Chapter 3

2433 Words
NASA balkonahe ng bahay si Gisella habang abala siya sa pagpipinta. Why is she painting? Hindi dahil may talento siya sa bagay na 'yon kung 'di nais niya lamang libangin muna ang sarili habang sangkatutak na mga katanungan ang tumatakbo ngayon sa isipan niya. Wala kasi sa mga what ifs niya ang makasagot ng maayos sa mga 'yon kung hindi ang mga taong kilala niya lamang ang makapaglilinaw niyon. Hindi na siya nakatagal pa nang tumayo na siya at ilapag sa mesa ang kaninang hawak niyang paint brush. Sinulyapan niya ang kaninang pini-paint, pati sa bagay na 'yon walang-wala siyang talent. Saka muling sumagi sa isip niya ang mga salitang binitawan ng ina. Her older sister is talented and dedicated to help their father's company. Siya? Kahit ano'ng gawin niya palaging nasa laylayan lang siya. Katulad kasi ng ama niya, napakaraming achievement ang nakuha ng kapatid niya. "Hija, nandito ka pala. Kanina pa kita tinatawag sa baba," rinig niyang wika ng ama sa kanyang likod. Hindi niya tuloy namalayan na naroon pala ang ama sa kwarto niya. Mas lalong 'di niya rin napansin na nakauwi na ito. "Dad!" nakangiting sinalubong niya ang ama ng isang mahigpit na yakap. "Mukhang malalim ang iniisip mo, kanina pa ako kumakatok sa pintuan mo pero 'di ka sumasagot kaya pumasok na 'ko." "I'm sorry po. May ginagawa lang po ako," agad na hinging paumanhin niya. Tiningnan tuloy nito ang tinutukoy niyang ginagawa. "Is that your work art hija?" tanong na nito. "Ah, yeah." Hinawakan na niya sa balikat ito upang igaya palabas ng kanyang kwarto. "It's good." Nagsimula na tuloy siyang bolahin nito sa mga gawa niyang wala siyang makitang kapuri-puri sa bagay na 'yon. "Thanks dad. By the way, nag-lunch na ba kayo?" pag-iiba na lamang niya ng usapan. Nang mahagip ng paningin niya ang oras. It was almost lunch time. "Hindi pa, pero may nakaschedule na akong lunch meeting mayamaya lang. Kaya naisip kong ayain ka ng sumabay sa 'kin, siguradong 'di ka pa nakakapag-lunch. Saka may gusto rin akong ipakilala sa 'yo." Matagal na nakatitig lang siya sa kanyang dad na tila hinuhulaan pa niya kung Sino ang nais nitong makilala niya. "It's a lunch meeting. Is it okay for me to be there?" nag-aalinlangan na niyang tanong. "Of course! It's okay for you to be there," magiliw naman na sagot nito. Sumunod naman siyang bumaba para sundan ang ama na palabas na noon ng bahay. Halatang personal talaga siyang sinundo nito upang ayain na sumabay mag-lunch. Lomobo naman ang puso niya. Nakasakay na siya ng kotse nang maalala ang hitsura. She looked okay with her white sleeveless dress. 'Di na siya nakapagpalit dahil sa pagmamadali. Mukha 'di rin naman ganoong pormal ang lunch meeting, simpleng white polo at charcoil dress pants ang suot ng dad niya. Casual lang ang suot nila pareho nang pumasok sa isang five star hotel. Dumeretso sila sa roof deck ng hotel na 'yon kung saan matatagpuan ang restaurant ng lugar. Habang naglalakad sila ay nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na magtanong kung sino ang nais na ipakilala sa kanya ng ama. "Siyanga pala dad, sino palang ipapakilala n'yo sa 'kin. Bago bang kasosyo n'yo sa kompanya?" mayamaya'y tanong niya. Nang may lumapit sa kanilang hotel staff. "We're here for a lunch meeting with Mr. Cole, nandito na ba siya?" Animo'y naestatwa siya sa kanyang narinig. "A—are we going to meet Mr. Eston, dad?" nababahala na niyang tanong ng mga oras na 'yon. She can't believe na makakaharap na niya ang lalaking dalawang araw ding naging laman ng isipan niya. "Oo hija, nalaman kong nabanggit na ng mom mo ang tungkol sa wedding ng Ate Gennie mo kay Mr. Cole. I'm sorry, it took me sometime to introduce you to him. Alam ko kasing pagod ka pa mula sa biyahe at trabaho. Kaya ngayon ko lang din naaya kayo pareho ni Mr. Cole sa isang lunch meeting," paliwanag ng ama niya. Pero, hindi pa siya handa! She and Eston had been penpal for three years before. Hanggang doon lang ang naging komunikasyon nilang dalawa. "Mr. Lacanlale?" Agad na nagtaasan ang balahibo ni Gisella sa baritonong boses na 'yon na nagmula sa lalaking naglalakad patungo ngayon sa direksyon nilang mag-ama. Pigil ang sariling hininga nang mapatitig siyang maigi sa mukha ng lalaki. "Mr. Cole, hindi na sana kayo tumayo. Kami na sana ang lumapit," wika ng ama niya. May munting ngiti sa mga labi ng huli nang makipagkamay sa kanyang ama. Ngunit nang dumako ang paningin ni Eston sa kanya, labis-labis ang gulat niya sa kalamigan na nabanaag niya sa mga mata niyon. She was stunned to her surprise of the kind of look Eston gave her. "No, I should be the one escorting you. Alam ko kung gaano kayo ka-busy na tao, and you're here spending your time just to introduce me to Gennie's younger sister," saad nito. Hindi na niya nagawa pang makakuha ng pagkakataon na matitigan ang mukha ng lalaki. He is as if intentionally avoiding her. Kaya 'di siya makakuha ng timing na ipakilala ang sarili. Madalas kasing kausap lamang nito ang ama niya. Pero base sa narinig niya kanina, kaya lamang ito naroon ay upang ipakilala siya ng ama, ngunit walang bukambibig ito kung hindi ang negosyo at planong business ventures. Animo'y daig pa niyang wala siya roon sa mesa kasama ang mga ito. She felt awkward all of a sudden. Nang dumating ang pagkain sa mesa nila. Tinulungan niya ang waiter na nagdala niyon upang maayos na mailagay ang pagkain sa mesa. "T—Thank you Ma'am," nahihiyang pasasalamat ng waiter sa kanya. Pero nakalipas pa ang ilang sandali, tila may sariling mundo na ang mga kasama niya sa mesa. She was actually hungry. Pero 'di niya man lang magawang hawakan ang kubyertos, at mauna sa mga ito. Hanggang sa sandaling na-distract ang dad niya. Batid niyang natuon sandali ang paningin ni Eston sa kanya. She sheepishly smiled to him. "Uhm—hi," aniya. Ngunit nagtaka siya nang tila sinasadyang hindi siya nito pansinin. Hindi agad siya nakahulma sa nasaksihang 'yon na pagbabalewala sa kanya ng lalaki. She only regained her composure when her father turned his eyes to her. "Pasensya na hija, sasagutin ko lang ang tawag na 'to. Babalik din agad ako, hanggang wala ako mag-usap muna kayo ni Mr. Cole. He is soon to be husband of your sister Gennie," saad ng kanyang ama. Pilit na napatango na lamang siya. "Y—yes, dad." Katulad ng sinabi ng dad niya, naiwan nga siya kasama ang lalaki. Tahimik lamang ito, subalit hindi pa rin niya nakalilimutan ang halatang disgusto sa mukha nito sa presensya niya. May ginawa ba siyang hindi maganda? Did he not like her? 'Di tuloy niya magawang iangat ang tingin niya. She felt uncomfortable. Malaki ang pagkakaiba nito sa lalaking inasahan niyang nagmamay-ari ng mga sulat na natanggap niya. "I haven't yet properly introduced myself to you. I'm Eston Cole, your sister's fiance." Mahihimigan sa boses nito kung gaano kahirap para ritong magsalita para sabihin ang mga salitang 'yon. Doon ay naglakas loob na siyang harapin ito. She only wanted to clear something, she can't just stay quiet because of his cold shoulders towards her. Tutal alam niya sa sariling wala naman siyang ginagawang masama. "I'm Gisella. I'm sorry to say this, pero napapansin ko ang disgusto sa mga tingin at tono ng boses mo. May ginawa ba akong 'di mo nagustuhan pagdating namin ni dad kanina?" 'di mapigilang tanong na niya. Salubong na ang kilay niya. She can't help but to feel a bit disappointed to this man's attitude. This man is totally different from the one she exchanged letters before. "No, you don't. I'm sorry if you felt that way, but I don't have anything ill towards you." Duda siya sa bagay na 'yon. Ang laki ng kaibahan ng tono ng pananalita nito sa kanya kaysa habang noong kausap nito ang ama niya kanina. Para bang ang baba niyang nilalang para rito na maski ang mga mata nito ay ayaw ding matingnan siya. He is not even looking at her while he is speaking. What a rude man! Umawang na lamang ang mga labi niya dahil 'di talaga siya makapaniwala sa lalaking ito. Sa huli, hindi na lamang siya umimik. Pero naroon pa rin ang kagustuhan niyang itanong kung naalala pa siya nito. Ngunit 'di niya alam paano 'yon sisimulan. Lumipas ang ilan pang sandali. Lumalamig na ang pagkain. Tumikhim na siya. "My dad is always like this. He's a very busy person—" "I don't mind," tipid na sagot ng lalaki. Para bang sa tuwing ibubuka niya ang bibig ay gagawin nito ang lahat upang patigilin agad siyang magsalita. Kung 'di siya nagkakamali, nais siya nitong makausap subalit ano'ng ginagawa nilang dalawa. They're not even moving on their seats. They've been silent all throughout the absence of Gisella's father. "I'm very sorry about that. Tumawag si Secretary Howlan. They badly need my signature right now, kailangan na mauna na akong bumalik sa opisina. Pasensya na kayo," tila hesitant na sabi pa ng kanyang ama. But her concern is, hindi man lamang kahit nakakain sandali ang ama niya. 'Di maiwasang mag-alala na siya. "Please, don't mind me. Just enjoy the meal. Sa opisina na lang ako kakain," paalam na nito. Ngunit sa huli ay wala rin siyang nagawa nang tuloy-tuloy na maglakad na ito palayo. Naiwan siyang kasama si Eston. Maganda ba para sa kanyang pagkakataon 'yon para maipakilala ng maayos ang sarili? "Erm... do you—" "Kumain na tayo bago lumamig ang pagkain," putol ng lalaki sa balak niya sanang itanong. Napatingin na tuloy siya rito nang magsimula na itong kumain. Siguro wala lang talaga itong interes na makausap o maski marinig ang boses niya. Hirap niyang lunukin ang pagkaing nasa harapan niya sa mga nakalipas na sandaling kasama niya ang lalaki. Kahit sa totoo lang ay kanina pa siyang nagugutom, sa isang iglap ay nawalan na siya ng ganang kumain dahil sa malamig na pakikitungo sa kanya ng kasama. Daig pa niya ang isang hayop kung ipagsawalangbahala nito. At that very moment, she already knew that she was rejected. Sa huli ay nakontento na lamang siyang panoorin ang pigura nitong maglakad palayo mula sa kanya. He didn't even offer her a ride. Wala, walang pakialam ang lalaki sa kanya. Tila napilitan lamang itong makita siya dahil sa request ng kanyang ama. Lumabas siya sa may lobby nang maabutan niyang nakatayo sa 'di kalayuan ang driver at sanang bodyguard na kasama niya sa loob. Nais niya sanang ipaalam na naroon na siya nang mahagip ng pandinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. "Oo nga, seryoso. Sinadyang sipain niya ako sa loob ng sasakyan two days ago pagkatapos na 'di siya napagbigyan ng dad niyang samahan sa kung saan man ang gusto niyang puntahan ng araw na 'yon!" kwento ng driver sa kasamahan. "Grabe naman 'yan. Ano'ng ginawa mo?" "Sanay naman na 'ko sa ganitong trabaho na may mga spoiled brat na anak ng amo ko ang natatapat sa 'kin. Ano naman kasing magagawa ko? Saka iba pa rin kapag maganda ang employer mo. Kahit maldita, busog naman ang mata mo araw-araw sa ka-sexyhan ng anak ni Mr. Lacanlale." Agad na napaatras siya sa kanyang narinig. Narinig niyang tumawa ang bagong hire na bodyguard sa huling sinabi ng kasamahan. "Oo, pre. Mabuti na lang kahit walang alam sa trabaho si Miss Gisella nagagamit naman niya ng maayos ang katawan niya." Nagsimulang mangatal ang kanyang labi at hindi na nagbalak pang lumapit sa mga 'yon at ipaalam na gusto na niyang umuwi. "Pero naisip mo ba pre, kung alam mo na..." Nagpalitan na ng tingin ang dalawa. "Halos hubo't hubad nga siya sa harap ng maraming tao. Siguradong pagkatapos ng bawat show nila may palaging umi-score kay ma'am." Malutong na tumawa ang isa. "Ganyan ka kadumi mag-isip pre. Pa'no kung may makarinig sa 'tin ngayon? Pareho tayong mayayari. Alam mong makapangyarihang pamilya ang Lacanlale." Pumalatak na ang huli. "Ano naman? Wala namang alam sa negosyo ang bunso puro pagpapa-sexy ang ginagawa. May pakinabang ba 'yan? Kung ganda lang ng katawan ang mayro'n. Sus, wala na nga siyang silbi sa ama niya at kompanya nila. At least, ako papatulan ko 'yan. Doon na lang siya sa bahay, painitin gabi-gabi ang kama namin pag-uuwi ako para magkaroon siya ng pakinabang." That's not the kind of job that she has. She never sleeps with anyone. Saka 'di niya sinasadya ang pagkakasanggi ng paa niya. Dapat nag-sorry siya ng maayos. Pero, 'di na niya magawa 'yon matapos ang lahat ng narinig niya. She's too scared to even move her body to run away. She must call somebody to help her. Ngunit ayaw kumilos ng katawan niya sa kanyang kinatatayuan. Tila naestatwa na siya roon dahil sa matinding takot. "Hey." Nayanig ang mundo niya matapos na may bastang humawak sa braso niya. Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng boses na 'yon. She's indeed surprise to see Eston beside her with a concern look in his eyes. Doon niya lamang naalalang nakatayo siya sa gitna ng daan. Saka naalala niya ring nauna itong umalis kanina. "Are you okay?" he asked. Binalingan niya ang driver at bodyguard na hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin. Nanginginig ang kamay niyang napahawak na lamang sa braso ng binata. Parehong nanlalambot ang mga binti niyang humarap dito. "P—pasensya na, pero pwede mo ba akong ihatid pauwi?" pakiusap niya sa mababang boses. Sandaling sinulyapan niya ang dalawang bastos na lalaki. Ngunit tila walang balak ang lalaking nasa harapan niyang gawin 'yon. Lalo siyang nakaramdam ng matinding takot nang maalala na ayaw nga pala nito sa kanya. Kung tawagan na kaya niya ang kanyang ama? Pero alam niyang marami na itong ginagawa. Makikidagdag pa ba siya? She's f*****g scared as hell. Subalit mas marami pa siyang hesitation na mag-isip ng ibang paraan na dapat niyang gawin. Ngunit sa huli ay binitawan niya ang lalaki at nagsimulang maglakad na siya palayo. Dad... 'Di pa man siya lubusang nakalalayo... nang hawakan ni Eston ang kamay niya upang pigilan siya. "Okay, tell me where you live and I'll give you a ride," animo'y may pagsukong sabi na nito. Wala siyang imik na sumunod dito. Inalalayan siyang makasakay ng kotse nito. They're still not talking to each other. Hindi tuloy niya maiwasang maalala ang dahilan kaya tuloy niya nakilala si Eston three years ago. It all started when she felt useless for not being able to do anything to help her family. Kasabay niyon ang tila sirang plaka na nagplay sa isipan niya ang mga salitang narinig kanina... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD