3 | Caught

2965 Words
Follow me on f*******:, YouTube, and t****k: Juanna Balisong ENJOY READING! (/>o'Oh...' "No, ganito dapat." Hinalinhinan siya ni Ricky sa dough. "Push away with the heel of your palm, fold it over, and push it away again." "Ah, I get it." Isinalo niya ang kamay sa dough at sinadyang idaiti ang daliri sa kamay nito. Husto pa siyang dumikit sa katawan nito at minasaheng muli ang dough. "Push, fold, push." Ramdam ni Samantha ang bahagyang pagkagulat ng katawan ni Ricky dahil tila saglit itong natigilan. She secretly smiles. Their hands are on the dough massaging it as if they're just playing with clay. Baha-bahagya'y sinasadya ni Samantha na mahawakan o madikit ang kamay niya kay Ricky giving him a playful signal that only grownups can understand. A MAN in his black polo and black trousers entered the shop as if he owned it. With his 6'1" tall and strong s****l appeal, walang tao ang hindi napapalingon sa lalaki. Kapansin-pansin ang chinito nitong mata at ang makakapal nitong kilay na mas nagpadagdag pa sa brusko nitong dating. Maganda ang tindig ng katawan at naghuhumiyaw sa kakisigan ang malapad nitong balikat at dibdib, idagdag pa ang itim na itim nitong buhok at ang nangungusap at makapang-uuring mga mata kung tumingin. "Good day po, Sir Dominic!" Agad na lapit ng isang tauhan. "Where's Danica?" "Nasa kitchen po ata, kung wala po ay baka nasa office niya lang po." Isang tango at ngiti lamang ang itinugon ng binata. Lumabas sa pisngi nito ang dalawang biloy na mas lalong nagpagwapo rito. "Ang gwapo ni Sir!" mahinang tili ng isang kasama sa kanyang katrabaho habang sinusundan ng tingin ang lalaki. "Kung wala lang akong asawa, ay naku, baka pinikot ko na iyang si Sir." PAKUNYARING hindi sinasadyang matabig ni Samantha ang tubig sa measuring cup dahilan upang matapon iyon sa ginagawa nilang dough. Dahil roon ay lumagkit ang mixture niyon at dumikit sa kanilang mga kamay. "Oh my god! I'm so sorry, hindi ko sinasadya," animong natatarantang tinanggal niya ang kamay na may nakadikit pang dough dala ng pagkabigla. "It's okay, Sam. Nangyayari talaga ang ganito, kasalanan ko rin at hindi ko inilayo ang measuring cup. Now give me your hands para makuha ko ang iba." She shyly lends him her hands na siya naming hinawakan ni Ricky. He gently scrapes off from her hands ang mga dumikit na dough. Nag-angat siya ng tingin kay Ricky na seryosong nakatuon ang atensyon sa kanyang kamay. They were too close to each other na tila hindi man lamang nito namamalayan. Naramdaman siguro ni Ricky ang titig niya kaya nag-angat din ito ng tingin. Their eyes caught each other. Doon lamang napagtanto ni Ricky na sobrang lapit pala nila sa isa't isa. Nasa ganoon silang posisyon nang biglang may pumasok mula sa pinto. "What. Are you two. Doing?" Mababanaag mo ang rahas at awtoridad sa tinig ng kung sino mang pumasok. Maging si Samantha ay natigilan nang malingon ang lalaki sa pinto. His eyes were burning with malicious look. Wala mang kaekspre-ekspresyong mababasa sa mukha nito ay tila ang matatalim nitong mata ang nagsasabing hindi nito nagugustuhan ang nakita. He's looking at them-No-at her, ragingly. Malalaki ang hakbang na tinungo nito sila at sa isang kisapmata ay hinablot ng lalaki ang kanyang palapulsuhan palayo kay Ricky. Nakaramdan si Samantha ng sakit sa paraan ng pagkakahila nito, sa higpit ng hawak nito sa kanya ay kulang na lang mamuti ang kanyang kamay. "Dominic," pagkilala ni Ricky sa lalaki. "Who is she?" Tinapunan siya ni Domic ng isang malamig na tingin. Animo nanunuot sa kanyang mga buto ang titig nito nungkang mga tuhod niya ay tila nais maupos sa panghihina. She couldn't explain this uncanny feeling. Ngayon lang siya nakaramdam ng kaba sa isang lalaki. "This is Samantha, our newly-hired waitress and a friend of Danica. Samantha, this is Dominic," pakilala ni Ricky. Hindi pa rin siya binibitawan ni Dominic bagkus ay mas lalong animo bumaon ang pagtitig nito sa kanya. Palagay niya'y maski kaibuturan ng kanyang buto ay nakikita nito sa paraan ng pagtitig sa kanya. Naghahalo-halo ang mga emosyon niya, animo robot na nagkakaroon ng malfunction at hindi maprocess ang mga data na nagkakagulo-gulo. Mula sa mahigpit na pagkakahawak nito, ay ramdam ni Samantha ang init ng palad nito na tila pinapaso ang kanyang balat. May kung anong elektrisidad ang dumadaloy sa kanyang balat mula sa palad ni Dominic na naghahatid ng hindi niya matukoy kung anong klaseng pakiramdam. "Sir Ricky, nandito na po ang delivery," ani isang tauhan mula sa backdoor kitchen. Tiningnan ni Ricky ang dalawa, "Maiwan ko muna kayo, aasikasuhin ko lang ang delivery." At sumunod ito palabas. Nang maiwan si Samantha at Dominic ay isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa paligid. Nais mailang ni Samantha sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Dominic. But she remains her posture and calmness upang hindi ito makahalata. Ngayon lang napansin ni Samantha na may hitsura ito. Lalaking-lalaki ang dating nito at maganda ang hubog ng mga matutulis at umiigting na panga. Kung mawawari ay may pagka-Rico Yan ang hitsura nito ngunit mukhang maldito. Maganda ang tindig ng pangangatawan,matangkad, maputi, at chinito. Kung titingnan ay mahahalata mong hindi ito purong pilipino dahil sa singkit na mata, gayun pa man ay malakas ang karisma nito at intimidating ang aura. "Wala akong natatandaang kaibigan ni Danica na may pangalang Samantha." Basag ni Dominic. "Now you met one," sarkastiko niyang tugon at sinalubong ang nagbabaga nitong tingin. "I know what kind of tricks you are playing kaya ngayon pa lang, tigilan mo na. Leave. Them. Alone." Mapagbanta ang bawat mga katagang binibitawan nito kasabay ang mas lalong paghigpit ng hawak sa kanyang pulso. Malakas ang pwersang binawi ni Samantha ang kamay mula rito. "Oh, really? Baka naman mali ka lang ng pagkakaintindi and here you are already jumping in a conclusion." Binalewala niya ang pagpintig sa sakit ng palapulsuhan. His jaw clenched, and his eyes were dead set on her. "I'm telling you, Miss. I don't buy cheap and lame excuses." Ilang sandal pa silang nagsukatan ng tingin. Kahit nakakangawit tingalain ang tangkad nito ay hindi magpapatalo si Samantha. Ni-hindi siya kumurap at nagpatinag sa nakamamatay at nakapanlalambot nitong mga titig. She can feel his warm and raging breath hitting her face, sa ilang pulgadang layo nila sa isa't isa ay nasasamyo na niya ang mabangong mamahaling men's cologne nitong gamit na naghahatid ng pagkakagulo ng kanyang sikmura at ang abnormal na pagrigodon ng kanyang dibdib. 'What the heck is with this man?' Kanina pa siya nakaka-experience ng mga weird na bagay at pakiramdam na hatid ng lalaking ito, at naiinis siya sa hindi malamang dahilan kung bakit at ano ba ang meron dito. "Oh, there you guys are!" pasok ni Danica nang makita sila. Bahagyang bumaba ang tension at lumayo sila sa isa't isa. "Nasabi sa akin ni Nami na nandito ka raw. So, what brought you hear, brother?" 'Brother?!' Hindi makapaniwalang turan ni Samantha sa isipan at tiningnan ang dalawa. 'Kapatid ni Danica ang lalaking ito?' Oh, great! Just great. Nahuli lang naman siya ng kuya ni Danica sa plano and now, what? Itutuloy... Hope you enjoyed! Don't forget to vote★ and leave a comment~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD