Chapter 7

2077 Words
"MR. Cole, saan kayo nagpunta? Kanina ko pa kayo hinahanap," agad na bungad na sabi ng sekretarya ni Eston nang makita siyang pabalik na noon sa kotse. Dumako ang paningin nito sa hawak niyang bulaklak. "Para po ba 'yan kay Ms. Lacanlale? Ipadeliver ko po ba?" mayamaya'y tanong na nito nang makalapit sa kanya. Marami na itong bitbit ng mga oras na 'yon nang akmang kukunin pa nito ang kanyang hawak. "No, I'll personally deliver this to her," aniya. Siya naman ngayon ang napatingin sa mga paper bag na hawak nito. Halatang hindi na niya kailangan pang magtanong nang magsimulang magpaliwanag ito. "Nagpunta raw po kanina si Ms. Gisella para ibigay ito sa inyo. Hindi naman daw po siya nagtagal at umalis din agad," anito. "I know," aniya nang maunang sumakay ng kotse. "Eh, Mr. Cole, ano pong gagawin ko sa mga ito?" Tinutukoy nito ang mga dalang paper bag. Hindi niya maiwasang maamoy ang tiyak niyang laman niyon. Lunch boxes 'yon. Bakit naman siya bibigyan ng ganoon ng dalaga? "You can have those," aniya. "Mr. Cole?" "I won't be needing any of that. Aayain ko rin today na lumabas si Gennie. Kaya ikaw na ang bahala sa mga 'yan." Maingat niyang isinara ang pinto ng sasakyan. Dumungaw mula sa bintana niyon ang sekretarya. Bakas ang pagtataka sa mukha nitong makita siyang nagmamadali. Masisisi ba siya nito gayong gusto na talaga niyang makita ang fiancee sa lalong madaling panahon? "Pero may meeting po kayong mamayang 2PM? Paano po 'yon?" "Don't worry. Babalik din agad ako. Sige, tawagan mo na lang ako kapag may mga urgent matters na kailangan kong malaman." His secretary was about to say something when he finally started the engine of his car. "Pero wala naman kayong cellphone! Paano ko kayo tatawagan!" And, that is what he heard from Joey's scream from a far. Pakiramdam niya ay nagkaroon na siya ng superpowers na kahit malayo na siya ay naririnig pa rin niya ang matinding frustration mula sa boses ng mabuti niyang sekretarya. He is even more surprise to himself. Papunta kasi siya ngayon sa building ng kompanya ng Lacanlale upang personal na makita ang pinakamamahal na si Gennie. Ngunit binabagabag pa rin siya kung papaano'ng nagkamali siyang pumili ng bulaklak na kanyang bibilhin. Dating binanggit sa kanya ng kasintahan sa mga sulat nito na gusto nito ng pink roses. Nalito lang ba siya, o may bahagi siyang nakalimutan mula sa mga palitan nila ng sulat dalawa. Magkagayonman, tumuloy pa rin siyang sundin ang sinasabi ni Gisella na mas maganda raw kung siya ang magdadala ng bouquet ng bulaklak na kanyang binili. For him, white is something too pure for him. Duda siyang magugustuhan 'yon ni Gennie. Sa katunayan, minsan na siyang nagulat sa kakaibang personality na mayroon si Gennie kumpara sa mga sulat na ipinapadala nito sa kanya. He find her somewhat unfamiliar at first. Ngunit kalauna'y napatunayan din niyang iisang tao lang din ang mga ito dahil sa isang bagay. Deretso siyang nagtungo sa opisina ni Gennie upang personal na sopresahin itong naroon siya upang dalhan ito ng bulaklak. 'Di naman siya nabigo nang maabutang abala ito ngayon sa kausap nito sa telepono. Nakatayo lamang siya malapit sa pinto habang tahimik na pinpanood itong tutok masyado sa ginagawa. "Yes, I'll call you once we settle the data," huling sabi nito sa kausap noon nang mapabaling ang paningin nito sa direksyon niya. She looked really surprise to see him standing there and holding a bouquet of flowers. "Cole? Kanina ka pa ba nakatayo d'yan? Sana sinabihan mo 'ko!" anito. "Bakit nandito ka? I thought you're also busy just like me..." sunod-sunod na ang naging tanong nito noong nagmamadaling nilapitan siya. Hayun siya at sinalubong naman ito ng isang mahigpit na yakap. "I miss you so much sweetheart!" Maingat na iniharap niya ang babaeng malapit ng pakasalan. Nakakunot ang noo nito, magkagayonman ay napakaganda pa rin ng mukha nito. Saka niya napansin na kamukhang-kamukha nito ang nakababatang kapatid na si Gisella, ang malaking kaibahan lamang ng dalawa ang kapansin-pansin na makapal na make-up nito at ang maliit na nunal nito sa ibaba ng kaliwang mata. Doon niya lang napansin 'yon nang maiging lumapit ang mga mukha nila sa isa't isa. "Oh, Cole. Dapat sinabihan mo man lang akong dadaanan mo ako ngayon sa opisina! Sana man lang nakapag-ayos ako!" anang nito. "Bakit pa kailangan ka pang mag-ayos? You looked gorgeous already! Baka naman kapag nag-ayos ka pa niyan atakihin na ako sa puso sa sobrang ganda ng babaeng papakasalan ko!" nakangiting aniya. "Hmp! Nambola ka na naman!" Maganda naman na talaga ang kanyang kasintahan. Wala na itong dapat pang gawin dahil alam niya sa sariling hindi mahalaga sa kanya ang pisikal nitong hitsura para mahulog ang loob niya. He's already head over heels in love to this beautiful woman. Kahit noong nagpapalitan pa lamang sila ng sulat sa isa't isa. Nahulog na ang agad loob niya rito. "Here, I brought you some flowers," aniya nang iabot dito ang dalang lilies. Mababakas ang labis na gulat sa mukha nito ng makita ang bungkos ng bulaklak na dala niya. At first, he thought that she didn't like the flowers, at malaking pagkakamali na nakinig siya sa sinabi ng nakababatang kapatid nito. Mamasa-masa pa ang mga mata nitong basta na lamang siyang niyakap ng mahigpit. "How did you know that I like white lilies? This is my favorite, hon!" Maging siya ay labis na ring natuwa na marinig 'yon. Mahigpit subalit naroon pa rin ang labis na pag-iingat na niyakap niya rin ito pabalik. He gently kissed her shoulder. Tama pala ang desisyon niyang makinig sa sinabi ni Gisella kanina about buying those flowers. Ngayon niya lamang kasing nagawang mayakap ng ganoon kahigpit ang kasintahan, mailap kasi ito sa kahit na ano'ng skinship kaya nang ito ang unang mag-initiate niyon, parang may malaking gap na nagawang tawirin nila pareho, although they are about to get married. Mahalaga pa ring nagagawa niyang maiparamdam sa kasintahan kung gaano siya nirerespeto ang boundaries na nais nito. Saka masaya na siya nang tanggapin nito ang proposal niyang kasal. It was actually a sudden marriage proposal. At first, he just mentioned before that his grandfather is requesting for him to get married already. Sakto naman nang ikwento niya ang bagay na 'yon dahil gusto niyang maging honest sa dalaga, nagulat siyang ito pa mismo ang magsuggest na ikasal sila. Daig pa niya ang nanalo ng milyon-milyon sa lotto matapos na marinig 'yon mula mismo kay Gennie. "By the way, busy ka ba? Bakit 'di tayo sabay ng mag-lunch today?" Hindi agad siya nakahulma nang marinig ang tanong na 'yon ng kaharap. Ito ang unang beses na inaya siya ng nobya na sabay silang kumain sa labas. May kakaibang ngiti sa mga labi nitong muling sinulyapan ang bulaklak na kanyang binigay. "Hindi pa pala ako nagpapasalamat sa dala mong flowers. Thank you, Cole. I really appreciate this gift of yours." May mahika bang dala ang bulaklak na dala niya sa malaking pagbabago sa pakikitungo sa kanya ni Gennie. Ano man sa mga 'yon, he wanted to thank everything that is happening right at that very moment na malaking blessing para sa kanya. "Yes, I would love to!" nakangiting sagot niya sa alok nitong kumain sila sa labas. "I know a good place. Medyo malayo nga lang dito. Would that be all right?" "Yes. I don't mind." Subalit bago sila tuluyang makalabas ng opisina nito nahagip pa ng paningin niya ang isang base malapit sa office table nito. Nakita niyang may bulaklak ng nakalagay doon kapareho ng dala niya. Those looked fresh. Hawak pa rin ni Gennie ang dala niyang bouquet ng bulaklak nang may tawagin ito. "Garry!" Isang empleyado ang lumapit sa kanila. "Could you please replace the flowers in my office with this?" Napatingin muna sa kanya ang nagngangalang Garry, mababakas ang disgusto sa mga mata niyon bago muling ibinalik ang atensyon sa kanyang kasintahan. "Yes, ma'am," sagot nito nang kunin ang bulaklak. Pumasok na iyon sa loob ng opisina na nakasunod lamang ang paningin niya. Mali ba siya ng nararamdaman pero parang may kakaiba sa titig ng huli sa kanya. "Let's go! I know you will surely like that place," masayang sabi na ni Gennie sa kanya upang pukawin ang atensyon niya. Ipinagsawalangbahala na lamang niya ang huli. "Please, lead the way Miss Lacanlale," biro niya nang inuwestra na mauna na itong maglakad sa kanya. He saw her laughing, nakisakay na rin ito sa trip niya. "Thank you Mr. Cole, I appreciate your way of courtesy." They are now both laughing when leaving the building. Ginamit nila ang sasakyan tuloy ng kasintahan dahil ito lamang ang nakakaalam sa lugar kung saan sila pupunta. Naroon ang excitement na may bagay na naman siyang matutuklasan na bago rito. Noong una, pakiramdam niya ay wala siyang alam na kahit ano mula rito, para bang ibang tao ang kaharap niya mula sa taong inaakala niyang makikilala. But right now, he found out that everything has a right time. He must thank Gennie's sister for him to realize that. Ngunit magagawa ba niya 'yon gawin kung mismong ang babaeng kasama ngayon ang humihiling sa kanyang iwasan ang kapatid nito. 'Di lingid sa kaalaman niya ang napakaraming isyu na nakapalibot kay Gisella, mula sa mga tabloid at 'di kaaya-ayang mga lumalabas na balita tungkol dito, at nabanggit sa kanya ni Gennie na natatakot itong madamay siya. Totoo naman, nagsisimula pa lamang kasi siyang ihandle ang kompanya ng kanyang lolo kaya marami pang mata ang nakabantay sa kanya ngayon. "Pero, paano mo nga pala nalaman na white oriental lilies ang paborito kong bulaklak? Did you ask my dad about that?" Makailang beses ba niyang sinubukan na makameeting ang ama nito? May mga pagkakataon na napaunlakan naman siya nito, lalong-lalo na tuwing may pirmahan ng kontrata. Kapag sinusubukan niyang magtanong tungkol sa paborito ng anak na si Gennie. Palaging malabong sagot ang ibinibigay nito sa kanya. Katulad ng, ‘she will like anything that you give her’. Those are vague answers. Sa huli ay halos wala na siyang alam na hilig at ayaw ng mapapangasawa. Kung tama pa ba ang iniisip niyang dapat na lapitan sa bagay na 'yon. Nag-aalala naman siyang hindi 'yon magustuhan nito. But, he's desperate already! Naroon na sila sa restaurant na tinutukoy nito. Medyo malayo nga 'yon katulad ng sinasabi nito kaya't 'di na niya namalayan ang oras. Payapa ang ambiance ng lugar. Mapapansin ang kakaibang exclusivity niyon na bagay sa mga taong gusto ng tahimik at private na lugar na nais mag-lunch. He's liking the place. "May gusto ka bang kainin?" tanong na ni Gennie sa kanya. Nang sakto naman tumunog ang cellphone nito. "I'll just take this call, ikaw na ang bahalang pumili ng kakainin natin," anito. Hindi na nito nahintay ang sasabihin niya nang sundan niya na lamang ito ng tingin nang umalis. Saka niya napansin na 'di nalalayo ang pagiging workaholic sa ama nito. That is fine for him. Nauunawaan naman niya 'yon dahil gusto lamang nitong tulungan ang ama. Sa bagay na 'yon siya labis na humahanga sa nobya. Sobrang mapagmahal itong anak. Bumalik din naman agad si Gennie na saktong dumating na rin ang pagkain na in-order niya. Nang agad niyang makita ang gulat mula sa reaksyon ng mukha nito. "Is there something wrong?" nag-aalala na niyang tanong. "I'm afraid, I forgot to tell you that I have a severe allergy to crustaceans especially shrimps." Siya naman ang nagulat. Napakalaking pagkakamali naman ang ginawa niyang 'yon! "I'm really sorry..." Tinawag na nito ang isang waiter at nagrequest ng ibang pagkain. Alam naman niyang 'di naman 'yon masyadong pinag-isipan ng kasama. Pero sobra-sobra siyang na-disappoint na maski sa bagay na 'yon ay 'di man lamang niya alam. What if, he risked the life of Gennie? Paano kung 'di nito napansin na may bagay na bawal pala dito sa pagkain at huli na ang lahat bago niya 'yon malaman? Hindi na tuloy siya mapakali. Labis na naapektuhan siya ng malaking pagkakamali na 'yon kahit na isa lamang 'yon na aksidente. Kahit man lang sa pagkain na bawal dito ay alam niya pero inuuna niyang maging selfish sa babaeng mahal. Pagkatapos niyon ay 'di na tuloy niya nagawang makapag-concentrate sa pagkain. Hindi rin sila masyadong nagtagal na dalawa sa lugar dahil pagkatapos kumain ay nagpaalam din itong babalik ng opisina para sa naka-schedule nitong meeting ng hapon din na 'yon. ‘He almost killed her earlier’, that bothers him the most. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD