ama ang kwarto niya ay dahil balak na niyang mag-impake at bumalik ng bansa, only to be surprised that her dad came to Paris just to see her! "He's with me," sagot na lamang niya. Narinig niyang malalim na bumuntong-hininga ang ina niyang si Minerva. Batid niya ang labis na frustration sa boses nito. "Narinig ko siya kaninang nagmamadaling tinawagan si Pilot Gonzales para ihanda ang private plane sa lalong madaling panahon. Your dad is extremely worried about your health." Muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang kanyang ina. Batid niyang makailang beses na din itong napapailing. "By the way, are you now okay hija? Siguradong may jetlagged pa si Dr. Sulivan dahil gabi na ngayon dito sa bansa habang may araw pa riyan sa Paris." Sa katunayan, Dr. Sulivan is her mom's new husband. Halos isang dekada na rin noong naghiwalay ang mga magulang niya. Hindi naman kasi katulad ng ibang lovestory na alam ng lahat kaya't nagkakilala ang mga magulang niya. It's a business marriage. Pareho namang tinanggap ng mga magulang niya ang pagkakasal ng mga ito, pero nang magdalaga na siya ay umamin din ang mga itong nais ng maghiwalay. "Maayos na po ang pakiramdam ko. Nakainom na rin po ako ng gamot, and you know it mom that I will call you if I'm feeling terribly sick." Binalingan niyang muli ang ama na tiyak niyang patapos na sa ginagawa nito. "Sasabihan ko na lang po si Dr. Sulivan about his long week vacation. Don't worry." "I know sweetheart... I hope your dad didn't ruined your stay there." Natawa na lamang siya sa kakaibang tono na ng boses ng ina, tila ba dismayadong-dismayado ito sa ginawa ng dating asawa. "Hindi naman po, saka balak ko na rin pong bumalik ng bansa mamayang gabi." "Okay, I'm glad to hear that. Sabihan mo na lang ako kapag settled na kayo ng dad mo sa pagbalik n'yo ng bansa." "Yes, mom. Thank you for calling me." "Ganoon talaga sweetheart, tatawagan kita. I love you, and mag-iingat kayo ha." "I love you too, mom!" Kahit matagal ng hiwalay ang magulang niya, masaya siyang maramdaman na wala pa ring pinagbago ang ina na 'di siya nakakalimutan na kumustahin siya. Maging alam din nito kung paano siya ma-contact sa mga ganoong sitwasyon. Ibinaba na rin niya ang tawag nang muling balingan niya ang direksyon kung saan huling nakita ang dad niyang nalinis at naayos na ang mga nagulo niyang gamit. Pati ang kama niyang kanina ay 'di na niya mawari ang lagay dahil sa mga nagkalat nihang damit ay hayun, animo'y wala tuloy na nagcheck-in sa suite na 'yon ng halos apat na araw. "Are you done speaking with your mom?" bungad na tanong ng ama niya nang lapitan niya ito. "Yep," tipid na sagot niya. Kahit ilang araw lamang niyang 'di nakita ang ama, batid niyang labis niya pa rin itong na-miss. Nang makalapit ay agad na niyakap niya ang ama. "I miss you dad," aniya. "I miss you too, hija." "Babalik ba agad kayo sa Manila?" "Bakit? Tapos na ba kayo rito?" Tumango siya. "Opo, sabay na ako sa inyo." Sumilay ang munting ngiti sa mga labi ng kanyang ama. Alam na kasi niyang 'di siya nito iiwan hangga't hindi siya naisasama pabalik ng Pilipinas. Maganda na rin 'yon na mas mapapadali ang biyahe niya na 'di na kailangan pang pumila sa airport, saktong peak season din na marami ang mga tao sa mga paliparan. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook