Chapter 6

1855 Words
"HI, good morning. Is Mr. Cole in his office today?" Maagang gumising si Gisella upang isakatuparan ang kanyang plano nang araw na 'yon. Iyon ay para maging in-good terms sila ng lalaking mapapangasawa ng kapatid. Saka wala naman siyang ibang masamang intensyon sa kanyang gagawin. Nagdala lang naman siya ng mga lunch boxes na bukod sa nagluto siya ng dati nitong nabanggit sa kanyang paborito nitong pagkain, sinamahan din niya 'yon ng mga bagong bake niyang cookies at pastries. Sa katunayan, dalawang paper bag ang dala niya noong araw na 'yon. Pampalubag ng loob, baka talagang may 'di siya sinasadyang sinabi rito kaya naman mistulang palagi itong bad mood sa kanya. Hindi naman kasi ganoon ang nai-imagine niyang ugali ng binata noong nagpapalitan sila ng sulat noon. They seemed to be rather close during those times. But at the end, she can't tell anymore. Ang mabuting gawin niya ay maging isang good soon sister-in-law sa lalaki. Kahit sa bagay na 'yon tuluyan niyang matanggap ang closure na patuloy niyang hinahanap. "May appointment ba kayo ngayon kay Mr. Cole?" tanong ng staff sa may lobby ng building. Wala. "I'm a fri—I mean, hindi naman kailangan na makita ko siya. Gusto ko lang sanang ibigay 'tong mga dala ko sa kanya. Baka pwedeng may mag-abot na lang ng mga ito," agad niyang sabi. Nagdududang pinagkatitigian siya ng babaeng kausap tila ba inaalisa nito ang buong pagkatao niya ulo hanggang paa. "If you don't have an appointment—" "H—He's about to get married to my sister Genevieve Lacanlale. I'm Gisella, her younger sister. I just brought some snacks for Mr. Cole, 'di rin naman ako magtatagal," putol niya sa sasabihin ng huli. Nagsalubong na ang kilay nito. "I'll confirm this first in the secretarial office." Pilit na ngumiti siya matapos na mapansin ang ilang mga matang napadako na ang tingin sa kanya. "I—Iiwan ko na lang 'to rito. Kayo na ang bahala magdala sa kanya. Pasensya na kayo kung nakakaabala na ako..." Sinulyapan niya ang relong pambisig. Alam niya kasing marahil kadarating lamang ng ilang nandoon sa trabaho at siya agad ang bumungad sa mga ito. Hindi na tuloy niya malaman ang gagawin nang magsimulang humakbang na siya palayo sa information desk. May mga pagkakataon kasing 'di niya rin magawang makipag-usap sa ibang tao. Natatakot kasi siyang maka-offend, kaya't hangga't maaari ay mailap siya sa kahit short conversation. Natagpuan na lamang niya ang sariling naglalakad na sa labas ng kompanya ni Eston. 'Di kasi niya nagawang makapagsalita ng maayos. Sinabi na 'yon sa kanya dati ng psychometrician na tumingin sa kanya, she has a social anxiety disorder. She kept stuttering when she's trying to interact or to at least have a short conversation with other people. Pinipilit naman niyang i-improve 'yon. But it is still taking sometime for her to get used to when trying to speak with someone she just met on that very spot. Pero susubukan niya uli sa susunod na pagkakataon. Bothered pa rin kasi siya sa kung ano mang emosyon na lumulukob sa kanyang dibdib. Naupo muna siya sa isang waiting shed malapit sa sakayan ng taxi. Nandoon lang siya habang nililipad naman sa kung saan ang kanyang isipan. Hanggang sa mag-angat siya ng paningin. ‘Is that Eston?’ tanong niya sa sarili nang tila makilala ang pigura ng lalaking kalalabas lamang ng building na kaninang kanyang pinuntahan. Naroon na bumangon ang pag-asa sa puso niya na animo'y sinadya ng pagkakataon na magkita silang dalawa. Mistulang binigyan siya ng panibagong chance na makapag-sorry at makapagpasalamat sa lalaki. Napatayo na siya para lapitan ito nang magtaka siyang hindi ito agad na sumakay ng sasakyan. Sinundan na tuloy niya ng tingin itong maglakad at tumawid sa busy na noong daloy ng trapiko. Kusang kumilos ang mga paa niya upang sundan na itong tumawid na rin ng kalsada. 'Di na rin niya namalayang nakasunod pa rin siya nang lumiko ito sa isa pang kalsada at doon ay natagpuan na lamang niya itong pumasok sa isang flowershop. Maamoy mula sa kinatatayuan niya ang sariwang amoy ng mga bulalak na tinda ng shop na 'yon. Naeengganyo tuloy siyang pumasok sa loob upang makita ang mga bulalak na makikita sa loob. She could already see the beautiful chrysanthemums, daisies and roses. Humahalimuyak ang amoy ng mga 'yon sa kanyang ilong nang mapagtanto niyang nakatayo na pala siya sa harap mismo ng shop. Gulat na gulat siyang napapiksi siya. "May nagustuhan na po kayong bulalak, Miss?" biglang tanong ng babaeng nasa likod niya. Napaharap tuloy siya roon nang makitang isang staff 'yon ng flower shop. May hawak pa itong bungkos ng red roses. "Red roses po ba? Para kanino po?" Sunod-sunod ang pag-iling niya. "Uhm... no." Nagmamadali na tuloy siyang umalis sa lugar na 'yon sa matinding pangamba na makita siya ni Eston. Nang huli na para magawa niya 'yon nang makitang lumabas ng naturang lugar ang lalaki at makita siyang naroon. Kunot ang noo nitong tila 'di rin agad makapaniwalang makita siya. "Miss Gisella?" gulat na usal nito. Napakagat niya ang ibabang labi. Sinisimulan na niyang mag-isip nang idadahilan kaya't nakita siya nito roon gayong masyado namang malapit ang lugar na 'yon sa kompanya nito. At ano'ng ginagawa niya ro'n. "What are you doing here?" Naghatid ng kakaibang sensasyon sa kalooban niya ang baritonong boses na 'yon ng lalaki. "I—" "Hindi po ba kayo magkasama? Nakita ko pong sabay kayong nagpunta rito kanina?" sabad ng staff na kaninang nagtanong sa kanya. Lalo tuloy lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Eston sa kanya. Kailangan na niyang magsalita bago pa mahuli ang lahat na pag-isipan siya nito nang 'di maganda. Hanggang sa dumako ang paningin niya sa bungkos na bulalak na hawak ng isa pang staff ng flower shop. Sa bouquet ng flower ay may nakalagay na personalized card, at agad na nakilala niya ang sulat kamay ni Eston sa bungkos ng bulaklak na 'yon. "Ate Gennie likes Casablanca Lilies," iyon lamang ang naiusal niya habang 'di pa rin inaalis ang paningin sa bulaklak na tiyak na personal na pinili ng lalaki na ipadala sa kapatid niya. She liked pink roses that Eston originally bought. Pero kung plano nitong ibigay 'yon sa kapatid niya, hindi ba't mas maganda kung ang mismong paboritong bulaklak ni Gennie ang ibigay nito. Dahan-dahan na humakbang siya upang lapitan ang malapit sa counter na tinutukoy niyang bulaklak na paborito ng kanyang Ate Gennie. Those beautiful and pure Casablanca Lilies. Iyon ang ibinigay niya sa staff nang flower shop na batid niyang 'di na rin naialis ang paningin sa kanya. Saka siya malalim na napasinghap nang marealize niya ang ginawang 'yon na paglilipat niya ng personalized greeting card na isinulat ni Eston sa bungkos ng lilies. Kagat na niya ang ibabang labi nang mapayuko na siya sa matinding kahihiyan. She shouldn't have done that without asking the permission of Eston. "Papalitan n'yo po ba 'to sir?" naguguluhan ng tanong ng staff sa lalaking nasa kanyang likuran. "Yes. I'll take those Casablanca Lilies that she picked earlier," wika ni Eston na tila nag-echo pa sa kanyang tainga. Binalingan na niya itong makitang ilabas ang card. "I'll pay for the extra," dagdag pa nito. Tila lumobo naman ang puso niya sa kanyang narinig. Kung gayon ay naniwala ito sa kanyang sinabi kaya naman binili na rin nito ang mga lily. "Same address pa rin po sir?" muling tanong ng staff. "Yes, please—" "Ate Gennie will appreciate it more if you give those flowers personally," sabad niya. 'Di niya alam saan kinukuha ang tapang niyang patuloy na sumingit sa lalaki at sa bawat sinasabi nito. Matagal na napatitig ito sa kanya bago tuluyang kinuha na ang bulaklak na nakaayos na niyon mula sa cashier. Wala naman na siyang narinig sa dalawang staff ng flower shop makaraang sabay silang lumabas sa naturang lugar na 'yon. Eston is holding a bouquet of Casablanca Lilies. Habang siya ay nakayuko at 'di magawang iangat ang paningin upang pantayan ang mga mata nitong batid niyang kasalukuyang nakatitig sa kanya ngayon. "I followed you earlier after I saw you crossing the road. I didn't mean to follow you, I just want to say something. I also brought you some snacks to your office. I know you hate me, but I only wanted to say sorry. 'Di ko alam kung ano'ng ikinagalit mo noong una tayong nagkita. I didn't mean any harm to you, at kung naging rude din ako sa 'yo. I'm very sorry. Alam kong malapit na kayong ikasal ni Ate Gennie, ayoko lang na may misunderstanding tayong dalawa. I didn't mean to upset you, lalo na no'ng naabala kita na ihatid ako pauwi. I'm really sorry." Hindi na siya naghintay pang tanungin nito kung ano'ng ginagawa niya sa lugar na 'yon na malapit lamang sa kompanya nito. Hindi ito umimik. "I also wanted to apologize for interrupting you just a while ago. I felt like, I needed to say those about the flowers. Alam ko ang paboritong bulaklak ni Ate Gennie dahil personal niyang nirequest na lilies ang flowers na i-decorate noong nag-debut siya, and she really appreciates things if those are given to her personally," aniya bago pilit na ngumiti. Nang mag-angat siya ng paningin nahuli niyang nakatitig pala ito sa kanya simula pa kanina nang magsalita siya. "Thanks. I'll remember that when I'm giving her flowers," sabi nito. Sa mga simpleng salitang 'yon, animo'y may matalim na karayom na naalis sa dibdib niya. She's happy to hear him saying thank you to her. "You don't have to apologize. It was me, who's rude that time." Umiling-iling na siya. "No, no. Baka may bagay akong sinabi na 'di mo nagustuhan o kaya napansin mong 'di akma ang suot ko during that time. I understand that." Napataas ito ng kilay sa kanyang sinabi. Saka niya narealize kung gaano katagal na silang naroon, at kung ilang oras na nito ang nasasayang niya. Although she could still smell the fragrant scent of the white oriental lilies, she's actually enjoying it. But the person right in front of her has a lot of things to do, at masyado na siyang nakakaabala rito. "I'm sorry, baka naabala na kita. Mauuna na ako sa 'yo," paalam niya nang magsimula na siyang humakbang palayo dito. She's glad na marinig niyang magpasalamat ito sa kanya. 'Di rin siya nito pinag-isipan nang masama matapos niyang pakialaman ang plano nitong pagpapadala ng bulaklak sa kapatid niya. Sana kahit papaano ay nabawasan niyon ang negatibong emosyon na nararamdaman nito sa tuwing nakikita siya. Mayro'n lang talagang mga tao na naiinis sa kanya. Might be she was really just a hateful person. Habang naglalakad siya, kinuha niya ang cookies na nasa loob ng kanyang sling bag. May ilang piraso na nakabalot sa isang cute na paper bag siyang naitabi para sa sarili niya. Balak niya sanang kainin 'yon mamaya nang makita niya ang isang matandang lalaki sa tabi ng kalsada. Ibinigay na lamang niya 'yon doon kasama na ang ilang papel na pera na dala niya. May kotse naman siyang dala, 'di naman niya 'yon kakailangin. Now, she felt much better from this morning! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD