BALAK na sanang bumalik ni Eston sa kanyang opisina kung 'di lamang nahagip ng paningin niya ang pamilyar na pigura ng babaeng nakatayo sa mismong exit ng hotel. Nagdudulot tuloy ito ng abala sa ibang mga guest na lumalabas sa naturang lugar.
In-end na muna niya ang call sa sekretaryang tinawagan niya upang ihanda na niyon ang kotse sa labas.
Nakatayo lamang siya habang pinagmamasdan si Gisella. Hindi pa rin kasi ito kumikilos sa kinatatayuan nito. Nang mapansin niya ang tila takot na gumuhit sa mukha nito. Doon na siya naglakad upang lapitan na ito.
Only to find that she's staring at two men who are laughing from a far. Hindi naman niya kilala ang mga 'yon kaya nagtataka siya sa reaksyon ng dalaga.
When he looked again. He recognized the car that is parked beside the two men. Iyon ang minsang kaparehong kotse na nakita niyang gamit ni Mr. Lacanlale nang makipagkita sa kanya. Kung gayon, iyon din ang sasakyan ng dalaga pauwi subalit nagtataka siyang hindi iyon nilalapitan nito.
"Are you okay?" concern na tanong na niya rito.
She looked very scared. Hindi agad ito nakasagot nang makita niya ang panginginig ng mga kamay nito. Medyo nabahala na siya. Naisip niyang hindi na normal iyon.
"P—pasensya na, pero pwede mo ba akong ihatid pauwi?" mayamaya'y pakiusap na nito sa kanya.
At first, he thought that maybe she's planning something. Pero 'di naman siya ganoon kahangal na 'di makitang, hindi talaga ito mapakali, at tila takot na takot ito.
Sa huli ay sumuko rin siyang ihatid na ito pauwi. Wala naman silang imikan na dalawa sa loob ng sasakyan. That's what he also intended to do. Ayaw niyang magkaroon ng kahit na ano pang koneksyon dito matapos 'yon.
He can't get himself in any trouble by spending his time with her.
Pinasadahan niya ito ng tingin sa rear mirror. Kung kanina ay maputlang-maputla ang mukha nito, ngayon ay nakikita na niya ng maayos ang repleksyon ng balat nito.
Hininto niya ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Iyon ang sinabi nitong address na minsan na rin niyang napuntahan matapos na dalawin si Gennie, ang panganay na kapatid nito.
Binuksan niya ang pinto.
"T—Thank you," anito na ikinagulat niya ng bahagya.
Hindi na lamang siya umimik nang panooring pumasok ito sa loob. Nang bigla ring bumukas ang pinto niyon.
"If you want, we have tea inside," alok nito.
Kumunot ang noo niya. Mukhang hindi nito agad naunawaan ang malamig na pakikitungo niya rito kanina kaya nagagawa pa siyang alukin nito na uminom ng tsaa sa loob.
That wouldn't work for him.
"I'm sorry, but I have to go now," tanggi na lamang niya.
Napatitig ito sa kanya. He couldn't help but notice the huge resemblance of the two sisters. Kamukha kasi nito si Gennie, kaya lamang ay higit na maamo ang mukha nito sa panganay na kapatid. But that wouldn't still work.
"Wait. 'Wag ka munang umalis."
Nagtaka naman siya sa huling sinabi niyon kaya 'di rin siya agad na nakasakay pabalik sa loob ng kotse. Nakita na lamang niyang nagmamadali ng lumabas ng bahay ang dalaga, ngunit sa pagkakataong 'yon ay may bitbit na ito.
"Salamat nga pala kanina, tanggapin mo 'to," habol pa nitong sabi sa kanya nang may kung ano'ng inabot itong paper bag, kusa namang kumilos ang kamay niya upang tanggapin 'yon. "I made those cookies this morning. I hope you will eat those if you feel like it."
Hindi na rin niya nagawang magpasalamat nang makasakay na siya.
He only nodded his head. He drove his car away from that place.
Saka niya narealize ang malaking pagkakamali na ginawa niya. He supposed to not show any compassion or even care to that woman.
Pero nahabag lang siyang makita itong ganoon. Hindi pa rin niya alam ang tunay na dahilan kaya ito nabalisa kanina. Wala rin naman siyang balak na malaman. Ayaw na lang niyang ma-involve pa ang sarili sa taong maaaring magdulot sa kanya ng mas malaking problema.
Even if, he found her cute earlier.
"Mr. Cole, mabuti nakabalik na kayo," agad na bungad ng sekretarya niya nang makapasok siya ng opisina nang hapon na 'yon.
"May nangyari ba habang wala ako?" tanong niya.
"Tumawag lang po kanina si Miss Lacanlale, kinukumusta kayo."
"Gennie called me?"
Nakakapanibago yata. Hindi kasi siya tinatawagan ng fiancee niyang si Gennie ng mga ganoong oras. Madalas kasing busy ito sa trabaho kaya hanggang maiiksing palitan lang ng text message ang pag-uusap nilang dalawa sa mga nakalipas na linggo. Magdadalawang linggo na rin pala noong huli silang nagkitang dalawa. He already misses her so much.
"Opo. Sinabihan niya rin po ako na kapag nakabalik na kayo ay sabihan ko kayong tawagan n'yo raw siya," sagot ng sekretarya niya.
Napansin niya ang kakaibang tingin na ipinukol nito. Marahil nagtataka ito kung bakit siya pa ang kailangang tumawag kung maaari namang tawagan muli siya ng fiancee niya. Ngunit naiintindihan naman niya ang soon to be wife, masyado lang busy ito sa trabaho.
Rather, he is indeed happy to know na sa unang pagkakataon ay si Gennie ang nag-initiate na tawagan siya. His grinning ear to ear when he started to dial Gennie's number.
"Who is—"
"Gennie, babe. It's me, Eston. Nalaman kong tumawag ka raw kanina," aniya nang putulin ang tanong na 'yon ni Gennie. Hanggang ngayon ay 'di pa rin pala nito nagagawang i-save ang number niya.
"Eston. I'm sorry, I haven't yet saving your number. I'm actually using my company's phone right now. How was your lunch meeting with my dad earlier?"
"It went well. Na-meet ko na rin ang kapatid mo."
"Ah, si Gisella?"
"Yes."
"Did you talk to her?"
"You know that I'm not a talkative person. I also didn't have a proper conversation with her earlier."
"I'm glad to hear that."
Sinadya niyang iwasan na makausap ang kapatid nito. Kilala niyang selosa si Gennie. Ayaw niyang magkaroon ng dahilan ang babaeng gusto na magalit ito sa kanya. He also doesn't want any kind of connection to her sister. Nasa industriya kung saan maraming pwedeng ibato sa kanyang isyu gayong kamakailan lamang siyang naassign sa mataas na posisyon sa kompanya ng kanyang Lolo Emmanuel, at madawit lamang ang pangalan niya kay Gisella ay maaaring maging malaking problema.
Alam niya ang tungkol sa halos gabi-gabi nitong paglabas habang iba't ibang lalaki ang idine-date nito. Hindi lamang 'yon, naging napakalaking isyu rin ang nakaraang pagpunta nito sa Paris, at doo'y nagparty-party hanggang sa tumawag ito sa ama dahil lamang sa simpleng hangover ay kinailangan pa tuloy itong personal na puntahan ni Mr. Lacanlale upang sunduin. What a real spoiled brat.
Saka malapit na siyang ikasal. Gusto niya ng maayos at masayang wedding sa babaeng mahal niya. Kaya ang madawit siya sa katulad ni Giselle na kahit sino'ng lalaki ay ide-date, at pagiging spoiled brat nito. That will not do him good.
"Are you still busy? Do you want to have a dinner with me tonight?"
Matagal na hindi agad nakasagot sa kanya ang kausap.
"No, I'm really sorry. I still have a lot of paperworks to finish. Alam mo naman na masyadong busy ngayon dahil sa delay na nangyari. And please, don't blame my sister for this. She didn't mean to compromise any of our plans to eat outside."
Napabuntong-hininga na lamang siya, sa ikalimang pagkakataon, tinanggihan na naman siya ni Gennie na lumabas. He was almost so used to it. But at the end, he's also happy after knowing how dedicated his soon to be wife to her job. Ayaw lang nitong magkaroon sila ng mas malaking problema kapag mag-asawa na sila.
Hindi katulad ng kapatid nito.
"I'm also sorry if I need to end our call already. Tinatawag na kasi ako para sa susunod kong meeting."
"Hindi mo kailangang mag-sorry. Naiintindihan ko naman. I'll ask you again next time. I love you, babe."
"Yes, I have to go now. Take care honey."
Iyon lamang at in-end na nito ang tawag. It was a brief conversation with Gennie. But he's quite contented to just hearing her voice after a long time.
Mayamaya'y nahagip ng paningin niya ang nakaipit na sobre sa drawer ng table niya.
Napangiti siyang kinuha 'yon at kunin mula sa loob niyon ang natanggap niyang letter mula sa kanyang fiancee na si Gennie.
They both don't like using phones when communicating to each other. Madalas kapag may dala siyang cellphone, puro tawag lang mula sa sekretarya niya ang kanyang natatanggap which is a huge hassle for him especially when he wants to have his own time to himself. Tila 'di niya rin 'yon nagagawa kung panay ang tawag sa kanya para iremind siya ng kanyang dapat na gawin, kahit sa totoo lang ay kabisadong-kabisado na niya 'yon.
He later took out a piece of paper and start writing.
Sinimulan niyang isulat kung gaano siya masayang makilala ang mapapangasawa, kung gaano siya nagpapasalamat na tinanggap nito ang alok niyang magpakasal, and how also happy he is when she initiates to call him earlier.
And for his last note, ‘I love you, my angel’.
***