Chapter 5

1721 Words
IT'S a huge mess that Gisella made four years ago. Hindi naman niya alam na ganoon ang mangyayari kapag basta niyang pinirmahan ang isang papeles ng hindi 'yon binabasa. She was assigned in the advertising department. Wala pa siyang gaanong alam sa dapat niyang gawin. She is a fresh graduate. Pero dahil sa pangungulit niya sa dad niyang payagan siyang magwork sa kompanya nito, pinayagan naman siya. Pero magkaiba ang expectation niya sa totoong environment ng isang office work. Her father almost lost a huge some of money. Muntik na ring maraming empleyado ng ama ang nawalan ng trabaho dahil sa ginawa niya. Hindi man niya 'yon sinasadya, naging malaking pa rin ang epekto niyon para sa matagal na pinaghirapan ng dad niya, at ilang tao rin ang naapektuhan na naghirap din maitatag lamang 'yon. Habang nasasaktan siya sa mga masasakit na salitang kanyang natatanggap matapos ang pangyayaring 'yon nagsimula na siyang magkulong sa kwarto niya. She completely distances herself from other people. Maging sa pamilya niya. She felt ashamed on what happened. Ngunit madalas naman siyang kumustahin at pagaanin ang loob niya ng kanyang dad. At isang araw nagtaka siya sa isang liham na natanggap ng dad niya. "What's that dad?" curious na tanong niya. "Ang alin hija?" takang balik tanong ng dad niya. "That letter." Itinuro niya ang hawak nitong letter na kaninang inabot ng isa sa kanilang maid. "It looked quite old." Napatingin tuloy ito sa hawak na sulat. "Isa sa mga anak ng kaibigan ko ang nagpadala nito. Are you interested to read what's written on this letter?" Matagal bago siya nakasagot. Hindi ba masamang asal kapag may ibang bumasa ng sulat na hindi naman para sa taong 'yon? ‘Yon ang tanong na agad na sumagi sa isip niya. She was hesitant to do anything that may be rude to other people. "Don't worry hija. Hindi naman magagalit si Mr. Cole kapag binasa mo ang sulat niya para sa 'kin." Binuksan nito ang sobre at kinuha ang liham na nasa loob niyon. "Here hija..." Iniwas niya ang mukha. "No, baka magalit ang may-ari niyan dad. Baka mamaya mahalaga po ang nakasulat diyan." Narinig niyang mahinang tumawa na ang ama niya. "I told you, it's okay. Masyado akong naging busy sa trabaho kaya siguradong nagtataka na siya kung bakit hanggang ngayon ay 'di pa rin ako nagpapadala ng reply ko sa huli niyang sulat." Agad na napaisip tuloy siya sa sinabing 'yon ng ama. She finds her father's words a bit hurtful. Parang 'di niya gugustuhin na 'di agad makakuha ng sagot kung may mahalaga siyang ipinadalang mensahe. May pag-aalinlangan tuloy niyang tinanggap ng kamay ang sulat na inaabot ng ama. Halatang doon pa lamang din 'yon inalis ng ama sa envelope niyon. Naawa naman siya sa sulat na 'yon na halatang matagal din bago nabasa. Nang simulan niyang basahin ang unang pangungusap na nakasulat doon. Saka niya napagtanto na hindi naman pala ganoon katulad ng iniisip niyang nilalaman niyon. It's not something about business or even anything serious. Kumbaga, it's just a typical letter for a friend. Nakakatuwa lang na may mga bagay doon na ibinabahagi ang nagsulat niyon ng experience nito sa pananatili sa isang 'di pamilyar na lugar. The sender seemed to just sharing his thoughts and experience to her father which she finds interesting. ‘It's already winter here in Oxford. Take good care of your health, my friend George, as it became colder after each days. Your humble friend, Eston Rather, the letter is too short for her. 'Di niya maiwasang makaramdam ng kakaibang emosyon pagkatapos na basahin ang liham. Those brief words, with sensitivity and care. She can't help but to fall in love to Eston kind words for her father. "Ano hija? Do you like the way he writes his letters?" bigla na tuloy na tanong ng kanyang ama sa kanya. "Hmm." Hindi agad siya nakasagot ng maayos. The way those words comforted her, she simply nodded her head agreeing to what her father said. "Kapag nakapag-isip ka na ng isasagot sa huling liham niya, sabihan mo lang ako at agad na ipapadala ko sa kanya." Napaangat na siya ng tingin upang salubungin ang mga mata ng ama na ngayo'y nakatitig sa kanya. Iniisip ba ng kanyang ama na sa paraan na 'yon ay magawang ma-comfort siya. "I—If that will be okay for him..." she said. Mapang-unawa na noon na ngumiti tuloy ang dad niya sa kanya. "Of course, I am also sure that he'll be happy to receive a letter from my daughter." "Okay." Naramdaman niyang lumapit ang ama sa kanya upang yakapin siya ng mahigpit. Nais lamang nitong pagaanin ang loob niya matapos ang pagkakamaling ginawa niya. Wala naman din siyang ibang magagawa kung hindi hintayin na maayos 'yon nito dahil sa takot niyang makadagdag lamang ng panibagong problema sa kompanya ng ama. Hawak pa rin niya ang sulat sa isang kamay nang matagal na pinagmasdan niya 'yon. Nakaalis na ang ama niya subalit naroon pa rin ang atensyon niya sa sulat na iniwan nito. Hanggang sa magdesisyon siyang tumayo at halukayin ang nag-iisang drawer niyang batid niyang doon nailagay ang lahat ng stationary paper na mayroon siya. Matapos na makahanap ng magandang papel na pagsusulatan. Nag-isip agad siya ng mga angkop na salitang nais niyang isagot sa lalaking nagngangalang Eston. It started from a simple, hi. Then, she wrote how comforting his words to her. Wala na siyang ibang mailagay na sa tingin niya ay hindi mao-offend ang makakatanggap niyon. Sa ngayon ang hiling na lamang niya ay hindi iyon pag-isipan ng lalaki ng masama. Her handwriting is quite terrible. Yes, she does not the most legible handwriting on Earth. Pero ang mahalaga naisulat niya sa piraso ng papel na 'yon ang nararamdaman niya. The next month, she never expected that she will receive a reply from Eston. May dumating na panibagong sulat, at sobrang nasorpresa siya. Nagulat siyang sinulatan pa rin siya nito pabalik at sinabing... ‘there is nothing wrong about your handwriting. I find your honest words cute. Don't worry, I don't mind replying to your letters. By the way, I'm Eston Cole. Nice meeting you, Ms. Lacanlale.’ She almost choked herself to death when she read the last sentence of Eston's letter. 'Di niya alam kung kinikilig siya. Pero sobrang saya niyang naintindihan niyon ang sulat niya kahit sa totoo lang ay para sa kanya ay daig pa niyon ang kinalahig ng manok. Agad na nagtungo siya sa kanyang kwarto upang kumuha ng panibagong papel upang magsulat pabalik sa binata. Matagal man bago niya mareceive ang reply nito, wala namang kapantay ang excitement na nararamdaman niya sa paghihintay. Sa mga sumunod na sulat na kanyang natanggap, mas mahaba na 'yon. Inaabot na ng dalawa o tatlong pahina, na minsa'y 'di na rin niya alam kung saan kumukuha ng salita ang lalaki upang sulatan siya ng ganoon kahaba. Pero heto siya, kilig na kilig naman sa effort ng lalaki. It took them a few months to really feel the unique spark. Nagsimula sa binata na imbes na ang mga sulat ay para sa kanya na itinuturing nitong kaibigan. After just a few more months, Eston letters became more sweet, to the point, she felt that those are love letters for her. Wala ring palya na magpadala ang lalaki ng mga larawan nito, katulad ng mga lugar na napasyalan na nito, mga gusali na matatagpuan sa loob ng pinapasukan nitong unibersidad at lalong-lalo na ang madalas nitong tambayan na library. Pakiramdam niya tuloy ay kasama siya ng binata sa mga lugar na pinuntahan nito. Kaya lamang, batid niya sa sariling 'di naman siya ganoon katalinuhan upang makapasok sa pinapasukan nito kaya't hanggang pangarap lang tuloy siya. ANG BUONG akala ni Gisella, ay talagang sila na ng binata. Hanggang ngayon ay tila hinahabol pa rin siya ng ideyang 'yon sa kanyang isipan, na kung ano'ng dahilan kaya isang taon na noong huling beses na nagpadala si Eston ng sulat sa kanya. Siguro nagsawa na rin ito na nakakausap lamang siya mula sa mga sulat na inaabot pa ng ilang linggo o halos isang buwan bago nito matanggap. Kahit sino siguro ay ganoon at siya lamang ang naiiba. Maingat na nakatabi sa loob ng tila isang treasure box ang mga natanggap niyang sulat sa lalaki. Naroon pa nga ang mga picture na ipinadala nito na halos walang pinagbago sa mukha nito na nakita nito lamang nakaraan. His almond pools that are beautiful for her, wet thin lips and fiercely looking gorgeous eyes truly captivated her. The way he wore his gray three-piece suit last time. He looked dazzling! Hindi pa rin 'yon magpahanggang ngayon mawaglit sa isipan niya. Bagay din sa binata ang comb over na haircut, gusto niya tuloy itong makitang nakasuot lamang ng casual attire. Tiyak niya kasing kahit na ano'ng suotin nito ay babagay dito. Sa huli ay naisip na lamang niyang walang magandang maidudulot kung patuloy niyang maalala ang pagkikita nila ng lalaking naging matagal na laman ng puso't isipan niya. She must let go of what she's feeling for him. Ikakasal na 'to sa kapatid niyang si Genevieve. May gusto man siya sa lalaki, hindi tamang pumagitan siya sa mga ito. Tutal ay magiging isang pamilya na sila. She may be hurt right now. Pero 'di naman ibig sabihin niyon ay 'di agad siya makakamove on. Sa ngayon ang maganda na lamang niyang gawin ay maging mahusay na cheerleader para sa kapatid at sa lalaking minsan niyang minahal. Sa tingin niya rin ay 'di magandang ayaw sa kanya ng lalaki. Magiging sister-in-law siya nito subalit halatang-halata na ayaw sa kanya ni Eston. Hindi pwede 'yon! Kailangan ay magkaroon muna sila ng lalaki ng magandang sister-in-law and brother-in-law relationship. Ayaw niyang balang araw matapos itong ikasal sa ate niya ay maging siya pa ang dahilan para mag-away ang mga ito. Kinakailangan na magustuhan siya ng lalaki bago ang kasal nito sa kapatid niya. Not in a romantic way, but in a filial way. Right, that's what she plans to do! Kaya naman nakaisip na siya ng magandang paraan para maging in good terms sila ni Eston. Siguro naman... magagamit na niya ang ilang taon niyang pagsali sa cooking club noong nasa college siya. Yes, target niyang magustuhan siyang sister-in-law ni Eston, kailangan niyang busugin ito ng mga authentic recipe niya! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD