Follow me on f*******:, YouTube, and t****k: Juanna Balisong
ENJOY READING! (/>o
KASALUKUYAN silang nasa office ni Danica at hinihinatay na lamang na matapos magligpit sa baba upang magsara. It's been a long day for them, sa rami ng customers ay halos maubos ang lahat ng mga displays at abutin sila ng alas-otso bago maglagay ng close sign.
With her hands crossed on her chest, nagpakawala si Samantha ng isang mabigat na paghinga at isinandal ang sarili sa kinauupuan. Tinapunan niya ng tingin si Dominic na nasa may pintuan. He's leaning against the door while his hands are in his pockets. His dark and penetrating eyes ay mainam na nakatuon sa kanya at tila nanunuot sa kalamnan niya ang titig nito.
Tila biglang nanikip ang dibdib ni Samantha. Ang kaninang comfortness sa pagkakaupo na kanina niya pa hinahanap ay muli na namang nabuwag. Muling nanuot sa kanya ang consciousness sa hindi malamang dahilan. Bakit nga ba siya naco-conscious sa sarili niya? Dahil ba alam niyang nakatingin si Dominic ay para siyang pusang hindi mapalagay?
Umahon ang inis niya sa sarili. Never in her whole life na may lalaking nagparamdam sa kanya ng ganoon. At naiinis siya sarili niya dahil naaapektuhan siya sa ginagawa ni Dominic. 'Parang wala namang ginagawa sa iyo iyung tao. Ikaw lang itong masyadong apektado sa presensya n'ya,' ika ng kanyang isipan.
Muli siyang nagpakawala ng buntong-hininga at iniiwas ang tingin sa lalaki. Sa palagay niya sa tingin pa lamang ni Dominic ay kaya na siya nitong lamunin nang buo.
"Now that you two know each other, hindi ko na kailangan pang pormal na ipakilala kayo sa isa't isa," nakangiting wika ni Danica sa kanilang dalawa. "I hope you guys will bond so well at natitiyak ko naman iyon."
Rumolyo na lamang ang mata ni Samantha sa sinabi nito. '"Bond-well" my ass! Kulang na nga lang ay patayin ako ng kapatid mo sa sindak sa titig n'ya.' Kung maaari lang isatinig iyon ay baka ipinagkalandakan niya pa.
"Hindi mo sa akin nabanggit na may kaibigan ka pa lang 'Samantha', Danica," ani ng baritonong tinig.
Kunot ang noong napalingon si Samantha kay Dominic. Seryoso ang mukha nito ngunit mababasa sa mga mata nito ang pang-uuyam sa kanya.
"Oh, right... hindi ko pa s'ya nababanggit sa iyo noon since Sam is a new friend."
"A new friend?" muli siyang tinapunan ni Dominic ng tingin. Bahagyang naningkit ang mata nito at tumango-tango. "I see..."
Tiningnan ni Danica ang oras, quarter to nine ang isinasaad niyon. "Bababa muna ako para magsara."
Biglang nakaramdam si Samantha ng pagkabahala. Kung aalis si Danica ay maiiwan sila ni Dominic sa opisina at hindi niya kakayaning makasama ang tigreng iyon!
"I-I'll go with you." Nangungusap ang mga matang tiningnan niya si Danica, tila nagmamakaawang tuta na isama sa lakad ng amo.
Bahagyang natawa ang dalaga. "Saglit lang ako, Sam. Dito muna kayo ni kuya." At diretsong lumabas ito ng opisina.
Nang makaalis si Danica ay naghari ang nakabibinging katahimikan sa paligid. Animo ang hangin na ibinubuga ng aircon ay mas lalong lumamig.
Wala sa sariling napalingon siyang muli sa kinaroroonan ni Dominic. Ang maiitim nitong pares ng mata ay mataman pa ring nakatingin sa kanya. Pakiwari ni Samantha ay nais niya magsumiksik sa kinauupuan at itago ang sarili mula kay Dominic.
Panong hindi siya manliliit at maiilang dito? Nahuli lang naman siya nito na "in action". Sa awra pa lamang ng lalaki ay masasabi mo nang hindi ito madaling makukumbinsi sa kung ano mang palusot ang sasabihin niya.
'Goodness gracious!' Gusto na lamang niyang maglaho na parang bula.
With his hands still in his pockets, umalis si Dominic mula sa pagkakasandal sa pintuan dahilan upang magsara ang pinto, at naglakad papasok sa silid.
Biglang umusbong ang tension sa katawan ni Samantha. He didn't even bother breaking his eyes on her habang palapit ito. She can feel her body stiffen as his step gets closer and closer. Para siyang batang natuod dahil nahuli sa ginagawang kalokohan.
Tumigil ito sa harap niya.
Walang nagawa si Samantha kundi salubungin ang mata ni Dominic dahil magmumukha lamang siyang gaga kung iiwasan niya ang tingin nito. Matapang na tiningala niya ang lalaki at ginantihan ang nanunuring titig nito.
"What do you want, Mr. Right?" Nakaarko ang kilay na tanong niya.
Dominic's eyes darkened and his jaw clenched. He exhaled heavily as he put his arms on the armrest cornering and trapping her between his arms.
Halos magwala ang puso ni Samantha sa kakaibang pintig niyon nang ilang pulgada na lamang ang layo nila sa isa't isa. Kung ano man ang ibig sabihin ng hindi maipaliwanag na t***k niyon ay hindi niya alam.
With his eyes raging with fire, he asks, "I will ask you the same question, Samantha. What do you want?"
Hustong inilapit ng binata ang mukha kay Samantha na tila ba nanunubok. Hindi nagpatinag ang dalaga sa pakikipagtitigan dito at kahit nangangawit ang leeg sa pagtingala sa lalaki ay hinding-hindi ito nagbaba ng tingin.
"Enlighten me please, linawin mo ang ibig mong sabihin."
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Dominic sa arm rest ng kanyang kinauupuan dahilan upang magsilabasan ang mga ugat nito sa braso. His body is hovering her at niwala siyang kawala. Sa hitsura ni Dominic ay halata mong nagpipigil ito ng galit.
"Basang-basa ko ang mga ikinikilos mo. What do you want para tumigil ka?" Naniningkit ang mga matang untag ng binata.
"Oh, c'mon Dominic. Iyon pa rin bang kanina ang tinutukoy mo? I was just being friendly with Ricky."
"Uulitin ko lang din ang sinabi ko kanina. I don't buy cheap and lame excuses, kaya don't play coy with me, Samantha." Matigas ang bawat kataga at nagtatagis ang mga pangang ani'to.
"I am not." Matapang na sagot ng dalaga ngunit sa loob-loob ay tila nais niyang panghinaan sa mga titig ni Dominic.
Dominic held her chin at sandaling pinakatitigan ang kabuuan ng mukha ng dalaga. Halos hindi na makahinga si Samantha at manlamig ang kalamnan niya sa ginawa ng binta.
"Siguraduhin mo lang na wala kang maling ikinikilos, because my eyes are on you." Mahinahong inalis ni Dominic ang pagkakatukod at umayos ng pagkakatayo. "Asahan mong madalas pa tayong magkikita." Seryosong saad nito bago tinungo ang pinto.
Nang tuluyang maiwang mag-isa si Samantha ay animo hapong-hapo niyang hinabol ang kanyang hininga. Para siyang nakalublob kanina sa tubig at hindi magawang makasagap ng hangin dala ng tensyon. Magpahanggang ngayon ay naririnig pa niya ang mabilis na pagrigodon ng kanyang puso.
Mayamaya ay dumating si Danica. "Nasalubong ko si kuya. May nangyari ba?"
Umiling si Samantha. "W-wala naman. Tara?"
"Yes, let's go." Kinuha nito ang bag sa lamesa. "Kasasara ko lang din ng shop at nagsiuwian na ang iba. I'll stay in your place muna for some chitchats." Ikinawit ni Danica ang kamay sa braso ni Samantha at sabay na lumabas ng silid.
SA MGA sumunod na araw ay naroon nga sa shop si Dominic at animo daig pa ang sekyung beinte-kwatro oras kung makapagbantay sa kanya. Nihindi niya magawang lapitan si Ricky dahil tuwina'y humaharang ito kapag tatangkain niyang kausapin man lang ang lalaki. Paano na lamang ang mga plano niya gayong nariyan si Dominic at nagbabantay sa kanya?
**
Kumpulang nag-uusap sila Samantha at ang ibang crew nang umagang iyon habang hinihintay na magbukas ang shop. Sakto namang kadarating lang ni Ricky na papasok na ng shop.
Nagkaroon si Samantha ng tyansang lapitan ang lalaki lalo na at wala pa si Dominic. Dali-dali siyang naglakad palapit dito upang salubungin na sana nang biglang magsipasukan ang mga customers sa shop. Naharang tuloy ang daan niya papunta kay Ricky na siya namang dali-dali na ring dumiretso sa kitchen upang hindi masiksik ng mga tao.
"Sinong nagbukas? Ang aga pa ah?" Takang nilingon ni Samantha ang pinto.
There, she saw Dominic holding the steel on the glass door while welcoming the customers with his charming chinito smile.
Nang makapasok ang kahuli-hulihang costumer ay nilingon siya ni Dominic. The smile painted on his red lips got wider and in just a second, he made her heart skip like a thousand times when he winked at her.
Tila ang inis na nadarama ni Samantha ay nabahiran ng kilig sa ginawa ng binata. Para siyang timang sa gitna na namumula at pinipigilan ang sariling bumunghalit sa inis.
Wala na siyang nagawa kundi ang mag-serve sa mga costumer dahil naging busy na rin ang ibang katrabaho.
Ngingiti-ngiti naman na sinundan na lamang ng tingin ni Dominic si Samantha.
**
Inililista ni Samantha sa maliit na papel ang additional order ng kaharap niyang customer. Habang sinusulat ang mga pangalan ng menu na napili nito ay hindi nakaligtas sa paningin ni Samantha ang paglabas ni Ricky sa kitchen dala ang bagong bake na mga pastries.
Sandali siyang nagpalinga-linga upang hanapin ang pigura ni Dominic. Nang hindi ito mahagilap ay nakagat ni Samantha ang ibabang labi dala ng kasiyahan sa isiping maiisahan niya na ang lalaki.
Matapos makuha ang order at lumapit na siya sa counter kung saan naroon malapit si Ricky na naglalagay ng stocks sa display cases.
"Claire, additional order for takeout sa table 6." Ibinigay niya ang papel. Nang tumalikod ito upang ihanda ang order ay saka naman pumorma si Samantha.
Ipinatong niya ang braso sa counter at nangalumbaba, pinagmamasdan ang bawat kilos ni Ricky na busy sa paglalagay ng stocks. Sa hitsura niya ay para siyang nagpapa-cute rito. Well, iyon naman talaga ang intensyon niya. Ang magpabebe sa harap nito.
"Masarap siguro iya—"
"Hindi ba naituro ng mga matatanda na bawal mangalumbaba sa harap ng pagkain?"
Ang nagpapa-cute na mukha ni Samantha ay agad na napalitan ng busangot. Nilingon niya si Dominic na nasa likod na pala niya hawak ang isang paper bag.
"At kailan ka pa nag-papaniwala sa mga sabi-sabi ng mga pilipino? Hindi ba at hapon ka?" Nakataas ang isang kilay na untag niya.
"H'wag ka nang maraming satsat. Kanina pa hinihintay ng costumer ang takeout at hindi makaalis dahil sa'yo." Ibinigay nito sa kanya ang paper bag at hinawakan siya sa balikat at itinalikod upang itaboy palayo.
**
Kasaluluyang naka-break si Samantha kaya minabuti na lang niya muna na ubusin ang oras sa pagmamasid-masid sa paligid. Nakita niya si Dominic na may kausap sa cellphone nito at tumayo sa kinauupuan upang lumayo at mas marinig ng mainam ang kausap.
Tiningnan niya ang oras sa wallclock, limang minuto bago matapos ang break niya. Agad na nagluwanag ang mukha ng dalaga at dali-daling lumapit sa pinto mg kitchen.
Sumilip siya sa maliit na bintana ng pinto at nakita ang mga abalang tao sa loob. May dalawang crew na katulong si Ricky sa paghagango ng mga tinapay.
Kailangan niyang masolo at makagawa na agad ng move bago pa bumalik si Dominic.
She impatiently taps her foot as she waits for the two men to get out of the kitchen. Palinga-linga rin siya sa pinyo ng shop upang mabantayan ang muling pagpasok ni Dominic.
Muli siyang sumilip sa loob. Nangakiya na papalabas na amg dalawa tulak ang malaking tray ng mga bagong hangong tinapay ay tumabi siya sa daan.
Nang tuluyang makalabas ang mga ito ay muli siyang sumilip sa loob. Mag-isa na lamang si Ricky sa loob. Ito na ang pagkakataon niya na—
Biglang may humarang na kung ano sa bintana ng kanyang sinisilip dahilan upang matakpan ang kanyang sinusulyapan.
Inis na nilingon niya ang may-ari ng kamay na iyon. Nakangising gwapotong mukha ni Dominic ang bumungad sa kanya.
"Mukhang wala ka na rin lang ginagawa, mamigay ka ulit ng flyers sa labas." At inilahad sa kanya niti ang bagong kumpol ng mga flyers.
Ngunit imbis na kunin ay tinitigan lamang ni Samantha ang mga flyers sa kamay ng binata. Unti na lang talaga ay puputok na siya sa inis at pagtitimpi sa damuhong ito.
Nang hindi pa rin niya kinukuha mula rito ang inilalahad nito ay hinawakan na ni Dominic ang kanyang kamay at nilapag sa palad niya ang mga flyers.
"Nakakatuyo ba ng utak ang pagtitig sa paghango ng tinapay? Dapat ngang ilayo ka lalo sa kitchen." Nakangising banat nito.
Napangiwi si Samantha. "Pinaglihi ka ba sa cctv noong pinagbubuntis ka?"
Bahagyang napatawa ang binata. "Alam mo namang malingat lang ako ng kaunti ay may ginagawa at binabalak ka na agad. Don't you remember what I said? My eyes are on you, darling." At tumalikod ito at nagpatiuna.
Pakiwari ni Samantha ay umakyat lahat ng kanyang dugo sa kanyang ulo dahil sa labis na pamumula at mabilis na pagtibok ng puso. Dominic called her in an endearment she didn't expect him to call her. Parang sumirko ang kanyang puso sa paraan ng pagkakasabi nito.
Sinampal niya sa sarili ang hawak na mga flyers upang gisingin ang lumilipad na utak.
'Get a hold of yourself, Samantha! H'wag kang papaapekto sa charms ng hapong iyon. Do your job!'
At muli niyang sinampal sa pisngi ang mga flyers. Kung may makakakita man sa kanya ay magmumukha siyang siraulo.
**
Naiinis na inilapag ni Samantha ang walang laman na tray sa counter habang ang mga mata ay nanlilisik na nakatingin kay Dominic na prenteng nakaupo sa may sulok at nagbabasa ng dyaryo. Alam niyang panaka-naka siyang tinitingnan ng lalaki kaya kahit isa sa mga palusot niya ay walang umobra. Kailangan niyang makaisip ng panibagong taktika upang magawa ang plano.
Ipinahid niya ang kamay sa apron na suot at nagpaalam kay Nami—na siyang katuwang niya sa pagse-serve—na aakyat muna siya sa opisina.
Nakaramdam ata si Dominic kaya tinapunan siya nito ng tingin. He lifts his cup and took a sip of his coffee.
Pakiramdam ni Samantha ay sa bawat paglagok nito ay siya ring pag-ahon muli ng kakaibang kilabot sa kanyang katawan. Ang mga mata nito ay parang tigreng ano mang oras ay handa siyang sunggaban at lapain.
Inayos niya ang pagkakapusod ng buhok at pinutol ang pakikipagtitigan dito. Hindi na ata niya kakayanin pang labanan nang matagalan ang titig nito at baka mapatakbo na lamang siya ng wala sa oras.
Wala ng katok-katok ay dumiretso na ng pasok si Samantha sa opisina ni Danica.
"Aaarrghhh!" she frustratedly groaned at parang bata na nagsusumbong na naupo siya sa katapat nitong upuan.
"Bakit parang lantang gulay na 'di pa naaani 'yang mukha mo?" natatawang ani Danica na nilingon si Samantha habang patuloy na nagpipirma ng mga dokumento.
"Your brother! Wala na ba s'yang ibang alam na gawin kundi bwisitin ang araw ko?"
"Why, ano ba nangyari?"
"Hindi mo pa ba napapansin? Dahil sa kuya mo, ni-hindi ko malapitan o makausap man lang si Ricky. Daig pa ang pader kung makabakod e, minsan gusto ko na lang talaga isipin na ang kuya mo talaga third-party."
Napatawa si Danica. "Believe me, Sam, mabait iyon. Saka, hindi ba natin pwede sabihin sa kanya ang plano?"
"First of all, mabait? Kung ang depinisyon ng mabait ay ang kuya mo, so ano si satanas, santo? Second, no we can't. Surely na hindi maiintindihan ni Dominic ang plano at dahilan natin dahil una, lalaki rin s'ya. Hindi niya maiintindihan iyong guts nating mga babae. Pangalawa, it'll be awkward. Isipin mo, nilalandi ko si Ricky with your permission. Isn't it weird?" problemadong nangalumbaba siya sa armrest.
"Yep, you have a point," tango ni Danica. "Pero papaano mo naman magagawan ng paraan ang kuya since we can't tell him our plan?"
Nagpakawala siya ng buntong-hininga at hinilot ang kumukirot na sintido. Napatingin siya sa isang frame na nakapatong sa divider. Picture iyon ni Danica at Dominic noong mga kabata-bataan pa.
Danica look so cute in her hair tied in pigtails. Nakaakbay rito ang nakatatandang kapatid na si Dominic na gwapong-gwapo sa bagsak at malagong buhok, singkit ang mga mata at may suot na salamin, at very charming ang ngiti.
Animo bumbilya na lumiwanag ang mukha ni Samantha nang may maisip. It turns out Ricky is not her only job here...
She turned to Damica with a cheeky smile. Takang tiningnan naman siya nito.
"You'll have to pay me double for this."
... But also, Dominic.
Itutuloy...
Hope you enjoyed! Don't forget to vote★ and leave a comment~