Chapter 8

2221 Words
Chapter 8 NASA garden si Gisella habang nagdidilig ng kanyang tanim na mga halaman, iba-iba 'yon. From herbs, to vegetables and flowers. Kapag marami pa siyang oras sa garden niya madalas siyang tumambay lalo na kung akma ang panahon. Samantala, maririnig ang malakas na tugtugin na paborito niyang kanta ng singer na si Aaron Carter na “I'm All About You”, nasa chorus na nang akmang sasabayan na niya ang tugtugin nang tumunog ang telepono sa may sala ng bahay. Natigilan tuloy siya sa ginagawa upang sagutin 'yon. Ang inaasahan niya ay galing ang tawag mula sa kanyang ama para kumustahin siya nang ibang boses ang bumungad sa kanya sa kabilang linya. "Hi, this is Eston Cole. Gusto ko sanang makausap si Gisella Lacanlale," wika ng tumawag. Naroon pa rin ang gulat sa buong sistema niya nang marinig ang boses ni Eston. It was soothing to her ears, at animo'y ayaw niyang patigilin itong magsalita. Teka, tama ba siya ng rinig na gusto siya nitong makausap? Nagsimula tuloy tumibok ng mabilis ang puso niya, kasabay pa niyon ang tila pananadya ng chorus ng kantang nakalimutan niyang i-off bago sagutin ang tawag. Nakikisali pa kasi 'yon sa pagririgodon ng puso niya. "Hello?" "Uhm, hi." "Gisella?" "Speaking." "Ah, okay. Why aren't you saying anything earlier?" "I'm sorry." "Why are you apologizing? You didn't do anything wrong." "Okay." Iyon lamang, ilang sandaling pumailanlang ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Bakit 'di siya nagsasalita? She's afraid, she might say something that is rude. Kung kailan nagawa na niyang kahit papaano ay natawid na ang gap nilang dalawa. 'Di kasi niya kontrolado ang sariling bibig na baka may hindi siya magandang sabihin. "Are you still there?" mayamaya'y tanong na ni Eston sa kanya. "Yeah." "Good." Hindi siya umimik. "'Di ko alam, pero hindi tayo magkakaintidihan through phone call. I hope you don't mind, would it be alright if we meet today? May itatanong lang ako." Saka niya biglang naalala ang bulaklak. "Nagustuhan ba niya ang mga lily?" bigla na niyang naitanong, excited na marinig ang naging reaksyon ng kapatid niyang makatanggap ng paborito niyon na bulaklak. "Yes, she liked it so much. Kaya gusto ko rin magpasalamat sa 'yo for telling me to buy those." Napangiti na siya. Tumatango-tango siya habang hinihintay ang kasunod na sasabihin nito. "Are you free today?" She suddenly gasped realizing that she didn't yet given him an answer from his first question. "I think I'm..." "You think?" "I'm not free. I have a photoshoot in the afternoon." "Gano'n ba." Alam niyang nasa kabilang linya pa rin ito at hindi pa rin ibinababa ang tawag. "But, we can meet at 5PM if that is okay to you." Binanggit niya ang lugar kung saan sila maaaring magkita. Ngunit nagawa niyang mahimigan sa boses nito ang tila pag-aalinlangan at pag-aalala. "Yes, that is good to me." "Okay." Namayani muli ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan nilang dalawa nang marinig niyang mahinang napabuntong-hininga ito. "Okay, I'll end now the call." Tumango siya. Kahit alam naman niyang 'di siya nito nakikita na gawin 'yon. Ibinalik niya sa dating lagayan ang telepono bago binalikan ang kaninang ginagawa. Matagal na tinitigan niya ang mga tanim na bulaklak bago niya napagtanto ang kani-kanina lamang na nangyari. Eston called her! Magkahalong emosyon ang nararamdaman niya noong saka lamang niya narealize na tila close na silang dalawa. Ang alam niya kasi kapag magkaibigan ang dalawang tao, or they are close to one another, they sometimes give a call to each other. Tinawagan siya ni Eston, so, they're now friends! Ilang sandali lamang ay masaya niyang itinuloy ang ginagawa. *** "ANGEL!" Nakangiting nilapitan ni Gisella ang isa sa mga designer ng lingerie na susuotin niya para sa isang photoshoot ng hapon na 'yon. "Hi," bati niya kay Emmy, one of the designer of the Intimate. "Mukhang good mood ka ngayon ha!" puna na nito. Napahawak siya sa magkabilang pisngi niya. Masyado bang halata ang pagkakangiti niya ng hapon na 'yon para mapansin nito? "Hey, it's okay. You don't have to be bothered by your facial expression. Masaya lang akong makita na you can smile like that," sabi na ni Emmy sa kanya. Emmy is amiable person. Sa katunayan, dati niyang kaklase ito noong college. Nag-pursue ito fashion designing, at ilang subjects ang nagkasama sila. Nauunawaan nitong hindi siya makwentong tao, at masaya siyang malaman na magkagayonman ay tanggap siya ng kaibigan. Marahan na siniko siya nito. "Pero, bakit parang iba ang smile mo ngayon?" Hindi siya umimik. 'Di niya alam kung tamang ikwento niya ang nangyari kanina. Saka late na rin naman siyang dumating dahil nagkamali siya ng liko kanina sa intersection. Sinipat na nito ang relong pambisig. "Sige, let's leave your story for later. 'Wag mong kalimutan na ikwento sa 'kin, ha?" "Thank you, Em." Palaging high in energy si Emmy sa lahat ng bagay. Kahit noon pa man na magkaklase pa lamang silang dalawa. Kaya nang alukin siya nitong maging modelo ng mga idinesenyo nitong mga damit, lalong-lalo na ang mga lingerie, noong una ay nag-alinlangan siya dahil 'di lingid sa kaalaman niya ang mga camera at mga mata ng taong nakatingin sa kanya habang kapirasong tela lamang ang suot niya. Ngunit natuklasan niya sa bagay na 'yon ang totoong sarili niya. Natagpuan niya sa paraan na 'yon na maipakita niya kung sino siya. Naupo na siya sa harap ng salamin upang masimulan na siyang maayusan ng mga make up artist na batid niyang kanina pa naghihintay sa pagdating niya. Nang maayusan ay isinuot naman niya ang black and red lingerie. Kitang-kita na bagay na bagay 'yon sa balingkinitan niyang katawan at medyo tan na balat. "You looked on fire today, Angel!" humahangang puri ni Emmy sa kanya. Naka-set up na ang studio kung saan siya kukunan ng picture. Dumadampi sa balat niya ang malamig na hangin mula sa malaking fan sa kanyang gilid. "Let's now start people!" nakangiting anunsyo ni Emmy. "Hello, beauty! This is my first time seeing you here. By the way, I'm Michael, the photographer of today's photoshoot," wika ng lumapit sa kanya. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Gisella," aniya. Hinawakan ni Emmy ang balikat ni Michael. "She's our very own Angel in Intimate, kaya siguraduhin mong magaganda ang kuha ng pictures," natatawang sabi nito sa huli. "That my job Em," sagot naman ni Michael kahit batid na nagbibiro lamang ang kaibigan. "Just a reminder," patutsada pa rin ng una. Iginaya siyang makatayo sa gitna para makapagsimula na siyang pose. Alam na niya ang gagawin niya nang magsimulang magbago ang reaksyon sa mukha niya. People may say how daring her job is. Pero sa paraan niyang 'yon nailalabas niya ang iba't ibang emosyon na mayroon siya sa kanyang dibdib. "'Yan ang sinasabi ko! You're doing great Angel!" hiyaw ni Emmy sa kanya. Patuloy lang siya sa pagpopose sa harap ng camera. Kapag nagsimula na ang trabaho masyado ng tutok ang atensyon niya sa bagay na 'yon. Hanggang sa makailang beses na siyang nakapagpalit, at nakakaramdam na siya ng pangangalay ng parehong mga paa. "Are you okay?" tanong na sa kanya ng una nang ibalot nito ang isang robe sa kanya. Nang mapadako ang paningin nito sa suot niyang pump shoes. Halos five inches ang taas ng takong niyon at may kabigatan din. "Let's have a short break first," nag-aalang sabi na nito. May nakahanda ng silya kung saan siya mauupo. 'Di na niya masyadong namalayan ang oras subalit makaraang makaupo siya saka lamang niya naramdaman ang parehong p*******t ng mga paa. "You should have informed me that it was too tight for you." Kapag may problema, she has this tendency that she'll not telling anyone her concern. Bukod sa maaaring maging hassle lamang 'yon sa lahat, she can't find speaking up for herself. "God, one of your toes is already bleeding!" bulalas na ni Emmy. Doon lamang bumaba ang paningin niya upang tingnan ang nagdurugo ng daliri sa paa niya. Kaya pala 'yon kanina pa sumasakit. "Dapat chineck n'yo munang maigi kung sakto sa kanya ang size bago n'yo isinuot!" Pumailanlang sa buong studio ang galit na boses ng una makaraang walang kahit isang nakapansing kanina pa nagdurugo ang paa niya. "Hindi naman siya nagsasalita, paano naman natin malalaman..." rinig naman niya sa 'di kalayuan. Binalingan niya na ang kaibigan. "I'm fine, Em." "We can reschedule again the photoshoot, you don't have to force yourself." Nagsimulang mamuo ang tensyon sa paligid. "But I'll be out of the country for the next month," sabad ni Michael. "What?" "If this won't be completed today. I'm afraid, we cannot finish the whole collection within the time frame." Doon na siya napakislot. "Okay lang ako, ituloy na natin," nakangiting sabi niya. Matagal munang napatitig sa kanya ang una bago ito lalong labis na nag-alala para sa kanya. She makes certain that she's okay, and can still continue the photoshoot. She's not the most talkative person. Pero alam niya kung gaano kalaking effort na ang inilaan nito para matapos lamang ang bagong ilalabas nitong collection. Halatang malapit na rin kasi itong umiyak. "Kapag 'di mo na kaya, sabihan mo lang ako..." pagsuko na noon nito. She gently smiled and showed all of the people in the studio that she's fine. Nagpatuloy pa rin sila ayon sa schedule. Naging maayos naman ang lahat pagkatapos niyon. Most of the time, she was seated. Kaya't nakalimutan na rin niya ang matinding p*******t ng mga paa. "Oh my god, thank you talaga Angel!" Everyone is already busy cleaning up everything inside the studio particularly the dressing room. "'Di ba siya naman ang may kasalanan kaya nadelay ang photoshoot?" Hindi niya nilingon ang pinanggalingan ng boses na 'yon dahil alam niyang isa sa mga make up artist 'yon na nagpanic din kanina kung sakaling mare-reschedule ang ilang beses ng nadelay na photoshoot. It's not originally her fault for the first delay. Si Emmy 'yon na two days nang late ang designs ng collection nito. Bukod doon ay 'di rin pamilyar sa kanya ang lugar na sinasabi nitong kung saan gaganapin iyon at mag-isa lamang siyang bumiyahe kaya't 'di maiwasang naligaw siya. "Hindi lang naman sa kanya iikot ang mundo ng lahat. Saka bakit wala man lang siyang sinabihan na 'di pala kasya sa kanya ang sapatos eh 'di sana napalitan natin agad," segunda naman ng isa. She didn't complain. Dahil alam niyang five minutes na siyang late at bakas sa mga mukha ng mga naroon ang inip na magsimula. Saka nauna na niyang ibinigay ang body sizes niya at kasama na roon ang paa niya. "Spoiled brat talaga..." Natigilan na siya sa kanyang kinauupuan. Napadiin ang pagkakakagat niya ng ibabang labi. Naroon ang tila paninikip ng dibdib niya. Gusto niyang sabihin na 'di 'yon totoo, pero palaging may pumipigil sa kanyang gawin 'yon. "Miss Gisella, may naghahanap po sa inyo," wika ng isang staff na bagong pasok lamang sa loob ng dressing room. Nabigla pa siya na marinig na may naghahanap sa kanya nang mapagtanto niyang may iba pa siyang lakad ng araw na 'yon. Agad na napatayo siya sa kanyang silya at 'di na nagawang maialis ng mga dresser ang nakasuot pa sa kanyang mga alahas. Nagmamadaling naglakad siya patungo sa pintuan. Parehong nagkagulatan pa sila ni Eston nang marinig niyang malalim na napasinghap ito. "I almost forgot that we are going to meet today." Kanina nang i-check niya ang oras ay nagulat pa siyang makitang higit isang oras na ang nakalipas mula sa sinabi niyang magkita sila. "I'm sorry I didn't mean to enter the room when you're still naked," agad na hinging paumanhin nito. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan. Saka niya napagtanto na walang ideya ang lalaki sa ganoong bagay. 'Di lingid sa kaalaman niya ang mga kakaibang tingin tuloy na ipinukol ng mga tao sa kanila sa narinig mula sa bagong dating. "Hintayin na lang kita sa labas." Nagmamadali na itong umalis kahit 'di pa man niya nagagawang makapagsalita. Dali-dali tuloy siyang nagpalit na ng damit at nagpaalam sa lahat. Hindi niya nakalimutan na mag-thank you sa mga taong naroon at humingi ng paumanhin na mauuna na siyang umalis. Naabutan niya si Eston na nakaupo sa may lobby ng studio building. Tila malalim ang iniisip nito, marahil ay dahil higit isang oras siya nitong hinintay. Alam naman niyang magkikita silang dalawa pero nang dahil sa nangyari kanina sa loob, nawala na tuloy sa isip niya. "Hi, I'm really sorry. Nagkaroon lang ng problema kanina kaya medyo nagtagal kami," hinging paumanhin niya. She was sweating after running just to see him. Tumayo ito. "I—It was me who needs to apologize, basta lang akong pumasok kanina sa dressing room ng 'di kumakatok. I saw you na—" "I am not naked that time," aniya. "But... Uh, you're only wearing a—you know." "That's lingerie. I'm sorry if that's somewhat new to you. Pero gusto ko lang sabihin sa 'yo na wala kang ginawang masama." Halatang sobrang na-bother ito sa nasaksihan kanina kaya't gusto niya munang i-assure itong walang ginawang masama. Nang nanlaki pareho ang mga mata niyang makitang napatakip na ang lalaki ng mukha gamit ang isang kamay. Doon niya nakitang namumula ito, at parehong mga tainga ay pulang-pula. Hindi rin nito magawang makatingin sa kanya ng deretso, nasa ibang direksyon palagi nakatutok ang paningin nito. Is he blushing because of embarrassment? He looks so cute! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD