2 | Plan

2198 Words
Follow me on f*******:, YouTube, and t****k: Juanna Balisong ENJOY READING! (/>oNAKATAYO si Samantha sa harap ng isang coffee and pastry shop, nasa loob lang din iyon ng mall. She's wearing a fit red dress that hugs her body perfectly and is paired with 5-inch black stilettos, kaya ang mga taong napapadaan ay hindi maiwasang mapalingon sa marikit na dalaga. She puts her Chanel sunglasses she is wearing on her head at pinagmasdan ang kabuuan ng naturang shop. Napapalibutan iyon ng glass wall na kino-complement ang wood accent na design nito. Sa loob makikita ang mga naka-display na iba't ibang pastries at menus ng mga tea and coffee. Mula sa labas ay masasamyo mo na ang mabangong amoy ng bagong hangong tinapay at ang animong bagong burong kape. 'Deja Brew...' basa niya na signage na nakalagay sa taas niyon. She softly scoffs. '... witty.' Muli niyang sinuot ang sunglasses at diretsong tinungo ang shop. Pinagbuksan siya ng pinto at binati ng bodyguard na nagbabantay roon. She nods her head and smiles to greet him back. Pagpasok pa lamang ay agad na dumiretso siya sa counter upang umorder. May iilan pang nakapila kaya minabuti niya munang ieksamina ang paligid. Maganda ang ambiance ng lugar at ang mga paintings and displays, ang mga lamesa't upuan ay gawa sa kahoy, maging ang mga lampara at aranyang nakalambitin sa kisame. Cozy at minimalist ang dating ng shop, idagdag pa ang mabangong amoy ng naghahalong kape at tinapay at ang naglalaro sa simoy ng hanging umiikot sa loob ang magandang musikang animo hinihele ang mga nakikinig. "May I get your order ma'am?" Napalingon siya nang magsalita ang nasa counter. "Oh sorry, one order of caramel macchiato and whipped shortbread cookies." After she was billed, naghanap siya ng magandang pwesto at doon naupo at naghintay para sa kanyang orders. Napansin ni Samantha na iilan lamang ang mga customers na naroon, maraming bakanteng upuan at lamesa na tila ay ilang araw nang hindi nauukopa. "Here's your order ma'am, enjo-" Natigil si Danica sa paglapag ng tray sa lamesa nang makita kung sino ang kanyang customer. "Saman-" Samantha gestures to lower her voice, giving her a message to act as if she doesn't know her. She winked at her as she thanked Danica. Umalis ang dalagang puno ng pagtataka. Muli siya nitong sinulyapan nang makabalik sa counter bago tuluyang pumasok ng kitchen area. Samantha crosses her legs and takes a sip of her coffee. Pasimple niyang tiningnan ang mga customers na naroon, minumukhaan at binabasa ang bawat kilos. "Hire you?" Samantha nodded. "Sa paanong paraan mo naman ako matutulungan?" Isang nakalolokong ngiti ang pumaskil sa magandang mukha ng dalaga. "In everything, Danica. Kaya kong maglapag ng ebidensya na magpapatunay na tama ang hinala ko tungkol kay Ricky." "By how?" naguguluhan pa ring untag ng dalaga. "First, is to investigate. I need to see and know him without him noticing." "So?" "You said you have a pastry and coffee shop right? Hindi natin alam na baka at maaaring isa pala sa mga customers mo ang kinakalantari ni Ricky." Kibit-balikat niya at sumandal sa pagkakaupo. Ilang sandaling napaisip si Danica. Medyo matagal na rin ang business niya kaya may posibilidad na sa mga naging customers niya ay hindi malabong isa nga sa mga iyon ang maaaring dahilan kung bakit ayaw pa rin siyang pakasalan ni Ricky. She couldn't just bring herself to ask him kung may iba nga ba ito dahil siguradong itatanggi nito iyon, totoo man o hindi. Muling napatingin si Danica kay Samantha. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngunit may kung ano ang nag-uudyok sa kanyang tanggapin ang tulong ni Samantha. May bahagi rin ng kanyang utak na nagsasabing baka nag-iisip lamang siya ng kung ano-ano tungkol sa nobyo, pero ewan niya ba, malakas ang kutob niyang kakailanganin niya si Samantha para malaman ang totoo. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Danica. Nakapagdesisyon na siya. "Okay. I'm accepting your help, Samantha." Unti-unti ay isang matagumpay na ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga. "I knew you'll accept it." Samantha stood up and held out her hand to Danica for a handshake. Tiningnan ni Danica ang nakalahad na kamay ni Samantha. Tumayo rin siya at tinanggap iyon. "Are you sure this will work?" "Lovely and certain," Samantha smiles mischievously. Ilang oras ang lumipas ay naroon pa rin si Samantha. Mag-a-alas singko na ng hapon at palagay niya'y maagang magsasara ang shop dahil iilan na lang din naman ang customers. Danica approached her with a box of pastries na inorder niyang muli kanina upang hindi makahalata ang ibang employee ng shop. Inilapag nito ang box sa lamesa at tiningnan siya. She then gave her a piece of tissue kung saan ay may nakasaad na mensahe. Pasimpleng kinuha iyon ni Danica bago ito bumalik sa counter. Nilingon niya si Samantha na papalabas na ng shop. Binasa niya ang papel na hawak. 'Meet me tonight. You know the address.' Muling nilingon ni Danica ang dalagang papalabas na ng shop Nang medyo makalayo-layo sa shop ay lumiko siya sa isang corner kung saan may ice cream stall at doon umaktong bumibili rin. May ilang taong nakapila kaya hindi siya mapapansin. Muli niyang nilingon ang shop ni Danica. There she saw Ricky. Kalalabas lamang nito ng shop suot pa ang apron at may bahid pa ng harina ang mga braso. Namaywang ito at kinausap ang guwardyang naroon. Bahagyang naningkit ang mata ng dalaga habang pinagmamasdan ang mga ito. Hindi man marinig ni Samantha ang pag-uusap ay batid niyang tila hindi maganda ang mood ni Ricky at pinagagalitan ang guwardyang mahinahong nakikipag-usap dito. "Miss? Ano pong flavor ang gusto niyo?" Napalingon siya sa sorbetero at sa mga taong nakapila sa likod niya. She didn't notice she was holding the line. Wala naman talaga siyang balak bumili ngunit dahil nakakahiya na umalis na lamang sa pila at sa mga taong nakasunod sa kanya ay bumili na lang din siya. "Rocky road ice cream in medium cone po." Kukuha na sana siya ng bill sa wallet nang mapansin niya ang dalawang bata na nasa labas ng mall at nanlilimos sa mga dumaraan. "Make it two na lang po kuya sa large cone po." Matapos magbayad ay lumabas siya ng mall at hinanap ang dalawang bata. Isang maliit na kamay ang kumulbit sa kanya mula sa likuran. "Ate, baka po may barya kayo." Nilingon ni Samantha ang bata. "Kasama mo ba iyon?" nguso niya sa isa pang bata na nanlilimos sa mga naglalabas-pasok sa mall. "Opo, kapatid ko po." "Here, you can have this," Ibinigay niya ang ice cream na hawak. "Paghatian niyo na rin ito ng kapatid mo." She gave him the box of pastries na binili niya sa shop ni Danica. Puno ng pagkamangha at tuwa na tinanggap ng bata ang mga iyon. "Maraming salamat po!" Dali-dali itong tumakbo sa kapatid. Nakangiting pinagmasdan ni Samantha ang dalawa. Kitang-kita sa mukha ng mga paslit ang katuwaan habang kinakain ang sorbetes at tinapay. Tila may isang mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Samantha habang pinagmamasdan ang dalawa. Isang sandali ay isang mukha ang rumihistro sa kanyang isipan. Inilahad sa kanya ng kanyang ama ang ice cream. "Rocky road!" Favorite flavor niya iyon kaya dali-daling tinanggap ni Samantha ang sorbetes mula sa ama. "Thank you, daddy!" "Anything for you, my princess. Kahit bilhin pa natin ang buong factory ng favorite mong ice cream ay gagawin ko just to make you happy." Her dad pinches her bubbly cheeks as she giggles with joy while licking her ice cream. "Baka maniwala si Sam, ma-spoil mo pa nang sobra ang anak natin," nakangiting ani ng kanyang mommy. "What's wrong with that? My princess deserves everything she wants." Binuhat si Samantha ng kanyang ama at hinalikan ang humahagikgik na bata sa pisngi. Pinahid ni Samantha ang luhang namumuo sa kanyang mata bago pa ito tuluyang kumuwala. She releases the weight she is feeling by letting out a deep sigh. 'Don't waste your tears, Samantha.' Matigas niyang turan sa sarili. Tumalikod na siya at dumiretso sa parking lot. "WHAT'S your plan now?" tanong ni Danica habang inuusisa ang ekspresyon ni Samantha. Pagkatapos niyang maisara ang shop at gumawa ng excuse sa nobyo, ay agad na siyang dumiretso sa condominium ni Samantha kung saan una siyang dinala nito noong magkakilala sila. Mula sa paglalakad paroo't parito ay nilingon siya ng dalaga. "Sa ilang araw kong pagmamanman sa shop mo, napansin kong hindi gaanong lumalabas si Ricky sa kitchen at ranging ten to thirty minutes lang tumatagal ang mga pumapasok na customers sa shop, maliit ang tiyansang isa nga sa mga iyon ang babae ni Ricky." "Sam, maybe nag-o-overthink nga lang tayo? What if wala naman talagang ibang babae si Ricky? We might just exaggerate little things." Samantha crosses her arms on her chest at matamang tiningnan si Danica. "'Maybe', 'What if'... See? Maski nga ikaw hindi sure sa sinasabi mo." Naglakad siya palapit dito at naupo sa sofa kaharap nito. "You know what they always say, "Women always have the right suspicions." Now I will ask you. Bakit mo nga ba tinanggap ang offer ko where in fact, kung sure kang hindi nangangaliwa si Ricky ay pwede mo akong tanggihan?" Sandaling hindi nakahuma si Danica. Samantha was right, hindi nga ba at sinusunod niya lang ang kutob niya? It is her guts who pushed her to accept her offer. Nang hindi makasagot ang kaharap ay nangingiting napailing si Samantha. "You know what, Danica? You're scared to know the truth, yet you still want to know. Gusto mo pa rin bang ituloy? Hindi naman ako magagalit if you want to stop, marami na rin akong nakatrabahong tulad mo." "I don't know, Samantha. Tama ka na takot akong malaman ang totoo, but I have this strong feelings na kailangan ko ang tulong mo," tumingin sa kanya ang dalaga. Mababasa sa ekspresyon nito ang pag-aalangan at pangamba. "But still, I don't want to stop. Maaaring tama o mali ang hinala ko pero gusto ko pa rin malaman ang totoo." Samantha crosses her legs and leans closer to her. "What exactly happened noong makita kita sa restaurant na umiiyak?" "Oh, that... Nagkita kami ng kapatid ni Ricky. Nagkaroon kasi kami ng hindi pagkakaintindihan dahil nga kinukulit ko na s'ya tungkol sa pagpapakasal namin, ilang araw na wala s'yang paramdam at hindi nagpapakita sa akin kaya I asked his brother at doon ko nalaman na umuwi pala s'ya sa kanila nang hindi ko alam. I guess he talked to him kaya nagkaayos kami ulit." "Sa mga kwento mo, Ricky seems to be sensitive when it talks about marriage. So bakit s'ya nagpropose sa'yo?" Napakibit-balikat si Danica. "And that's what we need to know." Muling tumayo si Samantha at may kinuha sa tokador. Pagbalik nito ay may hawak na itong envelope at ballpen. Inilapag ng dalaga iyon sa lamesa na siyang tiningnan ng kyuryosidad ni Danica kung ano ang nilalaman niyon. "Mayroon akong ilang bagay na gustong linawin at hingin ang permiso mo bago natin ipagpatuloy ang plano. Hindi sapat lang ang pagtanaw at pagmamasid ko mula sa malayo para mapatunayan ang kalokohan ng fiancé mo, I need to know him personally." "You mean magpapakilala ka?" "Exactly," tango ni Samantha bago muling nagpatuloy. "Galing na rin mismo sa iyo that Ricky wouldn't do such a thing as cheat on you-that, is what will be tested." "Enlighten me, Samantha. Anong gusto mong sabihin?" "I am asking for you permission, aakitin ko si Ricky." Walang pakundangang wika niya. Iglap na natigilan si Danica, mababakas sa mukha nito ang pagkagulat. Ilang beses itong napakurap bago nakahuma. "B-but... is it necessary to do that? what if mahulog sa'yo nang tuluyan si Ricky? You are young, beautiful, and very much seductive-a temptation that no man could ever resist!" "Oh, Danica... you are so innocent about things! And stop flattering me, I knew that," mahinang napatawa si Samantha. "But remember honey, no man can turn to others if they are truly faithful, kahit pa ang pinakamaganda at seksing babae ang iharap mo sa kanila. And don't worry, Ricky isn't my type para agawin ko s'ya sa'yo. I am only doing it to prove his faithfulness." Nakagat ni Danica ang hinalalaking daliri. Animo nagtatalo ang kanyang isipan at puso sa mga nauulinagan. Naghahalo ang kaba, kyuryosidad, pagkalito, at kung ano-anong damdaming hindi niya matukoy kung ano ang nagingibabaw. "I am giving you time to think, Danica. I don't want to pressure you. You can sign the contract whenever you want and just contact me kapag nakapagdesisyon ka na." Tumayo si Samantha at niligpit ang mga baso at platitong ginamit nila. "You can go now, baka magtaka si Ricky at wala ka pa." Hindi pa man siya nakakapasok ng kusina nang marinig niya ang tunog ng pagkaluskos ng papel at animo pagsulat mula roon ng ballpen. Agad siyang napalingon kay Danica. Danica puts the pen down on the table and pushes the piece of paper towards Samantha. "I am granting your permission to carry out your plans, Samantha. I'm not backing out." Unti-unti ay isang ngiti ang sumilay sa labi ni Samantha habang matamang nakatingin dito. "Now that's the spirit." Itutuloy... Hope you enjoyed! Don't forget to vote★ and leave a comment~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD