bc

The Night Before I DO- With You

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
escape while being pregnant
second chance
powerful
mafia
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
campus
disappearance
rejected
addiction
like
intro-logo
Blurb

THE NIGHT BEFORE I DO — WITH YOUSerena thought she knew exactly how her life was supposed to go.She was about to marry the man she had loved for years. Everything was ready—the wedding dress, the ring, the flowers, even the vows she had practiced countless times in her head.She was supposed to wake up the next morning as a bride.But the night before her wedding, one stupid decision changed everything.After drinking more than she should have, Serena wakes up in a hotel room with a man beside her.A man she can't clearly remember.Panic takes over.Before he even wakes up, Serena leaves the room, carrying nothing but a pounding headache, a guilty conscience, and the horrible thought that she had just betrayed the man she was supposed to marry.So what does she do?She runs.But what Serena doesn't know is that the man from that night isn't some random stranger.And when their paths cross again, she starts noticing little things that don't make sense.The familiar voice.The familiar eyes.The feeling that somehow... she has met him before.Because sometimes, the person you think was your biggest mistake...turns out to be the person you've been falling for all along.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE:WHO ARE YOU?
SERENA'S POV Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging mali ang gabing iyon. Siguro nang tanggapin ko ang unang baso. O nang tumawa ako kasama ng mga kaibigan ko na para bang wala akong kasal na kailangang harapin kinabukasan. O baka matagal nang may mali sa akin. Dahil kahit dapat ay isa sa pinakamasayang gabi ng buhay ko, may kung anong bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Bukas, ikakasal na ako. Bukas, magiging asawa ko na si Adrian. At ngayong gabi, dapat ay nagdiriwang ako kaya pumunta ako sa party ni Mara ang best friend ko. Hindi para kalimutan ang kasal. O para gumawa ng kalokohan. Gusto ko lang sanang magkaroon ng huling gabi kasama ang mga taong malapit sa akin bago tuluyang magbago ang buhay ko. Hindi ko alam na ang gabing iyon ang sisira sa lahat. "Serena! Dito!" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mara nakita ko siyang kumakaway sa gitna ng maliit na crowd Nakangiti ako habang papalapit sa kanila. "Finally!" sabi niya. "Akala ko hindi ka na pupunta." "Sinabi ko namang pupunta ako." "Oo, pero bride ka bukas. Baka bigla kang umatras." Pabirong saad nito habang natatawa Napatawa ako, hindi manyayari yun. "Ikakasal ako, Mara." "Sigurado?" "Shh stop it!." Mas lalo siyang tumawa. Napatingin ako sa paligid. Maliwanag ang mga ilaw. Malakas ang tugtog. Maraming tao ang nagsasayawan at nagkukuwentuhan. Lahat ay masaya. At sa unang pagkakataon buong araw, nakaramdam ako ng kaunting gaan. Kumuha si Mara ng isang baso ng alak at iniabot sa akin. "Para sa bride-to-be." Tinanggap ko iyon. "Isa lang." "Isa lang," pangako niya. Ngumiti ako. "Cheers." Nagtama ang mga baso namin. At doon nagsimula ang gabing hindi ko na sana sinimulan. Hindi ko mabilang kung ilang baso na Ng alak ang nainom ko At unti-unting nahilo ako gawa ng alak, tumatawa ako sa mga bagay na hindi naman talaga nakakatawa sumasayaw ako kahit hindi ko alam kung tama pa ba ang mga galaw ko. "Serena, tama na!" sigaw ni Mara habang tumatawa. "Okay lang ako!" "Hindi ka na okay." "Okay lang ako!" Napailing siya. "Ang stubborn mo talaga." Tumawa ako siguro tama siya, pero ayokong pang umuwi. Ayokong matapos ang gabi. Dahil bukas wala nang ganito. Bukas, ikakasal na ako sa pinakamamahal kung lalaki si Adrian napabaling ako sa cellphone ko Ng mag vibrate ito hudyat na may pumasok na message sa phone ko. Adrian: Enjoy tonight. Don't drink too much Napangiti ako, mabilis akong nag-reply. Me: I won't Isang minuto lang, may sagot agad. Adrian: I love you Napahinto ako sa pagsasayaw sa kabila ng ingay, parang narinig ko lamang ang tatlong salitang iyon. I love you. Ngumiti ako habang nakatingin sa screen. Me: I love you too. Inilagay ko ang cellphone ko sa bag hindi ko alam na iyon na pala ang huling mensaheng maipapadala ko sa kanya bilang fiancé niya. Lumipas ang oras. Mas lumakas ang tugtog. Mas dumami ang tao. At lalo akong nahilo. "Serena, umupo ka muna," sabi ni Mara. "Okay lang ako." "Paulit-ulit mo na 'yan sinasabi." Ngumiti lang ako at naupo sa Isang sofa Pumikit ako sandali Parang umiikot ang buong paligid. "Maybe I should go home." "Hatid kita." Umiling ako. "Wag na." "Bakit?" "May pupuntahan pa ako." "Ay saan ka naman pupunta?" Napaisip ako, hiindi ko alam. Sa totoo lang, wala akong maisip na pupuntahan. Pero bago pa ako makasagot, tumayo na ako pagkabangon ko, biglang nanghina ang tuhod ko at muntik na akong matumba. "Whoa." "Careful." Napatingin ako. Isang lalaki. Hindi ko malinaw na nakita ang mukha niya dahil sa ilaw at sa hilo ko, inalalayan nya ako namakatayo nang maayos "Okay ka lang?" Tumango ako. "Yes." "You're drunk." Napatawa ako. "Medyo." "Sino kasama mo?" Tumingin ako sa paligid hinanap ng mata ko si Mara, pero hindi ko na siya makita. "Kaibigan ko..." Napa tango-tango nalang ito hudyat Ng pagsang -ayon nito. Muling umikot ang paligid, napahigpit Ang kapit ko sakanyang braso. "Come on. Maupo ka muna." Hindi ko alam kung bakit ako sumunod, siiguro dahil kailangan ko ng tulong O siguro dahil wala na akong sapat na pag-iisip para magriklamo pa. Ang tanging natatandaan ko ay ang kamay niya sa braso ko habang tinutulungan niya akong maglakad. Naalala ko ang labas ng building ang malamig na hangin sa mukha ko. Ang tunog ng sasakyan at ilaw ng mga gusali habang dumadaan kami. May sinabi siya sa akin hindi ko na matandaan kung ano. Pagkatapos noon, naging malabo na ang lahat. Ang malinaw lamang ay ang pakiramdam na hindi ako nag-iisa May isang taong kasama ko. Isang lalaki. Isang taong hindi ko kilala. At bago tuluyang mawala ang alaala ko. Narinig ko siyang nagsalita. "Magpahinga ka." Pagmulat ko ng mga mata ko kinabukasan, hindi ko agad naintindihan kung nasaan ako. Masakit ang ulo ko subrang sakit, napahawak ako sa noo ko. "Aray..." Dahan-dahan akong bumangon at don ko napansin na hindi ito ang kwarto ko napatingin ako sa paligid. Isang hotel room. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. saka ko narinig ang tunog ng tubig. Shhhhh…. Napalingon ako sa pinto ng banyo. May tao roon. May naliligo. Bigla akong nanigas sa kama. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang gusto nitong kumawala sa dibdib ko. Tumingin ako sa sarili ko. Magulo ang buhok, nagkalat Ang damit sa baba ng kama. Napa sabunot ako sa buhok ko, hindi ko man lang maalala kung paano ako nakarating dito. At doon pumasok sa isip ko ang tanong na ayaw kong itanong sa sarili ko. Ano ang ginawa ko kagabi? Pinilit kong alalahanin. Party. Alak. Mga ilaw. Malakas na tugtog. Mga taong nagtatawanan. At isang lalaki. Napapikit ako. May naalala akong mga pira-pirasong sandali, pero kahit anong pilit ko, hindi ko mabuo ang buong pangyayari. Walang mukha. Walang pangalan. Wala akong makapitan na kahit isang malinaw na alaala ang alam ko lang May isang lalaki. Isang estranghero. Napahawak ako sa kumot. "No! Hindi pwede to." Kaba ang maririnig sa mahina kung boses ayokong isipin kung ano ang ibig sabihin nito. Pero habang patuloy kong naririnig ang tubig mula sa banyo, lalo lang akong kinakabahan. May tao sa likod ng pintong iyon isang lalaking hindi ko kilala, at ayokong malaman kung sino siya. Dahil baka kapag nakita ko ang mukha niya, tuluyan nang magbago ang lahat. Mabilis kong kinuha ang nagkalat na damit ko sa ibaba. Dali-dali ko itong isinuot. Halos hindi ko na nga alam kung tama pa ba ang mga ginagawa ko. Basta gusto ko nang umalis. Tahimik akong tumayo at inayos ang sarili ko sa abot ng makakaya ko. Bago ako lumabas, napatingin ulit ako sa pinto ng banyo. Sandali akong nagdalawang-isip. Paano kung hintayin ko siya? Paano kung makita ko ang mukha niya? Baka sakaling maalala ko. Pero hindi ko magawa. Mas nanaig ang takot. Tumalikod ako at lumabas ng kwarto, hindi na ako lumingon. Paglabas ko ng hotel, agad kong kinuha ang cellphone ko. At doon ko nakita ang dose-dosenang missed calls. Karamihan ay mula kay Adrian. Napapikit ako. Nanikip ang dibdib ko. Isa-isa kong binuksan ang mga mensahe niya. Adrian: Where are you? Adrian: Serena, please call me. Adrian: I'm waiting for you. At ang huling mensahe niya— Adrian: I love you. See you tomorrow. Napatingin ako sa screen nang matagal. Tomorrow. Ngayon ang araw ng kasal namin. Napatingin ako sa engagement ring na nasa daliri ko. Kanina lang, ordinaryong singsing lang iyon. Ngayon, parang ang bigat-bigat na. Napaluha ako. Paano ako haharap kay Adrian? Paano ako pupunta sa altar? Paano ko siya haharapin at sasabihing I do na parang walang nangyari kagabi? Habang alam kong may ibang lalaki akong nakasama? Hindi ko alam kung sinadya ko. Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Pero alam kong may nangyari. At kahit hindi ko maalala ang lahat, sapat na iyon para maramdaman kong niloko ko siya. Pinagtaksilan ko ang lalaking pinakamamahal ko. Tinawagan ko si Mara. Ilang ring muna bago niya sinagot. "Serena! Saan ka? Kanina pa kita hinahanap!" "Mara..." Nanginginig ang boses ko. "Ano'ng nangyari?" Hindi ko alam kung paano sisimulan. "Nasa hotel ako." Biglang na tahimik si Mara. "Ano?" "Nakauwi ako sa hotel... kasama ang isang lalaki." "Serena..." "Hindi ko siya kilala." Ilang segundo siyang hindi nagsalita. "Sigurado ka?" "Pagkagising ko, nasa bathroom siya." Napahawak ako sa bibig ko habang pinipigilan ang panibagong hikbi. "Hindi ko nakita ang mukha niya." "Serena, baka—" "May nangyari sa amin." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. "Hindi ko alam kung paano. Hindi ko maalala. Pero alam kong may nangyari." "Umuwi ka. Pag-usapan natin." "Hindi ko kayang umuwi." "Pero Serena..." Bumigat ang boses ni Mara. "Kasal mo ngayon." Mas lalo akong napaluha. Napatingin ulit ako sa engagement ring. "Iyon nga ang problema.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MANO PO, NINONG (The Forbidden Love)

read
257.8K
bc

The Arranged Bride of the Moravilla

read
2.7K
bc

Kuya Obsession Series 3: Taming my Rude Seniorito(Spg)

read
177.2K
bc

Salatin Mo, Doc. Demetrius (SPG)

read
88.0K
bc

The doctor is in love

read
23.6K
bc

UNANG TIKIM: MY DAD'S BESTFRIEND (SSPG)

read
3.2K
bc

Owning My Uncle's Bestfriend (SPG)

read
14.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook