PAGKATAPOS na lumapag ang private plane na lulan si Gisella kasama ang ama. Agad na sinalubong ang ama ng dalaga ng sekretarya nitong halatang kagagaling lamang sa mahabang takbuhan.
"Mr. Lacanlale, I know you're still tired from your long journey. But, there are just some urgent matters that I wanted to inform you, one of our clients called two hours ago, and requesting to speak with you about the delay of signing of contracts with the Cole Group of Companies," mahabang saad ng sekretarya na hindi na rin makapaghintay na makatapak man lang sa lupa ang employer. Hindi na niya nagawa pang marinig ang iba pang nais na sabihin ng halatang frustrated na ring sekretarya ng ama.
Iginaya na kasi nito palayo ang dad niya upang marahil makausap nito ng maayos. Habang siya nama'y nakatayo lamang doon at tahimik na naghihintay. Alam niyang sa sandaling umalis ang ama para puntahan siya, malaking delay na ang naidulot niyon subalit sa huli wala rin siyang nagawa kung 'di pagmasdan ang ama na ngayo'y seryoso na ang mukha habang nirereview ang marahil file na dala ng huli.
Nang mayamaya'y dumampi sa balat niya ang malamig na simoy ng hangin at 'di niya maiwasang bumahing.
Naagaw tuloy niyon ang atensyon ng ama niyang tila nagulat pang maalalang kasama pala siya nito.
"Oh, I'm sorry hija. Nakalimutan kong kasama pala kita!" gulat na sambit ng kanyang ama.
She smiled and waved her hand to her dad's secretary to greet him. Pero ang unang nakakuha ng pansin niya ang tila naiiyak na ring huli. Ramdam tuloy niya ang desperation nitong makausap sa lalong madaling panahon ang ama niya.
"Alam ko pong busy kayo, ayos lang po,"
Kung 'di siya nagkakamali, binanggit nito ang Cole kanina. Malaking kompanya 'yon na kamakailan lamang na nagdecide na mas palawakin pa ang enterprise nito.
Ngunit hanggang doon lang ang alam niya dahil sa tuwing negosyo ang napag-uusapan. Those topics are already beyond her ability to understand. Masyado na 'yon na mahirap sa kanyang maunawaan kaya makailang beses ding nalagay sa alanganin ang kompanya ng ama noong mabigyan siya ng pagkakataong hawakan ang ibang sangay niyon.
"Mauna ka na muna sa 'kin, hija. Pasensya na na kahit sabay tayong bumalik ng bansa ay wala pa rin tayong time na magkasama," malungkot na na sabi na tuloy ng kanyang ama sa kanya.
Lumapit siya upang matunog na halikan ito sa pisngi. "No need to apologise dad. I completely understand your work. Saka wala naman na akong naka-sched na projects sa mga susunod na linggo," aniya.
Ngumiti naman ito. "Okay..."
Binalingan niya ang sekretarya nito. "Cheer up! I know you're doing best!"
Katulad ng ama ay ngumiti na rin si Secretary Howlan.
"You're really nice Ms. Gisella! Mag-iingat po kayo!"
Naunang naglakad na siya patungo sa nakaabang na sasakyan sa 'di kalayuan habang kumakaway sa kanyang ama. Lumulan siya sa loob niyon na may inis na gumuhit sa kanyang mukha.
She couldn't pretend anymore how disappointed she was earlier. Hindi siya dismayadong 'di niya makakasama ang ama ng mas matagal pa.
Nalulungkot lang siyang makitang wala siyang magawa gayong kitang-kita kung gaano ka-busy ang ama sa trabaho nito. Idagdag pa ang pagiging careless niya na nakidagdag pa siya. Alam naman niya kung gaano ka-busy na tao ang dad niya.
That's the reality, she always reminds herself.
Ang oras ng kanyang ama ang una niya palaging priority. But, looked what she had done. Dagdag trabaho para sa kanyang ama.
Puro na lang siguro sakit ng ulo ang dala niya.
Humaba ang nguso niya at nag-unat na siya ng mga binti. Nang 'di tuloy sinasadyang matamaan ng paa niya ang driver.
She gasped. "I'm sorry, I didn't mean it," agad na hinging paumanhin niya.
"Ayos lang po ma'am," sagot naman ng driver sa kanya.
Nakakahiya talaga siya. Walang mapaglugaran ang pagiging careless niya. Wala na nga siyang silbi sa kompanya ng sariling ama, nakakasagabal pa siya sa mga nagtatrabaho ng maayos.
Napabuntong-hininga na lamang siya.
Ibinaling na lamang niya ang atensyon sa labas ng bintana. Malalim na niyon ang iniisip niya para paglaanan ng kanyang oras.
Humimpil ang sasakyan sa tapat ng bahay na kasalukuyan niyang tinutuluyan sa Pasay. Nang makababa siya ng sasakyan, sandaling nagpasalamat siya sa driver at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay.
'Di pa man niya nailalapag ang dalang bag nang mag-vibrate ang cellphone niya sa loob niyon.
"Sweetheart, nakabalik na ba kayo ng dad mo?" bungad na tanong ng mommy niya sa kabilang linya.
"Yes, mom."
"Good, I'm glad to hear that. By the way, nabanggit na ba niya ang tungkol sa kasal ng Ate Genevieve mo sa 'yo?"
Agad na nagsalubong ang kilay niya. Tama ba ang narinig niyang ikakasal na ang panganay niyang kapatid na si Genevieve?
"Kasal ni Ate Genevieve?" pag-uulit niya sa sinabing 'yon ng ina. Hindi kasi niya alam kung tama ang narinig niya.
Sa katunayan, imposible kasi niyang paniwalaan na ikakasal na pala ang kapatid niya pero wala man lang siyang naririnig na may nobyo pala ito, at ngayon nga ay nakatakda ng ikasal kaya labis-labis ang gulat niya.
"Yes, hija. Last month ko lang din nalaman na balak na nilang magpakasal ng nobyo niya."
Parang kailan lang nang makasama niya ang kapatid. Hindi pa nga 'yon ganoon katagal. Dalawang taon lamang ang agwat ng edad nilang magkapatid. Pero higit na mature mag-isip ito kaysa sa kanya. Business minded din itong mag-isip, at palaging seryoso sa lahat ng bagay. Magkabaligtad ang personality na mayroon siya sa kapatid, she's the total opposite of her sister.
Dalawa lang silang naging anak ng ama at ina niya bago naghiwalay ang mga magulang nila. Matagal-tagal na rin noong huli niyang maayos na nakausap ang nakatatanda niyang kapatid, bukod sa busy na rin itong katuwang ng kanyang ama sa kompanya ay tila kasabay din niyon ang pagkalayo ng loob nila sa isa't isa.
Kaya siguro hindi siya sinabihan nito na nakatakda na pala itong ikasal.
Naroon ang kaunting pagtatampo sa kapatid na tila naechapwera siya sa mahalagang kabanata nito sa buhay, subalit sa huli ay naging masaya na lamang siya para sa memorable day nito.
"Siguro ay nakaligtaan lamang din sabihin sa 'yo ni George ang tungkol sa wedding ni Gennie." Gennie ang palayaw ng kapatid niya.
"Okay lang po. Ang mahalaga po ay nalaman ko po na ikakasal na ang kapatid ko." Iyon lang naman ang mahalaga para sa kanya. Balak na lang niyang tawagan ang kapatid upang batiin ito. Saka naman sumagi sa isip niya ang ugaling mayroon si Gennie. "Mom, I'm sorry to ask this. Is she—"
"Hindi hija. It's not a forced marriage compare to what happened to me and your father. Si Gennie mismo ang nagsabi sa 'kin na nagkasundo na sila ng boyfriend niyang magpakasal."
"Oh my, I'm happy to hear that!"
Alam niyang napangiti na rin noon ang ina sa galak ng tono ng boses niya.
"Well hija. Kung alam mo rin, napakagentleman ng nobyo ng kapatid mo. Nang makapag-set na silang dalawa ng date para sa wedding nila, tinawagan ako ng lalaki at humihingi ng pasensya dahil hindi na raw nila nagawang magsabi sa 'min ng plano nila. Naiintindihan ko naman, nasa tamang edad naman na sila to decide on their own."
Twenty-six years old na si Gennie, habang twenty-four years old naman siya. Wala naman siyang nakikitang problema sa edad ng kapatid nang magdecide itong handa ng mag-settledown. Her sister has all the rights to decide for her own life.
Kilala niya rin itong desidido sa anomang tahakin nito. Graduate ang kapatid niya ng business management, kaya naman malaki ang naitutulong nito sa kanilang ama sa pamamahala ng kompanya. Kaya hanggang taga-cheer na lamang tuloy siya sa isang tabi habang sa aspeto na 'yon ay malapit ang dalawa.
"Hindi mo ba itatanong kung sino ang maswerteng lalaki na pakakasalanan ng kapatid mo?" may tila panunuksong tudyo ng ina niya.
Well, curious din naman siyang makilala ang lucky guy. Siguradong pasok din ito sa league kung saan kabilang ang kapatid niya, tiyak niyang mature din ito katulad ni Gennie. Napapaisip na rin siya kung dati rin nitong naging kaklase sa college, kilala pa naman niyang mailap sa lalaki ang kapatid. Kaya mahirap na may makalapit na lalaki ritong hindi pasok sa mataas na standard.
"Who's the lucky guy?"
"Well, mahusay ding pumili ang Ate Gennie mo ng lalaking mamahalin. It's none other than Eston Cole, the most sought bachelor in town right now!"
Hindi agad siya nakapagsalita sa pangalang narinig. Naglahong parang bula ang ngiting kaninang nakapaskil sa mga labi niya.
Indeed, she's surprised to hear the name of her sister's soon to be husband.
"Ella? Are you still there?"
Saka lamang siya nakabawi ng composure sa pangalan niyang tinawag ng ina.
"You're surprised? Hindi ba naging close kayo ni Eston before? Nabanggit mo sa 'kin na madalas kayong magpadala ng sulat sa isa't isa habang nag-aaral siya sa Oxford."
"Y—yes, mom."
"Isn't it fate? Ikakasal ang ate mo sa kaibigan mo hija?"
Nagsimulang manginig ang mga kamay niya, at mamawis ang noo niya. Hindi nakatulong ang lamig ng silid kung nasaan siya sa tensyon na namumuo sa kanyang kalooban sa balitang narinig.
"Yes... I'm happy for the both of them."
"Tama rin ang pinili ng Ate Gennie mo na pakasalan, malaki ang maitutulong ni Eston para sa company ng dad mo. Hindi na lamang ang dad at ate mo ang maghahandle niyon. Graduate ng business administration si Eston sa pinakamagandang university sa ibang bansa. Isn't it amazing?"
Wala na yata ang isip niya sa mga sinasabi pa ng kanyang ina. Napunta na kasi ang atensyon niya sa napag-alamang balita tungkol sa kasal ng kapatid sa lalaking ang buong akala niya ay kasalukuyan pa ring nag-i-stay sa England.
Isang taon na rin noong naputol ang koneksyon niya rito, at hindi na ito sumasagot sa mga sulat na ipinapadala niya. Yes, kahit uso na ang mga high-tech na cellphones, kahit video call. They both find writing handwritten letters sentimental and their precious way of communicating to each other.
"Are you okay hija?" She heard her mother gasped. "Oh, I'm sorry. I know you're tired from your long flight. I'll call you again tomorrow. Magpahinga ka na muna hija. I love you sweetheart," paalam na ng kanyang ina.
Matagal bago siya nakasagot. "I love you too mom," aniya nang ibaba ang tawag.
Nagsimulang humakbang siya upang lapitan ang kanyang drawer katabi ng kanyang kama. Sa loob niyon ay may maliit na treasure box.
Parehong nanginginig pa ang mga kamay niyang buksan 'yon at makita sa loob niyon ang mga sulat na natanggap niya kay Eston sa mga nakalipas na taon.
Kagat niya ang ibabang labi nang kunin niya mula roon ang minsang ipinadala nito sa kanyang picture nito. The man in the picture is holding a huge bouquet of red roses. He said that, that was for her. Ewan niya kung masyado lang siyang assuming, pero for her, she thought all along that those red roses symbolizes love.
To my love
I can't bring you yet these flowers. I'll keep them for the time being until I can see you and personally give them to you. I love you, my angel.
- Eston Cole
Tumulo ang luha niya sa mga mata matapos na basahin ang huling sulat na ipinadala sa kanya ng binata.
Isn't it a love letter for her?
But, how come the same man who sent these letters is about to get married to her sister?
Na-curious tuloy siyang makaharap ang lalaking nakatakdang pakasalan ni Gennie. Gusto niyang marinig ang nangyari, kung bakit naputol ang pagpapadala nito ng sulat. Kung paano rin nito nakilala ang kapatid niya. There's too many questions she wanted to ask. Pero sa huli, nakontento muna siyang maghintay ng tamang pagkakataon na magkita silang dalawa.
***