SINUBUKAN ng dalagang kasama ni Eston ipaliawanag ang uri ng trabahong mayroon ito. Ngunit hanggang ngayon ay 'di pa rin niya magawang maialis sa isipan ang kaninang nasaksihan sa dressing room. Hindi dahil nakita niyang nakahubo't hubad si Gisella, pero sa kabilang kaisipan niyang maraming tao itong kasama sa na nakikita itong nakaganoon.
Sa kanya napagtanto ang malaking kaibahan ng dalawang magkapatid. He intentionally finished all of his work bago siya nagtungo roon upang sunduin sana ito. Pero parang mali rin ang timing kung katatapos lamang din ng trabaho nito.
"I know a good place around here," aniya tinutukoy kung saan sila pwedeng maupo munang dalawa.
'Di rin naman sila magtatagal. May mga bagay lamang siyang gustong itanong.
"Okay," anito.
Nagulat siyang marinig na hindi ito tumanggi. Ang akala niya kasi ay mas pipiliin nitong magpahinga na lamang.
Hindi na sila sumakay pa ng kotse at nilakad ang bahaging 'yon ng kalsada. Hanggang sa matunton nila ang isang cozy diner. Mas maayos ang lugar na 'yon kaysa sa ibang alam niya saka masasarap din ang inihahandang pagkain.
Binuksan niya ang pinto upang makapasok sa loob niyon si Gisella.
"Thank you," pasasalamat nito.
May dalawang palapag ang diner. Kaya naman mas pinili niyang sa taas na lamang sila maupo, nangangamba rin kasi siya sa ibang bagay.
"Maupo ka," aniya nang inuwestra ang nakahanda na roong upuan.
Kiming ngumiti lamang ito nang maupo. Tila kakaiba yata ang katahimikan nito kung ikukumpara ang una nilang pagkikita.
Ayaw man niyang isipin pero 'di lingid sa kaalaman niya ang dahilan kaya ito halos walang imik simula nang magtungo sila sa lugar na 'yon.
"Gusto ko nga pala uling magpasalamat sa 'yo tungkol sa mga bulaklak na sinabi mong paborito ni Gennie. I didn't know that there are still things that I don't know about her," simula niya.
Sandaling napatingin muna ito bago may kung ano'ng nagmamadaling may kinuha mula sa dalang bag.
"Si Ate Gennie, she has a lot of likes and dislikes. But I can write those things for you," nakangiting sabi nito.
'Di agad siya nakaimik sa maaliwalas na nasaksihang reaksyon mula sa dalaga. She looked too innocent from the things Gennie told him.
Mukha naman kasi itong walang gagawing masama saka tila enjoy na enjoy din ito habang nagsusulat sa isang maliit na notebook na nakita niyang inilabas nito mula sa dalang bag.
"Saan ba tayo pwedeng magsimula?" ganadong tanong nito.
He immediately composed himself. Hindi magandang hayaan niya ang sariling sandaling madistract sa kapatid ni Gennie. Gayong hindi naman 'yon ang dahilan kaya siya naroon at nakipagsapalarang makita ito ng personal.
Saglit na tumikhim siya. "Paborito niyang pagkain?" aniya.
"She's allergic to crustaceans. Don't let her eat those," agad na sagot nitong alam naman na niya ang bagay na 'yon. "Hmm. If I'm not mistaken, she likes hamburgers," halos pabulong na dagdag nito.
Hamburgers? He never expected that to hear.
Kasabay ng bawat sinasabi nito tungkol sa mga paboritong pagkain ng kapatid ay panay din ang sulat nito sa hawak na notebook.
"Ang paborito niyang prutas ay watermelon. Tuwing break time niya, she'll always ask our mom to make her a watermelon shake."
Halos 'di na niya kailangan pang magsalita. Gisella made sure that whatever comes to his mind, she had already prepared answer for those.
Tahimik na lamang siyang nakinig sa mga sasabihin nito.
Hanggang sa mapagtanto niyang mali ang iniisip niyang mailap itong magsalita.
Sa busy nitong magsalita kasabay na tutok din ang atensyon nito sa paglilista ng mga bagay-bagay sa hawak nitong notebook, 'di na tuloy nito namalayang nakatayo na sa gilid nila ang dumating na waiter. Halatang kanina pa 'yon naghihintay.
Nag-isip na lamang siya ng ibang pagkain na maaaring kainin tuloy ng dalaga.
"Here, I'm done!" masayang anunsyo na nito nang mapabaling na ang atensyon niya sa hawak nitong notebook na inaabot na sa kanya.
He hesitantly accepted it.
"I hope that would help you a lot in knowing my sister's preferences when it comes to foods, clothings, and sports."
Saglit na 'di agad siya nakapagsalita.
"Thank you, Gisella," mayamaya'y pasasalamat niya.
Noong una talaga, duda siya sa desisyon na makipagkita rito. He is worried that he might do something Gennie would really hate. Naroon pa rin ang hesitation niya, pero tila sa isang iglap nawala 'yon sa kakaibang ngiting nasasaksihan niya ngayon sa dalaga.
Those looked too innocent for him to doubt, na baka may iba itong pinaplano na gawin.
"No worries! Ako nga ang dapat magpasalamat sa 'yo, for personally asking me with those questions. And, I also wanted to help my sister in any ways that I can."
So, she's only worried about her sister?
Tila may kung ano'ng bagay ang nagpagising sa diwa niya. What the heck is he feeling right now? Para bang nakaramdam siya ng disappointment sa bagay na 'yon samantalang hindi ba't 'yon din ang tunay niyang pakay?
"Erm, right." Ibinalik niya ang tingin sa hawak na notebook.
Balak niya lang sana na silipin ang mga isinulat ng kasama. But rather, he was stunned to see something...
Her penmanship is beautiful and neat.
"May problema ba?" bigla ay nag-aalalang tanong ni Gisella. Siguro ay dahil sa matagal bago siya nakapagsalita.
"Nothing. I just remembered something," pagsisinungaling niya nang mapadako ang paningin niya sa pagkaing nasa mesa. "You've been busy writing in your notebook earlier. I was about to interrupt you..."
"Okay lang. Ang mahalaga naisulat ko ang lahat ng mga dapat mong malaman tungkol sa ate ko."
"You're right. You did." Kasama kasi sa mga isinulat nito ang lahat na yata ng detalye mula sa mga hobby, lugar na madalas puntahan ng fiancee, at maging mga unique na bagay tungkol doon ay mabusising idinetalye nito. He's rather speechless.
"Oh, you ordered already?"
In-order na lamang niya ang lahat ng pagkaing available sa menu. Para hindi na nito kailangan pang maghintay kung sakaling babalik pa ang waiter.
Matagal na napatitig siya sa mukha ng dalaga dahil sa kakaibang reaksyong bumakas sa mukha nito. She looked pleased to the food in their table.
"Thank you," rinig niyang wika nito.
Ang akala niya ay magagalit itong pinangunahan niya sa bagay na 'yon.
Sa totoo lang, he's kinda worried about ordering variety of dishes. Gisella is a petite woman. Baka masayang lamang 'yon.
Ngunit labis siyang nagulat na makitang magana pala itong kumain. Panaka-nakang sinusulyapan niya ang dalaga habang kumakain, bagay na 'di niya ginawa noong kasama niya si Gennie.
Sa huli ay naubos din naman nito ang apat na putahi ng pagkain na kanyang in-order. Saka halatang nag-enjoy din ito sa mga 'yon.
Muling narinig niyang nagpasalamat ito.
Naglalakad na sila pabalik sa building kung saan niya ito sinundo. Halos wala ng sasakyan ang naroon bukod sa natatanging dalawa na makikita mula sa parking lot.
Sinipat niya ang relong pambisig. It was not yet that late, 8PM pa lang naman ng mga oras na 'yon pero animo'y makikitang wala ng tao sa loob.
"Nandito na ang kotse ko," ani Gisella.
Binalingan niya ang dalaga. Mag-isa ba itong magda-drive pauwi?
"Wala ka bang ibang kasama?"
Lumingon-lingon ito sa buong paligid bago ibinalik ang paningin sa kanya. Sila lamang kasing dalawa ang kasalukuyang naroon sa lugar.
"Uh, they texted me earlier that they left the place already to have a warm dinner," anito.
Naguluhan naman siya. Pero sa huli ay naintindihan naman agad niya ang dahilan kaya ganoon ang nangyari, sila rin kasi ay nagdinner na.
"Okay, mag-iingat ka," paalam niya.
Nanatiling nakatayo lamang siya roon habang pinapanood itong sumakay ng kotse.
"Thanks, ikaw din Mr. Cole."
"Eston," aniya nang banggitin ang pangalan.
Napaangat na ito ng tingin sa kanya.
"You can call me Eston."
Saglit na 'di ito agad na nakapagsalita. Nang mahagip ng paningin niya ang tila pigil na pagngiti nito. Cute.
"Eston, see you again next time."
Doon ay minaniobra na nito ang sasakyan.
He doesn't think that they'll be seeing each other again. Balak na sana niyang puntahan naman ang sasakyan nang mapadaan siya sa isang smoking area.
"Nakita mo ba si Miss Gisella? Ang ganda talaga pre! Ang puputi ng legs!" 'di maiwasang marinig niya ang isang boses ng lalaki na nakaupo roon.
"Sayang 'di ako nakapasok kanina para silipin man lang siya habang nasa photoshoot bantay sarado kasi si Ma'am Emmy eh ni wala naman siya sa kalingkingan ni Gisella. Bwisit talaga, sayang pa naman na maaga ako pumasok eh 'di sana naka-score ako."
Malutong na tumawa ang isa. "Ano'ng score ka diyan?! Ikaw patulan n'on, may magara ka bang kotse?"
"Bakit? May nauna na ba sa 'yo?"
"Gagu, oo pre. Mukhang mayaman. Nakapormal kanina, saka may hitsurang imported."
"Talaga pre? Tangina, ba't naman kasi pinanganak akong tagalinis ng kubeta ng mga mayayaman na 'yan. Nasayang tuloy talent ko sa kama dahil sa punyetang 'to!"
"Pre, bantayan mo bibig mo baka may makarinig sa 'tin."
"Bakit?"
"Nabalitaan mo na ba?"
"Ang alin? Pre, tigang na tigang na ko—"
Tinakpan ng kasama nito ang bibig ng huli. "Pre, easihan mo lang. Narinig ko sa kakilala ko na driver ng ama ni Ms. Lacanlale, narinig daw no'ng anak na pinag-uusapan siya ng driver at bodyguard na gusto siyang i-scoran. Malas no'ng dalawang 'yon, hanggang ngayon daw 'di pa nakikita ng pamilya."
"Malas naman nila."
"Kaya nga pre. Iwasan mo na rin 'yang kalibugan mo pre, kahit kailan 'di ka papatulan n'on. Tandaan mo mahilig 'yon sa binatang may pera katulad no'ng kaninang sumundo sa kanya. May hitsura na, mayaman pa. Saan ka pa?"
Malutong na nagmura na lamang ang isa. "Tangina naman. Siguro pagtiisan ko na muna 'tong dati kong narecord sa restroom ng mga babae. Hanggang dito na lang ako at ang junior ko makakaraos..."
"Gagu ka talaga pare. Patingin nga rin ako. Magaganda ba 'yung anggulo?"
Nang 'di na makatiis na magpakita si Eston sa mga 'yon. Napalingon tuloy sa kanya ang isa na noo'y matamang napatitig na sa kanya.
"'Ayan pre. Kamukha niya 'yong lalaki kaninang sumundo sa pinag-uusapan natin," sambit nang una.
He gently brushed his hair back.
Saka bumakas ang kalituhan sa nagsalitang 'yon.
"Teka pre," gulat na nitong wika.
"Bakit?" Maging ang kasama nito ay napalingon na sa kanya.
Sa isang iglap, nagtatagataktak ang pawis niya mula sa kanyang noo pababa sa kanyang leeg. Nagdurugo rin ang isang sulok ng kanyang labi. Ngunit 'di niya 'yon alintana nang muling ambahin niya ng suntok sa mukha ang lalaking walang ibang bukambibig kanina kung 'di kahalayan.
His white suit is already covered with blood, nang tumayo siya at pagpagan 'yon. Kinuha niya rin mula sa bench na naroon ang isang stick ng sigarilyo na hindi pa nasisindahan. Nilapitan niya ang katawan ng lalaking pinakapinag-initan niya sa dalawa. Nakita niyang nakaumbok sa bulsa nito ang isang lighter.
Sinindihan niya ang sigarilyo at inihit 'yon. Ibinuga niya ang usok niyon sa mukha ng lalaking narinig niyang wala na yatang ibang alam kung 'di manamantala ng babae. Halos 'di na makilala 'yon dahil sa balot ng dugong mukha.
Dinampot niya ang cellphone gamit ang isang panyo. Saglit na may tinawagan siya gamit 'yon.
Iniwan niya ang katawan ng dalawang lalaking walang kamay at nagsimulang maglakad siya patungo sa kanyang naka-park na sasakyan.
Bago sumakay ay itinapon niya ang sigarilyo na kanina pa niya iniihit. Nangako pa naman siya sa inang titigilan na niya 'yon, pero sa kabilang banda mabuti na lamang nakatulong 'yon para pakalmahin ang buong sistema niya dahil kamuntikan na niyang mapatay ang dalawa kanina.
Those f*****g bastards.
Nangati ang lalamunan niya at gusto muling umihit ng isang stick ng sigarilyo.
Him, pretending to be the most outright man.. sa isang iglap naglaho 'yon na parang bula.
***